12

10.5K 293 93
                                    

"Bawal nga ang bata roon."


Nakasimangot si Rhys habang nakahawak sa laylayan ng damit ni Lola. Gusto niya kasing sumama pero dahil malikot siya ay maiiwan siya sa bahay at ako ang magbabantay. Umalis si Claire at isasama ni Lola si Kyle kaya kaming dalawa lang ni Rhys ang maiiwan dito.


"Bakit si Kuya pwede?" paiyak na ang tono niya. "Sasama ako."


"May nanghuhuli nga ro'n kaya bawal," biro ni Lola at inalis ang hawak ni Rhys sa damit niya. "Mabilis lang naman kami. Dadalhan na lang kita ng pasalubong pag-uwi ko, ha? Pangako 'yan."


Nagpipigil ako ng tawa nang makitang umiiyak na si Rhys habang pinapanood na paalis sina Lola. Yumuko na lang ako para hindi niya makita kasi baka mainis siya sa 'kin. Pinagpatuloy ko na lang ang pagdidilig ko habang naririnig ang pagpupumilit niya kay Lola.


"Hijo, babalik ako agad. Ikaw muna rito, ha?" tinapik ni Lola ang balikat ko.


"Ingat po kayo," sabi ko bago tuluyang lumabas ng gate sina Lola.


Sa may hamba ng pintuan ay humihikbi si Rhys habang hawak ang manika niya. Dahil tapos na ako sa pagdidilig ay binitawan ko na ang hose bago siya nilapitan.


"Babalik naman sila kaagad," lumuhod ako at pinunasan ang mukha niya. "Tahan na. Nakakapangit 'yung pag-iyak."


Kalaunan ay nasa sala si Rhys at tahimik na nanonood ng cartoon habang nagkakape ako sa tabi niya. Halatang wala siya sa mood kaya tahimik lang din akong nakaupo, iniisip kung ano ba ang pwede kong gawin para bumalik ang sigla niya.


Bigla siyang tumayo, nakasimangot pa rin kaya hindi ko na kinausap. Bad shot siya at ayoko namang mas mainis lalo. Umakyat siya sa taas at una ay inakala kong matutulog siya pero 'di nagtagal ay bumaba rin siya at may dalang maliit na box.


"Tali ko buhok mo, Kuya," nakasimangot na aniya.


"Itatali ko buhok mo?" tanong ko.


"Hindi. Itatali ko buhok mo. May pantali ako, o."


"Itatali mo buhok ko?" naguguluhang tanong ko ulit.


Tumango-tango siya at umalis sa harap ko para kumuha ng suklay. Nakangiti na siya nang kalaunan ay bumalik sa harap ko. Sa ngiti niya ngayon ay halatang gusto niya na ulit makipaglaro. Nakakatuwang makita siyang hindi na nakasimangot gaya kanina kaya hinayaan ko lang siya sa kung anong gusto niyang gawin sa buhok ko.


Hawak ang maliit na salamin, tiningnan ko ang hairstyle ko. May mga clip ako at iba't-ibang kulay ng lastiko. Walang maayos na pattern ang pagkakatali ni Rhys sa buhok ko pero 'yon ang gusto niya kaya kahit na nakakatawa akong tingnan ay hinayaan ko na lang.


"Kuya, maganda ba?" tanong ni Rhys, tinutukoy ang pagkakaayos niya sa buhok ko.


"Oo naman, ang ganda," sabi ko. "Ang galing mong magtali ng buhok."


Narinig ko ang mahinang tawa niya habang nilalagyan ulit ako ng panibagong clip. Pagkatapos no'n ay may kinukuha siyang kung ano sa bulsa niya. Nagulat ako at napatawa nang makita 'yon.

Sundowns of AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon