CHAPTER 4

1.4K 57 20
                                    

ALISON

"LALALALA.." Nakangiti ako habang nagdidilig ng halaman sa garden na ipinatayo ni Daniel para may pagkaabalahan ako dito sa bahay. Mahilig kasi ako sa mga halaman. Nare-relax ako kapag nakatingin ako sa kakaibang kulay nila. Natutuwa akong pagmasdan na tumutubo sila ng maganda.

"Ay! Ano ba yan!" Hindi ko kasi maiwasang hindi kiligin. Di ko alam kung bakit pero bigla nalang papasok sa isip ko yung.. yung ano.. ano namin ni Daniel! Nakakahiya! Feeling ko masusunog na yung pisngi ko sa sobrang init nito. Jusko po! Talande!

"Mam?— Mam!!"

"Ay palaka!" Nagulat ako nang bigla nalang sumulpot si Manang Linda sa gilid ko at kinakalabit ako.

"Grabe ka naman Mam. Alam kong dyosa ka sa ganda, aba eh, pero di hamak naman na mas maganda ako sa palaka." May hinampong sabi nito.

I just gave her a peace sign. "Sorry po. May kailangan po ba kayo?" Tanong ko.

"Glumeng nyo ngayon Mam ah," Pansin nya.

Napangiti lang ako. "Maganda lang po ang gising ko." Alam kong 'blooming' ang ibig nyang sabihin nun. Minsan talaga ay para syang si yaya Mel.

"Aba'y lalong gaganda ang gising nyo dahil nasa telepono ngayon si Miss Daniel at gusto raw kayong makausap." Masiglang sabi nito na tinapik pa ako sa braso.

"T-talaga po?!" Hindi ko maiwasang hindi ma-excite sa sinabi nya. This is a first. Dati ay tinatanong nya lang ang kalagayan ko sa mga katulong o bodyguard, ngayon ay gusto na nyang ako na mismo ang makausap nya?!

Enebe yernnn..

"Oo Mam—"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Manang Linda at mabilis na akong tumakbo papasok sa bahay. Narinig ko pang sinabihan nya ako na magdahan-dahan. Pagpasok ko palang sa loob ay kaagad ko nang dinampot ang landline saka itinapat yun sa tenga ko. Akmang magsasalita na ako nang marinig ko ang boses nya sa kabilang linya.

"What?" Iritado ang boses ni Daniel at hindi ko alam kung para sakin ba yun. Baka nainis na sya sa kakahintay.

"M-Miss Daniel, naghihintay na kasi si Mr. Tang Inamo sa inyo." Narinig ko sa kabilang linya ang boses ni Leah. Halata ang pagaalangan sa boses nito.

"The fuck?!"

"Sorry po, hindi ko po kayo minumura but, Mr. Tang Inamo is an investor that is interested to the up coming branch of DAN. Kasama nya yung asawa nya na nagustuhan rin ang mga design ng DAN."

"And who the hell is she?"

"Her name is Puchang Inamo."

"The fucking fuck?!"

Siguro ay napapakamot na si Leah ngayon sa kanyang ulo. "At kasama rin po nila yung anak nilang babae."

"And I would rather guess her name. Is it Putang Inamo?"

"Paano nyo po nalaman yun? Magkakilala po kayo ni Miss Puh-Tahng?"

"Hindi. At ayoko silang kilalanin. Masama ang pangalan nila sa negosyo."

Ang lakas ng tawa ko sa kabilang linya. Buti nalang ay na-mute ko kaagad habang bumubunghalit ako ng tawa. Nang magsawa na ako ay i-unmute ko na 'yun at pakunwaring tumikhim.

"D-Daniel..?" Medyo alangan pa ako kung sisingit ako sa usapan nila.

"B-babe?" Napakagat labi ako para pigilan ang aking pagngiti nang marinig ko ang boses nya sa kabilang linya. "Wait babe, I'm sorry—" Paalam nya saka ko na rinig ang boses nya sa kabilang linya.

Hidden DesireWhere stories live. Discover now