28

11.3K 296 167
                                    

"Ano'ng kukuhanin natin?"


Parehas kaming nakatingin sa mga display na alak sa grocery. Hindi ako masyadong maalam sa alak kasi tuwing umiinom ay tanggap lang naman ako nang tanggap ng alak. Hinayaan ko na lang na si Claire ang pumili kasi siya dakilang lasinggera naman siya.


Nagkibit balikat ako. "Ikaw ang bahala."


Hindi natuloy ang plano nilang mag-outing kaya ang ending namin ay sa unit ni Dandy iinom. Walang umaabsent kapag inuman ang pinag-uusapan kaya lahat sila ay handang-handang pumunta. Inaasahan ko nang magiging sobrang ingay talaga mamaya.


Tinanong-tanong niya ako kung may suggestion ba akong alak pero wala akong maisagot kaya hinayaan kong siya ang mag-desisyon kung ano ang bibilhin. Alam ko naman kasing kapag nakipagtalo pa ako kay Claire tungkol sa bibilhin ay matatagalan lang kami. Gusto ko nang umalis dito. Gusto ko na siyang makita.


Ako ang nagtutulak ng cart habang siya naman ang naghahanap ng iba pang mga bibilhin. Kapapasok lang namin dito sa grocery pero inip na inip na agad ako kaya habang nakasunod ako sa kaniya ay tinawagan ko si Dandy. Ang clingy kong pakinggan pero nami-miss ko siya.


"Ang tagal mo," bungad niya.


"Ba't ka galit?" tumawa ako.


"Gusto na kitang makita. Bilisan mo na."


Mas clingy yata siya. Yumuko ako at napangiti dahil sa sinabi niya.


"Ano'ng gusto mong inumin? Nasa grocery kami ngayon."


"Ikaw ang gusto kong inumin kaya bilisan mo na."


Bumuntong hininga ako sa sinabi niya. Bakit ba minsan ay walang preno ang bibig nito? Nakakahiya kasi iba na ang tumatakbo sa isip ko.


Natawa ako. "Bastos."


Narinig ko rin ang tawa niya sa kabilang linya. Sinabi niyang bilisan na raw namin kasi naiinip na siya kakahintay sa 'kin doon. Hindi pa rin matanggal ang ngisi sa labi ko kahit nang mawala na ang tawag. 


Nang sulyapan ko si Claire ay ibang klase na ang tingin niya sa 'kin. Dudang-duda ang mga mata niya at anumang oras ay handa na siyang asarin at usisain ako pero bago niya pa man magawa 'yon ay nilagpasan ko na siya at dumeretso sa shelf ng mga chichirya.


Hanggang ngayon ay wala pa rin akong sinasabi kay Claire. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya o hahayaan kong malaman niya. Alam ko namang hindi niya ako pipigilan sa ikasasaya ko pero natatakot akong baka mag-iba ang tingin niya sa 'kin at sa amin. Kaya siguro ay ayos lang na itago ko muna. Saka ko na lang sasabihin kapag handa na ako.


Nang makarating kami sa unit ni Dandy ay sina Esme, Matthew, at Oliver pa lang ang nandoon dahil papunta pa raw ang iba. Parang batang nakasimangot namang lumapit sa 'kin si Dandy nang makarating ako.


Binibigyan ko siya ng makabuluhang tingin nang tumayo siya sa harap ko. Nasa sala sila at abalang inaayos ang mga pagkain at nasa kusina naman kaming dalawa. Hindi naman nila agad makikita kung sakaling maglandian man kami rito pero kinakabahan pa rin ako lalo na nang hawakan niya ang kamay ko.

Sundowns of AprilWhere stories live. Discover now