CHAPTER 5

1.7K 61 10
                                    

RESTRICTED

ALISON

"HMMM.."

"Ahhh.. dahan-dahan please.." Ungol ko habang ramdam ko ang kamay ni Daniel sa balat ko.

"D-Daniel.. ma-masakit.."

"Oh shit. Sandali nalang.."

"Masakit talaga.. ahhh-tama na.."

Nag-angat sya ng tingin sakin. At nang siguro ay makita nya ang paghihirap sa mga mata ko ay itinigil na nya ang ginagawa saka tumayo.

Narinig ko syang napabuntong hininga saka hinihilot ang sintidong lumapit sa bedside table. Naiinis ba sya at naaartehan sakin?

"Let's put an ice on it to ease the swelling then," Saad nyang kumuha ng cold compress na nakahanda na sa tabi nya.

"Okay." Nakayukong sagot ko. Ayokong makita ang sersyoso nyang mukha pati ang kilay nyang magkasalubong nanaman.

Muli syang lumapit sakin saka lumuhod sa harap ko. "Bakit ba kasi ang lampa mo?" Nakakunot nanaman ang noo nya habang seryosong dinadampian ng cold compress ang bandang sakong ko.

"Sorry, hindi ko kasi napansin na pataas na pala yung nilalakaran ko." Napayuko nanaman ako.

Nahihiya kasi ako sa kanya. Nahihiya ako sa itsura ko nung nadapa ako at nahihiya akong imbis na nagpapahinga na sya ngayon galing sa trabaho ay iniintindi nya pa rin ako.

"You mean hindi mo napansin ang 'tinatakbuhan' mo?" Nakataas ang isang kilay na pagtatama nya.

Marahan akong tumango. "Pa-parang ganun na nga.." Wala sa sariling amin ko.

"Next time, I don't want to see you run like that. Kung madidisgrasya ka lang naman mas mabuti pang maglakad ka nalang."

Tumango nalang ako bilang sagot. Ako naman kasi ang mali. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng araw na naisipan ng pagkakataong madapa ako ay dun pa sa oras na nandito sya sa bahay?

"Masakit pa rin ba?"

Mabilis akong umiling. "Hindi na. Salamat.."

Hindi sya sumagot. Muli syang tumayo saka kumuha ng bandage at inumpisahang ibandage ang pilay ko.

"Para hindi mo mapwersa." Pagpapaliwanag nya sa kung bakit nya iyon ginagawa.

Hindi na ako umimik. Tinitignan ko lang ang kanyang ginagawa. Naisip ko lang, may pangit bang angulo si Daniel? Kasi kahit anong side ang gawin nya maganda pa rin.

"What?" This time, she looked at me straight in the eye with a crested forehead and questioning eyes.

Marahan akong umiling. "Wa-wala naman.." Sabi ko. "Salamat nga pala dito at pasensya na sa istorbo, alam kong pagod ka—"

"Thanks is enough. Hindi mo na kailangan maglintanya." Alam kong naiinis sya at aware naman ako kung bakit.

Naiinis siguro sya sakin. Siguro iniisip nya na madrama ako o paawa pero hindi ko naman intensyon na magmukhang ganon.

"S-sorry.."

"Wala ka na bang ibang alam sabihin kundi yan?" Napipikang sabi nya.

Napayuko ako. "Sorry."

"One more of that word and I'll kiss you."

"Sorry.." Mabilis kong naitakip ang kamay ko sa aking bibig nang marealize ko kung ano ang lumabas sa bibig ko.

Bahagya akong napaatras nang yumuko sya sa harap ko habang ako ay nakaupo sa gilid ng kama. Itinuod nya ang kanyang mga kamay sa magkabila ko at magkasalubong ang kilay na tumingin sakin.

Hidden DesireWhere stories live. Discover now