Thirtieth Move

942 27 0
                                    

#C30 Last Move: Timeline

I messed up. I know wala na akong mukhang maihaharap kay Carmeen. But I'm still trying. I wanna try. Sa lahat ba naman ng nagawa niya parang itong pag-reject niya sakin nawalan na ako ng pag-asa. She experienced far worse than this.

"Dale," tawag ni mama kasabay ng pag-upo niya sa tabi ko. "May problema ka na naman?"

Hay, kailan ba wala?

"Let me guess, babae na naman yan. Who is it this time, Carmeen or Honey?"

"Ma!"

Tinawanan niya lang ako sabay hagod sa buhok ko. "Hay! Kailan ba matatapos yang pamomoblema mo sa lovelife?"

"Ma naman eh!"

"Okay fine, I'll stop." Pero tumatawa pa rin siya. I'm a clown now? Tsk. "Sobrang linaw na sinabi ko kung sino dapat ang piliin mo."

"I know, ma. Pero kahit sinabi mo yun nagkamali pa rin ako ng piniling tao. I messed up."

There's this feeling again. Hindi talaga mawala yung sakit na nararamdaman ko nang sabihin niyang lubayan ko na siya.

"Walang mali o tamang pagpili ng tao. It's just a matter of heart over mind or mind over heart. Hindi porke sinabi kong siya ang piliin mo ay bias ko siya or something. I said that you should choose her for the reason that you heart chose her more than anyone else. I saw it all, Dale. I saw how your face lit up and gleam. I can see how your laugh differs the way you are with her. She understands every piece of you. Both of your hearts chose each other because they know you fit well. Ayaw mo nga lang aminin sa sarili mo dahil you're afraid of taking chances. That just prove that you're scared of unwanted love. You're scared of rejection dahil sa nangyari sa inyo ni Honey."

Hinagod ni mama ang likod ko saka mataman akong tiningnan. "It's not too late to make everything right. For once, ikaw naman ang lumaban para sa inyong dalawa. It's either you'll let her give up or fight for her. You're choice Dale."

And I've made my choice. I'm still here, waiting for her no matter how long it takes. Nakaya niya, makakaya ko rin.

"Ayaw mo pa ring tumigil?" tanong niya pagkalabas ng kanilang classroom. Well, naging instant hatid-sundo niya na kasi ako.

"Not even a chance..."

Tumingin ako sa loob ng classroom nila. Kakaibang mga sulyap ang ibinibigay nila.

"You'll get tired of this eventually."

"It's been three months, Carmeen. I'm not gonna quit."

Ginawa ko na ang lahat ng ginagawa ng isang manliligaw. Palagi ko siyang binibigyan ng bulaklak, sinasabayan ko siyang kumain, hatid-sundo na rin. Kulang na lang maging driver niya na ako.

"Dale, what are you doing?" May halong inis at hiya ang kanyang boses. Napangiti ako dahil dun pero ipinagpatuloy ko pa rin.

Ano nga bang ginagawa ko sa harapan ng bahay nila habang may hawak na gitara? Kumakanta pa ako para sa kanya. It's a good thing na boto rin sakin ang mga kapatid niyang nasa pintuan lang.

Kumindat ako sa kanya dahilan para tumili ang dalawa niyang kapatid.

"Tumigil nga kayong dalawa! Ang lalandi niyo!"

"Bakit ate? Sino ba satin ang hinaharana, ako o ikaw? Sino ang malandi ngayon?"

"Aba't may gana ka pa talagang sumagot. Ke bata-bata mo pa!"

Natatawa ako sa isip pero hindi pa rin ako tumigil sa pagkanta. Saka lang ako tumigil nang hilahin ako ni Carmeen papuntang garden nila.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, ha?"

OPERATION: Make Ligaw to himWhere stories live. Discover now