37

8.5K 272 241
                                    

TW: Death


"Coffee?"


Nabasag ang katahimikan ko nang biglang magsalita si Linley na siyang nag-iisang kasama ko sa office. Tapos na akong mag-kape kanina pero dahil nagdala siya ng kape na galing sa pantry ay tinanggap ko na lang 'yon. Kailangan ko rin kasi ng kape para i-distract ang sarili ko.


"Thanks," ngumiti ako.


"Kanina ka pa balisa, ah? Is everything alright?" tanong niya habang pinapanood ako. 


Ngumiti ako at tumango. "Thank you for asking, but I'm okay. May iniisip lang. Ano'ng story ba ang naka-assign sa 'yo this morning?"


"Doon ako sa plane crash na-assign," sabi niya at umupo sa cubicle niya sa tabi ko. Nakita ko ang pag-iling niya habang umiinom ng kape. "Grabe 'yung number ng casualties. I couldn't imagine the horror."


Lumala ang kaba ko. "May... names na ba ng mga namatay?"


"Unfortunately, wala pa. Ongoing pa rin kasi 'yung investigation. Base sa research ko kanina, 7 out of 23 bodies pa lang ang na-recover. Nasabi pa roon na 'yung iba raw doon sa 7 ay halos hindi na makilala," aniya. "Hopefully, by today ay makakuha na tayo ng namelist for identification."


Nanuyo ang lalamunan ko sa narinig at napasimsim sa kape. Kanina pa kabog nang kabog ang dibdib ko dahil sa dami ng iniisip ko. Alalang-alala ako at kating-kati akong malaman 'yung totoo. Kanina ko pa tinatawagan si Claire pero hindi siya sumasagot at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang reply.


Marami namang mga piloto sa airline nila kaya posibleng 'di niya flight 'yon. But still, I can't calm down. Natatakot ako na baka siya ang kapitan ng flight na 'yon. Natatakot ako sa ideyang baka tama ang tumatakbo sa isip ko. Nilalamon ako ng nerbyos at takot kaya hirap ako sa pag-focus. Iyon lang ang naiisip ko kaya hanggang ngayon ay wala pa rin akong nasisimulan sa mga gagawin ko.


Ngayong umaga ay walang naka-assign na live broadcast sa 'kin kaya hindi ko na kailangang umalis pa ng station. I'm only going to broadcast one story this morning so I don't really have a heavy workload. Mamayang tanghali pa ako magiging abala kasi may live broadcast ako.


Pagkatapos kong mag-record ng voiceover ay nagsimula na agad ako sa pag-edit kasi dalawang oras na lang ay magsisimula na ang news. I finished editing in less than an hour. Usually, natatapos ko ang pag-eedit ng mga 30 minutes lang pero dahil wala ako sa isip habang nag-eedit kanina, may mga clips ako nabura kaya inulit ko na naman dahilan para matagalan ako.


May araw na sa labas pero wala pa rin akong natanggap na balita mula kay Claire. Tinawagan ko ulit siya pero hindi pa rin sumasagot kaya mas nag-aalala ako. I stopped communicating with him since that day kasi ang kapal naman ng mukha ko kung kakausapin ko pa rin siya pagkatapos ng lahat. Nawalan na rin ako ng komunikasyon kina Matt at Esme. Tanging si Claire na lang ang may connection sa kanila. They hated me for what I did and I think that's understandable lalo at hindi naman nila alam ang dahilan noon.


I know that I definitely won't have a connection with Dandy again but I couldn't stop myself from being worried. Before everything that happened between us, before we felt something for each other, we were friends. We were really good friends. Kaya hindi ko matatanggap kung hindi ko na siya makikita pa ulit.

Sundowns of AprilWhere stories live. Discover now