CHAPTER 7

1.4K 72 17
                                    

ALISON

"I WANT THIS."

"And that."

"And add that one too."

Nakatingin lang ako kay Daniel habang panay ang turo nya sa mga designs ng damit na inilalatag sa kanya ng personal designer nya. Oo, may personal designer sya. She doesn't want to wear any branded clothes that can buy in the market, she wanted to have her own unique style. Sana all diba?

It's sunday afternoon. Walang pasok si Daniel kaya nasa bahay lang kami. Tinupad rin nya ang pangako nya nung nakaraang dinalhan ko sya ng lunch na dadalawin namin si Dad. Surprisingly, balak rin pala ni Dad puntahan kami sa bahay dahil may business trip sya this week. Masyadong abala si Dad si negosyo, siguro kasi marami pa rin kailangan gawin sa negosyo naming napabayaan noon. Medyo ngayon pa lang kasi kami nakakabawi.

Habang abala si Daniel sa ginagawa nya ay itunuon ko na rin ang pansin ko sa design magazine na hawak ko na para naman sakin. Siguro pipili lang ako ng mga sampo rito dahil hindi naman ako madalas lumabas at lagi lang akong nasa bahay.

Isa pa, marami pa akong damit na hindi pa nagagamit. Halos every two months kasi nagpapalit ng wardrobe si Daniel kaya pati ako nadadamay na rin kahit sa tingin ko naman ay hindi na kailangan yun. Sayang lang sa pera pati sa damit..

At sigurado akong hindi 'yun naiisip ni Daniel. She grew up with a 'sparkling' golden spoon in her mouth. She live her life in a luxurious way. And I don't think I can keep up with it. Kahit ata baby bottle nito nung sangol pa ay gold. Ganun kasi sya pinalaki.

"How about you babe?" Baling nya sakin kaya naman agad akong napalingon sa kanya.

"I'm done. Here.." Inabot ko kay Shiel— na personal designer ni Daniel— ang mga napili kong designs.

"Give me that." Sabay utos ni Daniel.

"Po?" Takang tanong ni Sheil

"The designs that she had picked, give me that. I need to see it first." Masungit na sabi nya.

Lihim namang napalunok si Sheil saka sumulyap sakin. Nakangiti lang akong tumango nang ibigay nya ang magazine kay Daniel. Wala naman kaming magagawa pareho kung aangal kami sa gusto ng isang 'to.

"You need to alter this dress. It's too short for her, and this blouse and skirt too. The neckline is too low and the sleeves are not that long, also, the skirt should be below the knee. And.."

Habang nagkokomento sya ay lalong lumalalim ang gatla sa noo ko dahil hindi ako makaniwala sa mga sinasabi nya. Really? Balak ba nya akong gawing manang? Saka ano bang problema sa mga napili kong damit eh hindi naman bastusin tignan? Actually, the designs that she picked for herself was way more revealing. So what's the matter?

"What do you think Miss Alison?" Tanong sakin ni Sheil na hinihingi ang opinyon ko.

Tumingin sakin si Daniel. As usual, walang emosyon ang kanyang mukha pati na rin ang berde nyang mga mata kaya hindi ko mabasa ang nasa isip nya.

"Actually I love the designs, I don't want to alter anything to it." Komento ko saka sinalubong ang mga mata ni Daniel.

"I think it's too revealing." Saad nyang tila seryoso ang boses, pero hindi ako nagpatalo.

"I think yours is way more revealing unlike to those that I'd picked."

Narinig kong tumikhim si Sheil na halatang hindi na komportable sa nararamdmaang tensyon sa pagitan namin ni Daniel.

"If you want, I can do another design that will suit your taste Miss." Baling sakin ni Sheil na halatang sa pagkakataong iyon ay sa boss nya kumakampi.

Hidden DesireWhere stories live. Discover now