Hidden Chapter : UNO

2.3K 89 34
                                    

ALISON

"YES PO, hindi ko po nakalimutan." I was talking to yaya Mel while walking at the corridor of my new school.

Palabas na ko ng building namin nang tumawag sakin ang taong laging kasama ni mommy na mag-alaga sakin nung bata pa ako. At ngayong wala na si mom ay sya na ang tumatayong ina sakin. Isa syang matandang dalaga at matagal na namin syang kasam-bahay, yaya sya ni mommy nung teenager pa si mommy.

"Oh siya sige, wag mong kakalimutang kainin 'yun at hindi ka kumain ng maayos kanina bago ka umalis."

"Of course yaya, mamayang lunch ko nalang yun kakainin."

"Kamusta ang first day mo d'yan?"

"Hmm.. naglilibot-libot pa ako. Balak kong puntahan yung garden nila dito at gawing tambayan 'yun kapag may free time ako. I'll check nga lang muna kung okay syang tambayan."

"Ahh gan'un ba, wala ka pa bang kilala dyan sa school nyo?"

"First day pa lang yaya kaya hindi ko pa sila kilala. But you don't have to worry about me, I'll try to make friends." Sabi ko para hindi na sya masyadong mag-alala.

Simula nang mamatay si mommy ay marami nang nagbago sa buhay ko at pati na rin kay dad. Hindi na kami katulad ng dati na close. Hindi na rin masaya ang bahay dahil wala na ang ilaw niyon.

"Mabuti naman." Sabi nyang tila nakahinga ng maluwag. "At oo nga pala! Si Bhria ay nakita mo na ba? Hindi ba at pareho kayo ng paaralang dalawa?"

"Pauwi pa lang daw sila from their vacay." Sabi ko na ang tinutukoy ay si Bhria Alfonso. Ang bestfriend ko simula n'ung highschool. "Oo nga po pala, si Daddy po ba umuwi na?" Tanong ko na alam ko naman ang sagot. Wala lang. Nagbabakasakali lang naman..

Biglang tumahimik sa kahilang linya. "Yaya nandyan ka pa ba?" Untag ko kay yaya.

"Hindi pa nauwi ang daddy mo, pero tiyak akong pauwi na rin 'yun. Baka busy lang sa negosyo at alam mo namang masyadong maraming ginagawa ang daddy mo.."

Lihim nalang akong napabuntong hininga. Alam kong pinagtatakpan lang ni yaya si Dad dahil siguro ayaw nya akong mag-alala. Simula nang mamatay si mommy ay nagbago na ang daddy ko, lagi syang wala sa bahay at kung minsan pa ay uuwi ng lasing. Hindi ko naman sya magawang makausap dahil pakiramdam ko ay iniiwasan nya rin ako. Dahil ba sa kamukha ko si mommy kaya ganun? Minsan iniisip ko nalang na mas okay nang hindi nya ako nakikita para hindi na nya maalala si mommy at hindi na sya malungkot. Sana dumating ang araw na maka-move on na rin si Dad.

Nalulungkot din naman ako sa pagkamatay ni mommy eh. Namimiss ko rin sya, pero hindi ko magawang ipakita 'yun dahil ayaw kong problemahin pa ako ni daddy. Ayaw kong maging pabigat pa sa kanya. Kaya nga minsan, mas maganda nalang na nasa school ako kesa nasa bahay.

"Sige po yaya, ibaba ko na 'to. Babye muna!" Pilit kong pinasigla ang aking tinig.

"O sya sige. Mag-iingat ka dyan at huwag mong kakalimutang kainin ang baon mo."

"Opo."

Ibinalik ko na ang phone ko sa aking bag saka naglakad patungo sa likod ng school kung nasaan ang garden. Pagbungad ko pa lang ay namangha na ako sa ganda nito. May puno kung saan pwede kang tumambay sa ilalim, may  dalawang bleachers at mga bulaklak na napakakukulay. Hindi ko nga alam kung bakit sa ganda nito ay bihira lang itong puntahan ng mga istudyante. Siguro kasi ay mas gusto nila ang may aircon kesa na natural na hangin. Meron rin kasing clubhouse ang school para sa mga athletes at kasama na dun ang space na pwedeng tambayan ng mga istudyante sa free time nila. Kaya siguro walang tumatambay sa garden na 'to na nasa likod pa ng school.

Ayy mali pala..

Napatingin kasi ako sa isang sulok na bahagi ng garden saka ko lang napansin ang dalawang swing na meron duon. May isang magandang babae ang nakaupo duon na busy sa pagbabasa ng horror book. Maputi sya at sa isang tingin pa lang ay alam ko nang may lahi sya base na rin sa features ng mukha nya pero kabaliktaran nun ang paka-itim na itim ng buhok nya. Biglang lumakas ang hangin, at saka ko lang napansin na parang umiiyak sya kaya walang pagdadalawang isip akong lumapit.

Muli nanamang lumakas ang hangin nang makalapit ako sa harap nya. Binigyan ko sya ng matamis na ngiti. Ang sabi ni yaya ay mas maganda raw kung makikipagkaibigan ako kaya naman sisimulan ko na ngayon..

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

Umangat ang tingin nya sakin. Napakunot noo sya. Ngayon ko lang nakita na itim pala ang mga mata nyang naluluha.

"Umiiyak ka ba?" Muling tanong ko.

"Who are you?" She asked instead. Muli nanaman lumakas ang hangin kaya muli syang napapikit. "Fùck." Rinig kong mahinag mura nya.

Parang alam ko na ang nangyayari. Mukhang napupuwing sya kaya dumukwang ako sa harap nya para magkatapat ang mukha naming dalawa.

"Gusto mo bang hipan ko ang mga mata mo para mawala na ang buhangin?" Tanong ko.

Gusto ko talaga syang tulungan dahil mukhang nahihirapan na syang sa sitwasyon nya. Ang sakit kayang mapuwing sa mata. Pero kahit ganun ay magkasalubong pa rin ang perpekto at may kakapalan nyang kilay habang matiim na nakatingin sakin. Matamis akong ngumiti sa kanya. May kung anong kislap akong nakita sa mga mata nya pero hindi ko sigurado kung guni-guni ko lang 'yun.

"If you help me, you'll be mine."

Napakunot-noo ako, may sinabi sya na hindi ko narinig sa sobrang hina n'un. Basta 'help' at 'mine' lang nakuha ko sa sinabi nya. Is she stating a poem? Ah bahala na nga, kailangan ko syang tulungan para naman matangal na ang puwing sa mga mata nya. Kawawa naman. Namumula na kasi iyon at kahit pilit syang umakto ng  normal ay alam kong nahihirapan na sya.

"Hihipan ko na ha? Wag kang mag-alala, nag-toothbrush ako." Medyo nahihiyang sabi ko. Alam kong namumula ang aking pisngi dahil d'un.

Inilapit ko ang aking mukha sa kanya saka ko hinipan iyon. Maging sa kabila ay ganun rin ang ginawa ko. "Oh ayan okay ka na ba?"

Hindi sya sumagot. Yumuko sya saka kumurap-kurap. Umayos na ako ng tayo pero nasa harapan pa rin nya ako.

"Okay na ba ang mga mata mo?" Muling tanong ko pa.

"What's your name?" She asked as she raise her head to look at me. Napansin kong kakaiba ang pagkaitim ng mga mata nya.

Muli ko syang nginitian ng natamis. "Alison. I'm Alison Leventis. How ab—" Naputol ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang bell saka nanlaki ang aking mata dahil dun. "Hala late na ko sa next class ko! Sige aalis na 'ko. Mahuhuli na kasi ako eh. Babye!" Sabi kong akma na sanang tatakbo nang maalala ko ang sinabi nya kanina.

"And by the way, ang ganda ng tula mo." Puri ko kahit hindi ko naman alam kung tula nga ba talaga 'yun. Ni hindi ko nga masyadong narinig ang sinabi nya. Ano bang katangahan ang pumasok sa isip ko at sinabi ko pa 'yun?!

Muli akong kumaway sa kanya at ngumiti saka lakad takbo akong pumunta sa building ng mga first year.

Sana lang talaga ay hindi ako ma-late..

¤¤¤

A.N.: This will be the remake of Hidden Desire. Hope you guys will  like it. And of course, uunahan ko na kayo dahil baka may mabasa kayong hindi nyo pa nababasa noon sa dating story nila Daniel at Alison.

Since this is now a remake, it will have a new plotted twist pero hindi pa rin naman mawawala ang totoong plot ng story, meron lang akong ibang idadagdag at ibabawas para naman may thrill pa rin syang basahin para sa mga nakabasa na noon ng old story nila. So please enjoy reading! 😊💋❤

Hidden DesireWhere stories live. Discover now