Twenty-fifth Move

156 3 0
                                    

#C25: Talk

Lumipas ang ilang araw at hindi ko nakita maski anino niya. Nakakapagtaka dahil ang akala ko'y hahabulin niya ako't susubukan niyang magpaliwanag sakin.

Pero hindi.

Simula ng araw na sundan ko siya kung saan-saan ay hindi ko na siya nakita. I know I should feel great because she's out of sight but... I don't want it. Gusto kong magpaliwanag siya sakin kahit pa na nagtataka pa rin ako.

I hate this feeling.

"Hoy Dale, ayos ka lang dyan?"

Napabalikwas ako ng upo nang bigla akong tawagin ni Erik. "Ha? O-Oo... ayos lang. Saan na ba tayo?"

Bakit wala siyang ginagawa para makabawi? Totoo nga ba talaga ang sinabi sakin ni Honey? Kaya ba hindi na siya nagpapakita dahil sa ganun nga? Kung ganoon ay mas lalo lamang akong naiinis dahil tama ang hinala ni Honey.

Hindi ko matanggap...

"Hoy, nagugutom na ako. Tara'ng kumain!" sigaw ni Brent.

Kasulukuyan kaming naglalaro ng basketball sa malapit na court dito sa subdivision. Naisipan lang namin dahil nakakabagot sa bahay.

"Time-out na muna..." ani Geo saka tumingin sakin. "Kanina pa rin wala sa huwisyo si Dale."

"Tsk."

Hindi ako makapag-concentrate ng mabuti. Knowing that she's out there-- unresponsive. Wala siyang ginagawa na kahit na ano. Habang tumatagal lang ay mas lalo akong naliliwanagan sa mga pinagsasabi ko sa kanya.

I should've given her a chance to explain her side.

"Tara..."

"Saan tayo?" tanong ko kay Erik na nagtitipa sa kanyang phone.

"Sa mall tayo. May gustong ipakuha si ate sa isang botique roon. Ayos lang ba sa inyo?"

"Ayos lang. Tamang-tama! I'm craving for some fastfood." Saka hinimas ni Brent ang kanyang tiyan.

"Tataba ka sa kaka-fastfood mo!"

"Heh!"

Isang sasakyan na lamang ang aming ginamit pagkatapos magpalit. The mall is packed with people, as usual. Kailangan pa naming bilisan ang paghahanap ng mga bakanteng pagkakainan dahil lunch time at talagang maraming magsisikainan sa ganitong oras.

"Sigurado ka bang ayos lang na walang ka-date?" rinig kong tanong ni Brent.

"Ulol! Ano naman kung walang ka-date? Ang importante ay makapunta hindi humarot. Palibhasa'y makipaglandian lang ang alam mo!"

"Anong sabi mo, ha?"

Acquaintance party. It's already coming and I'm not sure if I want to go or not. I mean, it's just socializing with other people. Nawawalan ako ng gana nitong mga nakaraang araw dahil hindi ako mapakali.

Carmeen...

"Hoy, Dale..."

Napatingin ako sa katabi ko. Doon ko nakita ang seryosong tingin sakin ni Erik. Napalunok naman ako ng 'di oras dahil sa titig niyang iyon... nakakatakot.

"Pupunta ka bang acquaintance o hindi?"

Napadako ang mata ko sa aking kamay na nasa lamesa. "Hindi ko pa alam."

"Ha?" sabay na sabi ni Geo at Brent.

"Anong hindi mo alam kung pupunta ka?" reklamo ni Geo. "Pupunta ka!"

"Hindi ko pa nga alam!" inis kong sambit. Hindi dahil sa ayoko kundi dahil sa hindi ako makapag-isip ng mabuti. My head is not gonna be on that party.

OPERATION: Make Ligaw to himOnde as histórias ganham vida. Descobre agora