CHAPTER 1

1.6K 74 25
                                    

ALISON

"HINDI KA pa ba kakain?" Tanong sakin ni yaya Mel.

Napalingon ako sa kanya mula sa pagtanaw sa bintana. Malakas ang buhos ng ulan na parang sumasabay sa lungkot na aking nararamdaman. Pilit akong ngumiti nang lumapit sya at umupo sa aking tabi saka marahang hinaplos ang aking buhok. Naalala kong ganyang-ganyan ang ginagawa nya sa tuwing nalulungkot ako. Masaya ako dahil nandyan sya sa tabi ko. At least, sa ganitong pagkakataon ay alam kong may kasama ako.

"Hindi ka pa nagtatanghalian." May bahid ng sermon ang boses nya na ikinangiti ko lang ng bahagya.

"Umuwi na po ba sya?" Imbis ay tanong ko.

"Na'kung batang 'to. 'Wag mo na ngang isipin ang taong 'yun at parati naman iyong wala. Parang hindi ka na nasanay, ikinukulong ka rito na parang isang palamuti sa tahanan nya tapos minsan ka lang uwian kapag naisipan nya. Tapos ngayo'y hahanapin mo pa? Aba'y gaano ka ba kamanhid?" Halata ko ang inis sa boses nya. Sa totoo lang ay kabisado ko na halos ang mga linya nya.

"Isang taon. Isang taon ka nang ginaganyan ng taong 'yun pero wala ka manlang ginagawa kundi ang manahimik rito sa tabi at maghintay sa kung kelan ka lang nya tatapunan ng atensyon. Aba Alison! Hindi naman pwedeng buong buhay mo ay namamalimos ka nalang sa oras na kayang ibigay ng asawa mo." Nalukunsuming litanya nya.

Napabuntong hininga ako. "Tama na po.. hindi naman po 'yun sa gan'un.." Mahinang dahilan ko saka ako napayuko.

Ang totoo nyan.. ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit.

"Kung bakit ba kasi napaka-submission mo eh," Kakamot-kamot sa ulong sabi nya na humina ang pagkakasabi ng 'submission'. Siguro ay diskumpyedo rin sya sa salitang ginamit nya?

Alam ko talaga 'submissive' yun.. Pero hindi nalang ako nag-abalang itama sya. Sa too lang may punto naman si yaya Mel eh.

It's been what? More than a year? Yes, more than a year since Daniel Hondros and I got married and everything got different in my life. Everything has changed— from the freedom that I got 'til the woman that I am before. Sa tuwing tumitingin nga ako sa sarili ko sa salamin ay halos hindi ko na makilala iyon. Hindi naman ako ganito noon. Alam kong mahina ang loob ko pero hindi naman ako dumarating sa punto na mananahimik nalang ako sa isang tabi at susunod na parang robot sa kung ano mang gusto ng ibang tao—

Not until I met Daniel. She changed me into the person that I am not before. Her dominance makes me weak. She's molding me to be the person that is under her power. At kasama na d'un ang mga bagay na hindi ko magawa simula nang magsama kaming dalawa. Hindi na ako pwedeng gumawa ng mga bagay na hindi nya inaaprobahan. Hindi ako pwedeng lumabas ng bahay ng walang bantay. Hindi ako pwedeng basta nalang makipag-kita sa kahit sino maging kay daddy na hindi nya alam. Lahat ng bagay ay hindi pwede kapag hindi nya nagustuhan. At ako naman ang dakilang tanga na sumusunod sa lahat ng gusto nya. Pero sino ba ako para humindi? I am just nothing. I'm just one of the character on her made-up well planed life.

It's funny how people think on how fortunate to be in my shoes. Imagine? Being partnered with one of the well-known and powerful bachelorette in the country? That sounds good right? But it doesn't work as good as it seems.

I am not so fortunate not even a bit. I am not that important as it looks like just because I got every luxurious thing that a woman could asked for, with a four bodyguards on my sides while walking along the streets. I am just nothing.

Narining ko si yaya na bumuntong hininga. "Alam mo na ba kung kailan ka uuwian ng asawa mo?" Tanong nya.

Opo.. Gusto ko sanang isagot. Pero paano kung tanungin nya ako kung kailan? Kaya ko kayang sagutin ang tanong nya?

Hidden DesireWhere stories live. Discover now