Second Move

799 25 0
                                    

C02: Pursuing him 

Kinabukasan, naging mailap ako sa school. Sinusubukan kong itago yung mukha ko sa kahit na sino. Dire-diretso lang akong naglakad papasok ng room namin at binati ang iba sa mga kaklase ko.

"Hey Dale.." Napalingon ako sa tumawag sakin. "I saw your vid last night. Nice one dude!" ani Gin na may malisyosong ngiti.

"Tsk, it's my worst nightmare."

"Ikaw nang mahaba ang buhok." Umalis siya na tatawa-tawa.

Hindi lang siya ang nagtangkang magtanong. Andami ring nakiusyoso sakin na mga kaklase ko. Ugh! Just what I needed.

Kaya nang maguwian na ay wala na akong mas isasaya pa. Finally, I can get away from their questions. I hope this rumor dies fast. I swear this is so annoying.

Dumiretso ako sa room nila Honey para sunduin siya ngayon. I wonder what she's doing now? Sobrang kalat na talaga sa school yung video na iyon. I need to make things clear to her.

"Uy, Dale? Anong ginagawa mo rito?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Honey.

"Susunduin ko lang sana si Honey. Nasaan siya?"

"Ah, si Honey? Busy siya ngayon. May mga inaasikasong paperwork. Sabi niya sakin kanina mamaya pa daw siya uuwi. They got a bunch of load works. And I'm so relieved na hindi ako nanalo sa election..." mahabang paliwanag niya.

"Ganun ba?" Maybe next time then. I can already hear her sighing with so much to do. Tsk, napapagod ang prinsesa ko. What should I do to help her ease a little bit? Maybe I should buy her food... naalala kong mahilig siya sa salad or anything that's leafy.

"Dale..." Napatigil ako sa pag-iisip nang tinawag ako. "I saw the video last night. Are you really serious with Honey?" Naging malamig na ang tingin niya.

"Yes..."

Kailanman ay hindi ko siya lolokohin o ipagpapalit man lang. I love her and I'm furious sa ginawa ng babae na yun sakin. She totally ruined my peaceful school life with Honey. Or worse, she could've ruined my chance of Honey ever saying yes to me.

"Hindi ko alam kung sinong nagpakalat ng video na yun pero one thing's for sure, si Honey lang ang gusto ko. Ni hindi ko kilala yung humalik sakin."

Nagulat siya sa sinabi ko. "Talaga? Hindi mo siya kilala? Then who is that girl?"

I don't know. But I hope I never see her again... I wish I won't have to see her again. Umuna na akong umuwi total may kasabay din naman daw umuwi si Honey.

Hindi ko alam kung bakit sobrang workaholic niya pagdating sa school... she is the President of the Student Council. It's like palaging may bago siyang gagawin and that bothers me. Masyado niyang inaako lahat ng responsibilidad na pwede rin namang ipagawa sa iba. I'm not saying that the others are not doing anything. Para kasing siya na lahat ang gumagawa.

"Hi Dale!" Napapitlag ako nang may magsalita sa tabi ko. Isang babae ang malawak na nakangiti sakin habang winawagayway niya ang kanyang kanang kamay. Wait, siya yung babae nung isang araw ah!

Dinuro ko siya habang nanlalaki ang mata. "You!"

Bigla na lang kumulo ang dugo ko sa kanya. How dare she show up her face after that embarrassing move that she did! Hindi pa siya nahiya. Imposibleng hindi niya rin napanood yung video! Everyone saw it! Not just our school but the others as well!

"Me! Uuwi ka na ba?" tanong niya.

I started to look around and almost heaved a sigh when there's no one around... buti na lang. Hindi nila makikitang kasama ko siya. Ginaya naman niya ang aking ginawa na nakangiting tumingin sa paligid namin.

OPERATION: Make Ligaw to himWhere stories live. Discover now