Thirteenth Move

588 26 1
                                    

C13: With her

"Welcome to my first favorite place of all!"

Pagkabukas niya ng pinto ay bumungad sa amin ang parang isang lobby. There was a counter on the left side. Sa gitna ay may nakaset up na couch at may pang-isang seater din sa magkabilang gilid. A glass table was on the middle... mukhang dyan sila nag-uusap kapag may gustong bumili.

Pero mas namangha ako sa nakita ko sa kanang bahagi. My eyes were feasting on all the things that I could see. Nasa isa kaming store na punong-puno ng mga instruments. I saw the sign earlier, the shop was called 'Musxiara Store'. Ang unique pa pakinggan.

Pero seryoso andami talaga. Gusto kong hawakan lahat ng instrumento dito. There were all different kinds of instruments and it was orderly arranged. May iba't-ibang room na walang pinto tapos may label sa taas na brass family, percussion family, strings family, and keyboard family.

"Carmeen, andito ka na pala!" Napatigil ako sa pagtingin ng piano nang may lumapit sa aming lalake na tantya ko nasa 30's na. Nakangiti itong lumapit sa amin.

"Hi po, tito! Bibisitahin ko lang po ang aking pinakamamahal na instrument," bati pabalik ni Carmeen. So she knows how to play an instrument, huh? I wonder if she's a pro.


"Oh, sino itong kasama mo? Boyfriend mo?" Kaagad namang natuon ang atensyon ko sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako kaso naunahan na ako ni Carmeen.

"Soon to be po, tito. Nililigawan niya po kasi ako." She even smiled sweetly at him. Say what now? Last time I check, hindi ako yung parang nakatakas sa mental at bigla-bigla na lang nanghahabol. How dare she put the blame on me!

Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi man lang natinag, as usual. Kinindatan pa ako at pasimpleng nagpacute na naman. "Tito, si Dale po pala."

"Nice to meet you po..." Inilahad ko ang aking kamay at tinanggap naman niya.

"You too, hijo. Alagaan mo si Carmeen ha? Napakatalentado niyang dalaga. She's a real catch and you are one lucky guy to have her." Ngumiti na lang ako sa kanyang tito imbes na magsalita. Baka kung ano pang masabi ko tungkol sa mga pinaggagawa ng kanyang pamangkin.

"Ikaw talaga tito, bolero. Pinapasyal ko lang po siya dito sa store niyo kasi marunong din po siyang tumugtog. Okay lang po ba?" Wait, paano niya nalamang marunong akong tumugtog? Tsk, why am I even asking? Stalker ko nga pala siya. Of course she would know.

"Sige sige, okay lang. You can check out any instruments as long as you handle it with care, got it?" Tumango si Carmeen bilang sagot. "Tsaka pabantay na rin muna, ha? May pupuntahan lang ako dyan sa tabi."

"Sige po, tito. Makakaasa po kayo." Nagpaalam na ang kanyang tito sa amin at umalis na. And now that we're alone, I pinched her cheeks.

"Aray! Dale, ano ba, masakit!" daing niya at sinusubukang tanggalin ang kamay ko pero hindi pa ako kuntento. Nanggigigil ako sa kanya and it's not the good one!

Ilang sandali ay binitawan ko na siya samantalang hinihimas na niya ang nasaktang pisngi. Tiningnan niya pa ako nang nakapout. Tsk, she thinks she so cute. Fine, she is!

"Bakit mo ginawa yun? Ang sakit!" Ngumawa pa siya na parang bata tapos nagkunwaring parang naiiyak.

"Tigilan mo nga ako. Why did you say that to your tito? Namumuro ka na talaga sakin." Then I glared at her again but in return, she mockingly smiled at me. Arrgh! Can't she guess that I am annoyed and she should be scared? Bakit ba hindi siya naaapektuhan tuwing naiinis ako?

"Sus! Ayaw mo nun? Ibig sabihin gusto ka na ni tito and he will give you the privilege to touch all these instruments if you just took care of me. Diba gusto mo?" Siniko niya ako at sinamahan niya pa ng tawa na para bang nanalo siya sa isang paligsahan. Tsk, I should've have known this girl got something up on her sleeves.

OPERATION: Make Ligaw to himWhere stories live. Discover now