Hidden Chapter : DOS

1.2K 60 9
                                    

ALISON

"BHRIA! DALIAN mo baka mahuli na ko sa first class ko," Hila-hila ko si Bhria sa kamay dahil sa bagal nyang maglakad habang halos patakbo akong lumakad. Madyo malayo pa ang building namin dahil sa lawak ng school.

"Why are you ba kasi nagmamadali? Ano bang oras ang class mo?" Maarteng tanong nya saka ako inirapan. Ganyan talaga sya. Spoiled kasi sya sa parents nya dahil sya ang nag-iisang prinsesa ng Alfonso Clan.

Napanguso ako. "Nine."

"Duh! Alison magi-eight pa lang ng umaga. Pa'no ka naman malilate?"

"Eh kasi hindi ko pa nagagawa yung assignment ko sa Filipino. Kailan kong matapos yun para wala na akong iisipin mamaya." Sabi kong tinigil na ang paghila sa kamay nya nang makapasok na kami sa building namin.

"You're like a kid talaga. If I were you sa later ko nalang yun gagawin total naman sabi mo bukas pa yung deadline nyo. Mai-stress ka lang."

Hindi nalang ako sa sumagot. Sa pagitan namin ni Bhria ay parang sya ang ate ko. Feeling ko kasi mas matured sya mag-isip sakin eh. Saka kahit naman dati ay ganun na sya. Mas matapang sya kesa sakin kaya sya lagi ang nagtatanggol sakin.

Mabuti nalang pala at maaga pa dahil hindi pa masyadong marami ang mga istudyante na nakapila sa elevator kaya agad kaming nakapasok. Si Bhria na ang pumidot ng floor. Nang bumukas ito sa 6th ay nauna na syang lumabas.

"Una na muna ko besh. Let's meet nalang later at lunch. Bye!" Paalam nya. Una syang lumabas sa 6th floor kung saan ang palapag ng mga Tourism students na course nya.

"Sige." Tumango ako saka kumaway.

Sa 8th floor pa ang palapag ng mga Business Ad. student na syang kurso ko. Paglabas ko ay agad akong pumunta sa aking locker para kunin ang materials na gagamitin ko para sa project ko. Balak kong gawin iyon sa garden para tahimik at presko.

"Good morning po," Bati ko sa Guard na nagbabantay sa floor namin.

"Magandang umaga rin po Ma'am,"

Tinangunan ko ito saka ngumiti. Pumunta ako sa locker room kung saan nakahilera ang locker ng mga studyante rito sa 7th floor. Binuksan ko ang locker ko para kuhanin ang mga materials para sa gagawin kong portfolio.

Napakunot-noo ako nang pagbukas ko ng aking locker ay bumungad sakin ang  isang red rose at isang set ng Ferrero chocolate. Kanino naman kaya galing 'to?

Nitong mga nakaraang linggo ay madalas akong makatanggap ng kung ano-anong romantic gifts na kung hindi ko itinatapon ay ipinamimigay ko na lang. Ang creepy kasi dahil wala namang nakalagay na kung kanino galing  tapos.. basta! May kung anong pakiramdam akong nararamdaman kapag hawak ko na ang mga 'yun na parang may nakatingin sakin pero kapag lilingon naman ako ay wala naman. Hala.. hindi kaya minumulto ako?!

Inilabas ko yun sa aking locker saka sinipat ang bulaklak maging ang chocolate para makita kung may note pero agad akong napaigtad ng may malaglag na bagay na nakadikit sa chocolate. Pagkapulot ko ay isang dilaw na keychain type teddy bear pala iyon. May pulang puso sa gitna niyon na wala sa loob kong napindot. Biglang pumainlanlang ang isang lyric verse ng kanta..

You are my sunshine,
My only sunshine
You make me happy
when skies are grey

You'll never know Dear
How much I love you,
Please don't take my
sunshine away..

Mabilis kong nabitawan ang hawak kong bear matapos kong marinig ang kanta na iyon. Ewan ko ba pero ang creepy para sakin. Hindi kaya may nangtitrip talaga sakin sa school na 'to?

Hidden DesireWhere stories live. Discover now