Ninth Move

562 24 0
                                    

#C09: Get Together

Pagkatapos naming magjogging ay nagpaalam ako kay mama na magpalit muna at maligo. Napagod din ako dahil wala kaming ginawa ni Carmeen kundi ang tumawa.

It was surprisingly fun.

Ehem.

My phone suddenly rang before I even grab my towel. I quickly turned it to see who's calling... it was Erik.

"Hello?"

(Hoy.)

"Hoy ka rin. Anong kailangan mo?" Umupo muna ako sa dulo ng kama dahil mukhang may sasabihin siyang importante.

(I heard what happened between you and Honey.)

Napatigil ako sa pagmumuni nang marinig iyon sa kanya. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko... dahil sa ayaw niya nga kay Honey at sa nangyari pang ganito ay alam kong napatunayan ko lang ang nasa isip niya.

First, that weird girl and now him. I sighed.

"Late ka na sa balita," biro ko. Sinamahan ko pa ng tawa kahit na wala naman talagang nakakatawa sa sitwasyon ko. "Bro, honestly... I don't wanna hear any I told you so from you 'cause it already hurts so bad. I think that's enough."

(I didn't call to say that. I was just checking if you're okay. Alam naman ng lahat na nililigawan mo siya tapos biglang may bago na siyang manliligaw. Everyone thinks you got cheated.)

"Yeah, well..."

(Other than that, some students are gossiping about Honey being incompetent. That's some serious news.)

Wait, what?

Napatayo ako bigla. "Bakit hindi ko alam yan? Sinong nagkakalat?"

Her skills have nothing to do with our situation. Never did she let her personal life get in the way of her job. This is some serious bull, indeed.

(I don't know. I just know na naaapektuhan si Honey ngayon... not that I care, actually. I just thought you knew and the other guys wanna check on you too.)

"Ang bakla niyo naman. Sino na namang may pakana, si Brent?" natatawa kong sambit.

(Yeah-) Erik suddenly got cut off by someone from his line. (Hoy Fontanilla! Ang kapal ng mukha mo! Ako na nga itong nag-aalala!)

Humagalpak ako ng tawa nang marining ang boses ni Brent... magkakasama yata silang tatlo. Hindi rin naman ako makalabas dahil kailangan ni mama ng tungkol dito sa bahay. Dumagdag pa ang weirdong bisita niya.

"Yeah, listen... I gotta go. May bisita si mama at kailangan ko ng makababa."

(Sino?)

"Yung weirdong babae..." pabalang kong sagot.

(HA?!)

"It's a long story. Kwento ko na lang mamaya."

(Hoy, teka-)

Bago pa makaalma si Brent ay binabaan ko na siya ng tawag. Marami pa naman silang tanong kapag ganun. Saka na ako magkukwento... for now, I gotta deal with the crazy lady.

Binitiwan ko na ang phone at pumasok ng banyo. May sarili akong bathroom sa loob ng kwarto ko... Actually, lahat ng mga kwarto sa bahay, may mga banyo. There are exactly 5 rooms here upstairs. Yung isa sa akin, yung master's bedroom sa kanila mama, yung isang room sa kapatid ko, at dalawa pang master's bedroom.

Maliligo na sana ako nang makita kong wala ng shampoo dito. Naubos na naman. Talagang may kumukuha ng shampoo ko... baka si papa. Sumaglit ako papuntang banyo nila mama. Babawiin ko lang yun.

OPERATION: Make Ligaw to himWhere stories live. Discover now