Twenty-ninth Move

791 24 1
                                    

#C29: Understand

Carmeen's POV

"Stay away from me Dale," mariin ang pagkasabi ko.

Ilang araw ko na ring pilit siyang itinataboy pero ayaw niyang magpatinag. Palagi niya akong sinusundan sa kung saan ko gustong pumunta. And it's freakin' annoying! But then naisip ko rin na ganito rin pala yung ginagawa ko noon. I wonder if he feels the same awkwardness as I am now.

Pero sa tingin niya ba bibigay ako nang ganun-ganun lang? Pagkatapos niyang magbitiw ng mga masasakit na salita babalikan niya na parang walang nangyari? I am not that narrow-minded para mag-isip ng mga kung ano-anong bagay but I need a break from him.

I feel like I lost myself because of him.

"Not a chance," malamig ang pagkatugon niya. Siya pa 'tong may ganang mairita samantalang siya ang may kasalanan ng lahat.

"Can't you take a hint?" Nagsisimula na naman akong mairita dahil sa kanya. Two weeks straight at wala siyang ginawa kundi ang sundan at paamuin lang ako. I told him to stop but he just couldn't listen.

"Sinong maghatid sayo mamayang uwian?" Aniya.

"Si Vince..." Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa pagsagot. Why does he care anyway? And why do I have to freakin' answer him?!

I'm still not over him, I admit. Two years ko siyang minahal, hinabol at pilit na pansinin ako. But I'm done. Sometimes, It's just not enough that you love each other. You have to think about all the essentials being in love.

"Tsk, ako na ang maghahatid sayo."

"No," I firmly said.

"You know I'll always find a way."

Nakakainis na talaga siya!

"Why is that guy always sticking to you? Nanliligaw ba siya sayo? Is he your boyfriend already?" sunod-sunod ang tanong niya.

"What do you care?" Umirap ako saka binilisan ang paglakad. Wala na akong pakiealam sa kanya. I don't care anymore.

Pagkarating ko sa aking locker ay binuksan ko iyon. Like the usual, parang anytime sasabog ito sa sobrang daming nakalagay doon. Idagdag mo pa na palaging nagpapadala ng sangkaterbang bulaklak si Dale. Nakakafrustrate.

"He's still bugging you?"

Tiningnan ko sandali si Vince na nasa gilid bago ulit ibinalik ang tingin sa aking locker. How will I get rid of all of this stuff?

"Can't you make him go away?" Naiirita ako sa kanya. Alam kong kaya naman niyang paalisin si Dale pero hinahayaan niya lang na dumikit siya sakin. He even finds it amusing!

"As much as I want to pero ayoko," sambit niya.

"Why?" Halata sa tono ko ang frustration. I don't know how to handle Dale.

Mataman niya akong tiningnan. "You're scared to get hurt."

"Of course! Who would want to get hurt?"

"Because of me."

"Ha?"

He sighed while looking down. "Admit it or not. Natatakot ka lang para sakin. Dahil sa nagawa ni Honey sakin. That doesn't mean na mangyayari rin iyon sayo. So stop being a worrywart."

Bumalik ang biglaang pagkulo ng dugo ko sa babaeng iyon. Hindi ko siya mapapatawad sa mga pang-aakusa niya.

"Natatakot nga ako pero hindi para sayo kundi para na rin sakin. Ang dami ko ng naibigay sa kanya. Sobra-sobra na nakakatakot ng mahalin siya. He can break me so easily. He's capable of bringing me to my own downfall. That's why I don't want to give him a chance even if I wanted to. All I can do right now is to forgive him. But I'm not sure if I can give him a second chance."

OPERATION: Make Ligaw to himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon