39

8.3K 214 78
                                    

TW: Death


"Are you serious?"


Nakita ko ang dahan-dahang pagbaba niya ng tinidor habang nakaawang ang labi na nakatingin sa 'kin. I don't think there's something really shocking about what I said but she seems really shocked. Her reaction is weird.


I shrugged. "Kinda."


"Flight school? Gusto mo maging piloto?"


"Obviously, Claire," sabi ko at sumimsim sa inumin ko. Nang makita kong sumingkit na naman ang mga mata niya habang nagtatago ng ngiti ay naramdaman na kailangan kong depensahan ang sarili ko sa pagdududa niya. "I'm not following him if that's what you're thinking."


"Defensive ka naman masyado," tumawa siya. "Halata tuloy."


"Defensive about what? Totoo naman talagang hindi ko siya sinusundan. Bakit ko naman gagawin 'yon? Saka isa pa, hindi ako papasok sa airline. Gusto ko lang ng private pilot license," paliwanag ko.


Bago siya yumuko ay nakita kong nakangisi siya, mukhang walang balak na tanggapin ang paliwanag ko kasi iba pa rin ang nasa isip niya. This woman is still the same as before. Mahilig pa rin talaga siyang magduda.


Tumango-tango siya. "Whatever floats your boat."


"Do you think it's a good decision? Do you think I really should go for it? Nagdadalawang-isip kasi ako. What if it affects my work?" tanong ko.


"If you can afford it financially, then I don't think something's wrong with pursuing it," aniya. "But ask yourself first. Make sure na gusto mo talagang gawin 'to. I hope you know how crazy flight school's tuition is. Mas mabuti nang sigurado ka ngayon para wala kang pagsisihan balang araw. We don't wanna waste our money, aren't we?"


Ilang araw na tumatak sa 'kin ang sinabi ni Claire kaya ilang araw din akong tanong nang tanong sa sarili ko kung dapat ko bang gawin 'yon. Mahal ang tuition sa flight school at kapag nag-enroll ako roon tapos hindi pala ako sigurado, sayang naman ang magagastos ko. Paano kung hindi ko pala talaga gusto 'yon? Paano kung hindi ko kayang aralin lahat? Paano kung naapektuhan ang trabaho ko? I was thinking about a lot of possible outcomes.


Imbes na magpahinga ako tuwing day off ko ay sinusubsob ko ang sarili sa pag-aaral. Isa 'yon sa paraan ko para malaman kung gusto ko nga'ng ipagpatuloy 'to. Kapag kasi gusto ko ang isang bagay, kahit mahirap 'yon ay ginagawa ko pa rin at iyon nga ang nangyayari sa 'kin ngayon. Natutuwa ako sa tuwing nag-aaral ako at may natututunang mga bagong bagay tungkol sa aviation. Kahit mahirap ay hindi ako tumitigil kaya doon ko napagtanto na baka nga gusto ko talagang gawin 'to.


I'm not sure if I just simply enjoy learning or I'm just eager to learn more about planes. I wanted to know how long I can continue doing this so I challenged myself. Ilang araw kong hinayaan ang sarili na mag-aral at gawin ang gusto ko. Natutuwa naman ako kaya ipinagpatuloy ko pa.


December na ngayon at napapadalas ang pag-ulan. Akala ko noong una ay simpleng ulan lang pero biglang naiulat na may nabubuong bagyo raw na papalapit sa bansa. Kumpara sa mga nagdaang bagyo ay hindi naman daw ito gaanong malakas pero ongoing pa rin ang observation sa naturang bagyo.

Sundowns of AprilWhere stories live. Discover now