Fifteenth Move

551 22 0
                                    

#C15: Not hating her

From: Carmeen

Roses are red,

Violets are blue,

Good afternoon, honey babes

Just checking on you ;)

Parang gusto kong masuka sa mga pinagse-send ng babaeng ito. Seriously, saan niya ito napupulot? Napaka-corny... nung isang araw pang ganito ang kanyang inaakto. Ni hindi ko rin alam kung saan niya nakuha yung number ko. Baka ginamit na naman niya yung pagiging stalker niya kaya hindi na ako magtataka.

My bet is on my mother. Ugh.

Isang linggo na rin simula nung paglabas namin. Ewan ko sa babaeng baliw ayaw akong tantanan. Ang rason pa niya ay nililigawan daw niya kasi ako kaya dapat palagi niya akong textan. Tsk! Kung ganito lang din naman na hindi makabuluhan ay para saan pa?

I quickly typed on my phone.

To: Carmeen

Wala ka bang magawa sa buhay mo at ako na lang palagi ang kinukulit mo?!

Send.

I heard a bing which means I got received a message.

From: Carmeen

Syempre meron, mamahalin pa kita diba?

Dale, kalma... Kailan ka pa hindi nasanay sa kanya? Halos isang buwan mo na rin siyang kilala at alam mo na sobrang vocal niya sa nararamdaman mo. Maski sila Erik ay nakakapag-adjust na rin sa kanya.

Naalala ko pang pagkatapos ng panloloko niya sa mga kaibigan ko ay gulat silang nakatingin sa kanya, hindi makapaniwalang siya ang matagal ko ng stalker. Their faces are so epic to watch... it's something worthy to be remember at.

To: Carmeen

Tsk, ang dami mong alam.

Send.

Bing!

From: Carmeen

Sabay tayong umuwi mamaya, ha? Ingat ka Dale :)

Tsk! Napakabaliw. Sa tingin niya makukuha niya ako sa mga smiley face at mga mushy words na pinagsesend niya? Hindi! Bakit ko ba inaaway ang sarili ko? Parang ewan lang.

"Para kang tangang nakangiti, Dale." Napaangat ako ng tingin at nakita si Erik na nakataas ang kilay sakin. Ano na naman?

"Kaya nga," sang-ayon ni Honey.

Lunchbreak kasi namin kaya kasalukuyan kaming nasa cafeteria at heto nga, kasama ko si Erik, Geo, at Brent. Pati rin pala si Honey kasi wala yung gago na nanliligaw sa kanya. May gagawin daw.

And I think this lunch is going quite well dahil nakakasundo na nila si Honey, especially Erik. Since last week hindi ko na siya naririnig na nagrereklamo sa akin tungkol sa kanya. Nagkakasundo nga sila eh. Parang ngang sila na yung magkaibigan. Kanina pa kasi sila nagkukwentuhan at initsapwera ako.

"Ngumingiti ka dyan? Hindi ah." Nakangiti? Ako? Bakit naman ako ngingiti, wala namang kangiti-ngiti sa mga pinagsasabi ng stalker na 'to.

Honey pointed her index finger at me. "Yes, you are. Nakatitig ka pa dyan sa cellphone mo. You're acting like a girl."

"Kaya nga dude. Sino ba yang katext mo?" tanong ni Erik.

"Wala," mabilis kong sagot. Kakain na rin sana ako nang makita kong kakaiba ang tingin ni Erik sa akin. Ano na namang problema niya?

OPERATION: Make Ligaw to himWhere stories live. Discover now