Fourth Move

624 25 0
                                    

#C04: Her again!

It's weekend today and everything is set for me to go on a date with Honey. I'm really excited about it. I get to spend the day with my girl. Well technically, she's still not my girlfriend but she will be soon.

Nakahanda na lahat ang kailangan ko at tiningnan ko pa kung may naiwan akong gamit na kailangan. The hair and clothes are in line... I stared at myself in the mirror for a while before heading downstairs. 

"Ang gwapo ko talaga..." bulong ko sa sarili. 

I want to make progress with Honey today. Ayoko sa sinabing iyon ng babaeng stalker sakin ng nakaraan. Hindi ko nagustuhan ang kanyang sinabi. Hindi ko masikmurang may mga taong katulad niya na hindi man in a relationship ay committed naman.

I'm gonna prove to her that she is nothing compared to my affection for Honey.

"Ma, alis na ako!" I searched for my keys in the drawer. I threw the keys in the air and quickly catch them. Pinaikot-ikot ko pa ito sa aking hintuturo. Excited na ako!

Biglang lumabas sa kusina habang nagpupunas ng kamay. Sumandal pa siya sa hamba ng pintuan. "Nagdala ba kayo ng lunch niyo?" 

"Dun na lang kami kakain," sagot ko.

"Oh sige, mag-iingat kayo." Humalik ako sa kanyang pisngi saka nagpaalam na.

Dumiretso na ako sa garahe at pumasok sa kotse ko. Kailangan ko pang sunduin si Honey sa subdivision nila. It will take me about ten minutes to go there and another five minutes to get to our date destination.

"Let's go, Dale!" I stretched my neck and my smile reached out to my ear. I need to impress Honey today so she can finally say yes... Well, not that I'm pressuring her.

Nakaupo na ako sa driver's seat nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Lumiwanag ang aking mukha nang makitang si Honey ang tumawag. Masaya ko itong inilagay sa aking tainga.

"Hello, Honey? Papunta na ako dyan-"

(I'm sorry, Dale. Something came up.)

I was struck for a moment. Umawang pa ang aking labi ng ilang segundo... did I hear that right?

"W-What?" nauutal kong sambit. Nagtataka rin ako dahil sinabi niyang babawi siya sa akin ngunit ano ito ngayon. "But you said-"

(I know what I said but I'm really busy right now. I'll make it up to you some other time. Bye.)

Hindi man lang niya ako pinagsalita at binabaan na kaagad ako ng tawag. Wala akong nagawa kundi ang isandal ang ulo ko sa manibela. Mariin akong pumikit habang mahigpit ang kamao.

She promised me... Palagi na lang ganito ang nangyayari. I would expect and she would always turn me down. Pipiliin at pipiliin niya pa rin ang mga priorities niya kaysa sakin.

Ayos lang naman sakin yun... But what I don't get is that she say things that I'm looking forward to. It's not just spending time with her that I love-- It's her. Kahit man lang iparamdam niya sakin minsan na may pake siya sakin. Para ngang hindi ko siya nililigawan. I'm like a sideline.

Tsk. Now, I'm getting all emotional. This is so gay... I'm getting emotional just for a girl. I sighed.

Andito naman na ako sa kotse ko. Might as well do something kesa bumalik sa loob. Ayokong tanungin ako ni mama kung bakit hindi natuloy. Magpapaliwanag na naman ako.

Dumiretso muna ako sa isang cafe at umupo sa isang tabi to kill time. I sighed. 

I hate this. 

Maybe I'll call Erik and just hang at his place. Ang alam ko'y wala naman siyang pinagkakaabalahan sa ngayon. Hindi ko rin maintindihan ang isang yun kung minsan. I bet that he'd say I told you so infront of my face again.

OPERATION: Make Ligaw to himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon