35

11.3K 280 508
                                    

TW: Homophobia


"Tambay tayo mamaya. Nakauwi na si Claire."


Hindi ko pinansin ang sinabi ni Matthew at nanatili akong nakatutok lang sa monitor dahil may nilalaro ako. Saka ko lang siya tiningnan at tinanguan nang kalaunan ay matalo ako.


Para sa 'kin, walang ibang ibig sabihin ang bakasyon kung 'di dagat, alak, laro, at barkada. At ngayong nakabalik na si Claire — hindi ko alam kung bakit siya natagalan — ay alam kong simula na talaga ng bakasyon. Hindi naman sa VIP siya, pangit lang talaga na nagsasaya kami at wala siya. Parang puwet ng manok kasi ang bibig ng babaeng 'yon at malaki ang contribution ng kaingayan niya sa grupo.


Hindi ako makapaniwalang isang madugong semester na naman ang natapos ko. Apat na taon na ako sa kurso ko pero hindi ko pa rin talaga magawang mahalin 'yon. Magaling akong mag-drawing pero hindi 'yon ang gusto kong gawin sa buhay.


I want to fly and I was vocal about it to my parents pero gusto akong gawing robot ni Papa. Gusto niyang sundan ko ang yapak nilang lahat kaya pinilit niya akong ipasok sa engineering. Hindi man ako interesado sa kursong 'yon, wala naman akong magagawa kasi pinapaaral lang ako.


Ewan ko nga, eh. Hindi naman siya Air Traffic Controller pero kino-control niya ang buong buhay ko pati ang buhay ng mga kapatid ko. I just think he's trying to prove something and I feel like that's really stupid.


Sa mga panahong nagpapakahirap ako sa pag-aaral ay walang ibang tumatakbo sa isip ko kung 'di ang bakasyon. Bukod kasi sa caretaker lang ang kasama ko sa bahay sa tuwing nandito ako, nakakalimutan ko ring hindi ako malaya. Kaya naman taon-taon ay bakasyon lang talaga ang hinihintay ko at heto na naman 'yon. Malaya na naman ako.


Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Basta ang alam ko lang ay hapon na nang magising ako. Gwapo naman na ako kaya kaonting pag-aayos lang ang ginawa ko bago ako lumabas ng bahay.


Kapag nandito ako sa Villarreal ay kinakalimutan kong may cellphone ako kaya wala na naman akong dala ngayon. Mailap din naman ang signal dito kaya walang kwenta kung dadalhin ko pa 'yon. 


At dahil nga wala akong dala, hindi ko alam kung nakaalis na ba si Claire sa bahay nila kaya minabuti kong puntahan na lang siya para magsabay kami. Total ay dadaan din naman ako sa bahay nila.


Hindi naka-lock ang gate nila kaya deretso ko 'yong itinulak. Alam ko namang may doorbell pero naiingayan si Lola Juanda doon kaya hindi ko ginamit at pumasok agad ako.


Pareho kaming nagulat ng lalaking naka-squat sa lupa. Sa mga sandaling nagtititigan kami, bigla akong kinabahan sa ideyang baka maling bahay ang pinasukan ko. Gusto kong lumabas sana kasi tingin ko'y nakakaistorbo ako sa... pagluluto niya ng mga dahon, pero hindi ko ginawa kasi nasa tamang bahay naman ako.


Sino ba 'to?


Gusto kong tanungin kung sino siya, pero mukhang wala siya sa mood at mukhang anumang oras ay susuntukin niya na ako kaya tahimik lang akong nakatingin.


"Sana man lang ay kumatok ka," aniya.


Hindi ko alam kung bakit noong hapon 'yon ay may mga demonyong nagdikta sa 'king maging pilosopo. Hindi naman talaga ako masyadong pilosopo, slight lang. Saka lang 'pag gusto kong asarin si Sian o Claire.

Sundowns of AprilWhere stories live. Discover now