Prologue

768 44 1
                                    

Prologue

"Magandang evening, mga ka-okray! Here's Inday Jelay para sa isa na namang episode ng agawan, so mag-ready sa pag-mine! Just don't forget to screenshot the item and your comment claiming it! Isang malaking requirement 'yon, mga inday! Let's get ready na!"

I started my live selling today with a bang! Marami na kaagad nag-aabang at almost thousand views na rin kaya ang hirap makasabay. Mabuti na lang nandiyan din ang kapatid kong babae to assist me. Nakaloloka. Naggbigay ako ng malakas discount tonight and I think it worked out so perfectly. Maraming nanonod ng live ko today.

Ilang linggo na akong busy sa pag-oonline selling, it's the reason I've kept myself busy since have no stable job right now. Palaging part-time tapos aalisan ko kaagad dahil ng ilang linggo rin kasi hindi ako makuntento.

I started selling online a few months ago, mahirap sa una dahil mahirap makakuha ng mga buyers kaya madalas ang live selling na ginagawa ko para lamang maka-attract ng mga buyers at linggo-linggo ay inaantabayanan nila ang mga items na binebenta ko.

Nakahanap kasi ako ng supplier from South Korea, kinuntiyaba ako no'ng dati kong ka-work sa SoKor kung gusto ko raw ba maging supplier ng mga imported—branded clothes, pumayag naman ako dahil walang-wala rin ako no'ng in-offer niya sa akin 'yon kaya inilaban ko na.

Lagi naman akong palaban sa lahat ng bagay, madalas nga lang talo.

"Ito namang flower tube dress! 350 na lang, paunahan na lang po sa mine!" Pagka-anunsyo ko no'n ay naghanda na kaagad kami ng kapatid ko na mag-abang sa mga kukuha ng dress na ito. Itinuro naman ng kapatid ko nang may nakapagmine na at sunod-sunod nang dumating ang iba. "Ito na! Irereserve ko na kay Caro Barbaro ang dress na 'to. Pak-send na lamang po ng message ang aming with the screenshot of your item. Thank you, Caro! Iyong-iyo na 'tong dress na 'to! And yes, next na tayo!"

My live selling continued at habang tumatagal ay mas marami ang nanonood sa pagbebenta ko. Though siguro kaya mas maraming nanonood sa live ko ngayon dahil hinahabol nila ang limited stocks ng mga items na pinapakita ko. May separate album naman ako sa page kung saan naka-post lahat ng available items, but they always go for the limited ones kaya mabilis nagkauubusan.

May ilang nag-memessage pa nga sa akin kung sino raw ang supplier ko sa Korea para makakuha rin sila. Hindi ko naman sinasabi dahil exclusive sa aking in-offer ito ng ka-work ko ro'n. My items are authentic and branded sa mas pinamurang halaga kaya one time na nag-viral ang isa kong post, dumagsa rin ang buyers ko. Tiyaga lang talaga.

Wala namang mawawala kung pagsusumikapan.

"Ate... sino 'tong Chini?" tanong ni Chrizzle, 16-year-old kong babaeng kapatid.

Naagaw naman niya ang atensyon ko sa paghahalukay ng damit. I only know one Chini in my life at iyon ang ka-work ko rin sa Korea. "Teka, anong sabi niya?"

"Ito ha, basahin ko lang," aniya. "Annyeonghaseyo, Jelay! If you still remember me, Chini, we've worked together before! I'm missing you so much! I really love this online shopping you are doing. Please keep in touch with me as soon as you finish what you are doing. I have something to say! Gamsahabnida!"

"Ilang oras na lang ang live selling natin?" tanong ko sa kanya.

"Thirty minutes na lang din at may eleven items pa for grab."

"Sige, sige. Tapusin na natin 'to."

"Okay, ate? Hindi ka naman ata nagmamadali na 'no? Sino 'yon? Korean 'yong binasa ko, 'di ba?"

"Oo na, Korean 'yon. Mamaya na chika. Trabaho muna!"

We continued our selling, but I couldn't focus on what I'm actually doing. Kung ano-ano pa ang nababanggit ko sa live at hindi mismo iyong dapat kong sabihin tungkol sa item. Bigla-bigla akong nawawala kaya naman si Chrizzle na lamang anga pinaharap ko sa camera at siya ang nag-aanunsyo ng mga huling items na up for grabs.

Bitter Holidays in JejuWhere stories live. Discover now