Hidden Chapter: TRES

1K 64 21
                                    

ALISON

"BHRIA, MAUNA ka nang umuwi. Babalikan ko pa kasi yung phone ko sa taas. Nakalimutan ko eh." Hindi mapakaling sabi ko habang inaayos ang bag ko sa balikat. Nag-aalala ako na baka tumatawag na si yaya Mel sakin.

"What?! Why naman kasi you're so makakalimutin?" Tanong nya na halatang hindi rin ako masisisi. Naghihintay na ang driver ng taxi sa labas ng school. Hindi kasi kami pareho masusundo ng mga drivers namin dahil off ng driver nila. Tapos yung akin naman ay sinundo si Daddy na nagpakalasing nanaman sa kung saan. So we decide to book a cab nalang.

"Eh kung samahan nalang kaya kita?" Biglang tanong nya. I saw how hesitant she is just to leave me like this but I can manage.

"Okay lang. Kaya ko na."

"Aren't you scared? Wala nang students dyan sa building." Halata ko ang pag-aalala sa boses nya.

"I'll be fine. Mabilis lang naman ako. Saka may guard naman sa every floor so I think I can manage." Hindi rin naman ako matatakutin eh.

"You sure?" Diskumpyado pa ring tanong nya.

Marahan akong natawa saka tumango. "It's not as if I'm in a horror movie Bhria. Sige na, kanina pa naghihintay yung driver sayo. Bye!"

Wala na syang nagawa nang tumalikod na ako at naglakad muli papasok sa building.

"S'an po kayo ma'am?" Harang sakin ng guard sa lobby.

"I forgot my phone po. Kukunin ko lang saglit." Sabi ko.

"Saang floor kayo ma'am?" Tanong nito na kinuha ang radyo sa bulsa.

"Sa eight floor po."

"Sige pasok na kayo. Abisuhan ko nalang yung guard dun na pasamahan kayo."

"Salamat po." Sabi ko saka naglakad na papasok sa elevator.

Mahigpit ang kapit ko sa aking bag at mas lalong humigpit pa iyon nang bumukas ito sa eight floor na naka-emergency light lang ang mga theme.

Lumabas ako sa elevator sa pag-aakalang may guard na nakaantabay duon, pero nang magkalakad ako sa station nito ay walang guard na nagbabantay sa floor.

Bigla tuloy akong kinabahan. Hindi ko alam pero kumakabog ng mabilis ang dibdib ko sa bawat hakbang ko sa pasilyo na syang yabag ko lang ang naririnig. Ngayon ko tuloy pinagsisihan na hindi ako nagpasama kay Bhria para kunin ang phone ko. Kung meron lang sana akong pasok bukas ay ipagpapabukas ko nalang 'to kaso baka kasi mawala iyon at may ibang makakuha. Importante pa naman yung mga contacts ko dun.

Kinuha ko sa bag ang maliit kong flashlight saka itinapat iyon sa nilalakaran ko habang nakayuko. Ayoko kasing ilibot ang mga paningin ko dahil baka lalo lang akong matakot. Ayoko lalong isiksik sa utak ko na ako lang ang mag-isa sa floor na 'to at—

"AHHH!— hmmm.." Naipit ang hiyaw ko nang biglang may nagtakip ng bibig ko. Nagulat kasi ako nang may makita akong pares ng sapatos na nakatayo sa harap ko kaya agad akong napasigaw.

"Shhh.." Sabi nya saka isinenyas ang hintuturo sa kanyang bibig na wag akong maingay.

Napakunot ako ng noo. Hindi ko akalaing makikita ko sya ngayon at sa ganitong pagkakataon pa. "I-ikaw? Wh-what are you doing here?"

Mabini syang ngumiti sakin. Ang itim nyang mga mata ay parang kumikislap na parang natutuwa syang makita ako. "I'm glad you're here.." Mahina nyang sabi.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkailang sa presensya nya kaya bahagya akong umatras. "A-ahm.. sige, aalis na 'ko. May kukunin pa kasi ako eh." Saka ako humakbang paalis sana pero agad nya akong pinigilan.

Hidden DesireWhere stories live. Discover now