Eighth Move

590 24 0
                                    

#C08: Endearment

I still can't get over the events yesterday. Honey called us off and she has a new guy... and the weird just keeps getting involved with my life.

"Someone kill me..." I said as I was wearing a shirt over my head.

Nakakapagod.

Pagkababa ko pa lang ng hagdanan ay nakarinig na ako nang matinis na boses at alam kong isang babae lang ang may ganoong boses. Gusto ko na lang yatang bumalik sa kwarto ko at hindi na lumabas. Kung bakit ba naman kasi nakakilala pa siya ni mama!

"Carmeen," sambit ko nang makita siya. Nakasuot siya ng sweatpants at white t-shirt. Mukha siyang mage-exercise. Subdivision naman ito kaya ayos lang na magjogging.

Nang tingnan ko siya ulit ay para siyang nanigas at 'di makapaniwala kung makatingin. Napakunot ako ng noo. "What?"

Ang aga-aga nagiging weirdo na naman. Tsk!

"Y-You just said my name." Dinuro niya pa ako habang nakaawang ang labi.

"So what?" What's the big deal? That's her name, right? Malamang babanggitin ko talaga yun kahit na ang weird pa rin pakinggan. Mas bagay kasi sa kanya ang weirdo!

Mukha siyang naluluha which made me shock. Ano na namang kalokohan ito?

"Hindi mo alam kung gaano kahalaga sa akin na banggitin mo ang pangalan ko. I am super honored." Pinaypayan niya pa ang sarili niya as if her made up tears are gonna disappear.

Lumapit ako sa kanya at binatukan sa ulo. Napadaing naman siya habang nilulukot ang mukha. Tsk.

"Aray! Grabe ka naman, honeybabes."

What the? Honeybabes? Napangiwi akong tumingin sa kanya. "Anong honeybabes? Where did you find that word?" That's one of the corniest thing I've ever heard in my entire life. Just saying it makes me wanna cringe.

"Well, napagalaman ko kasi na dapat may endearment tayong dalawa since nanliligaw ako sayo. So nag-isip ako kagabi and I came up with honeybabes. Ang sweet ko noh?" Todo-ngiti pa siya habang sinasabi iyon. Hindi ko na rin napigilang tumawa. Sweet? Pfft.

"It sounds corny and awful. Mapakla ring pakinggan. It's not sweet at all." Honeybabes. Sheesh, she has got to be kidding me.

At bakit ba ligaw na naman ang binabanggit niya?! Hindi niya ba pansing kagigising ko lang.

"Sweet kaya at unique. Hindi mo lang naappreciate dahil hindi mo pa ako nagugustuhan." She even crossed her arms... kulang na lang mag-tantrum siya. Seriously, who in their right mind would want that as an endearment? Maski ata ang mga mais mahihiya dahil sa sobrang ka-cornyhan. Okay, that joke was corny.

Atsaka ano ulit yung sinabi niya? Hindi ko PA siya nagugustuhan?

"Hinding-hindi kita magugustuhan dahil hindi kita type." 

That is a matter of fact. I mean, just look at her... ang isip-bata niya. I want a mature, responsible, and innovative lady as my girlfriend. Honey was a perfect fit for that-- but she wanted someone else.

Hays. No, Dale. Just stop thinking about her. 

"Ano ba yung mga type mo? Yung iiwan ka sa ere at pinaasa lang? Surely, I wouldn't that. I'm too smitten over you." Nanlaki ang mata ko habang siya ay inosenteng nakatingin sa akin. Wait, how did she know that?

"P-Paano mo nalaman iyon?" Seriously! It's like I dont have any privacy at all! She knows my every move... at sa bahay nila Honey kami nag-usap. Alone. How could she possibly know that?

OPERATION: Make Ligaw to himWhere stories live. Discover now