Chapter 8

195 27 1
                                    

Chapter 8

"Jelay?" She kept shaking my body and calling my name repeatedly for the last few minutes already. "Gising ka na... Where's Jin-Hyeong?"

Biglang nag-click sa utak ko nang marinig ko ang pangalan ni BJH at agad kong iminulat ang mata ko at bumungad sa akin si Chini na nakapamaywang sa harapan ko. Agad naman akong napabalikwas mula sa pagkauupo ko at hinarap ko siya pero napatitig na lamang ako sa isang direksyon dahil pakiramdam ko ay lutang na lutang pa ako at gusto ko pang matulog.

Tumungo naman si Chini sa may balcony at hinawi nito ang kurtina ro'n. Maliwanag na ngunit hindi pa gano'n kaaraw. Maybe because of the weather. Winter na ngayon dito sa South Korea until sometime mid-March ayon sa news. Full-blow pa ang aircon dito sa loob ng condo ni BJH kaya naman nakanginginig hanggang buto.

"Bakit diyan ka sa couch natulog?" tanong nito nang maglakad pabalik sa akin. "May sinabi-sabi pa si Jin-Hyeong na may sarili kang kama na hihigaan and then you'll just ended here. Tulog pa ba 'yon o tinakasan ka na naman?"

"Hala, wait!" I gasped, thinking that it could be possible.

Agad naman akong tumayo at tumakbo patungo sa kwarto ni BJH. Hindi na ako kumatok at agad kong binuksan ang kanyang kwarto at kinapa ang switch sa dingding at pinindot iyon upang magbigay liwanag sa buong paligid. And then there I saw Jin-Hyeong sleeping on his back and grunted, scrunching his face from the sudden burst of light so I had to switch it off and had the door closed. Napabitaw na lamang ako ng malalim na hininga ang saglit kong pinikit ang mga mata ko at umiling upang bahagyang magising.

Bumalik ako kay Chini na narinig ko sa kusina kaya ro'n ako tumungo at naabutan ko siyang naghahanda ng makakain ni Jin-Hyeong for breakfast.

"Is Jin-Hyeong in his room?" she asked, breaking the eggs in half on the frying pan with only one hand.

Tumango ako. "Yes, he's still sleeping..."

"I know, sinilip ko na rin siya ro'n," sagot ni Chini. "Naninigurado lang ako kung binabantayan mo talaga 'yon, though I don't believe he'll leave his room when he came drunk last night." Nang harapin niya muli ay saglit siyang napatigil at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Namuo naman ang ngiti nito sa labi saka umiling. "Mukha kang sabog, Jelay."

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Kulang pa nga 'tong tulog ko... gusto ko ulit matulog!"

"Good thing for you," aniya at bigla akong nabuhayan dahil posible akong makabalik sa pagtulog ko. "Makatutulog ka ulit mamayang gabi, but not now. Marami tayong gagawin today at alam kong kapapasok mo lang din sa work mo, but we're not gonna slack and slouch all day dahil dumarating na ang offers kay Jin-Hyeong and it'll be busy for all of us. From location to another location, meeting people over and over, nakapapagod 'to promise, but once we settled all for Jin-Hyeong, it'll be all worth it."

"Agree naman ako... and I'm not here para tumambay at maging turista."

"Yup, hindi talaga." Ngisi pa ni Chini. "Now, help me prepare our breakfast and wake Jing-Hyeong up later so we can run through his endorsement."

"What kind of endorsement is that?"

"Brief model, Jelay. Bet mo ba 'yon?"

Nanlaki ang mata ko sabay iling. "Teka, ba't ko naman mabe-bet 'yon?"

Humalakhak naman ito sa tawa. Napangiwi naman ako kasi hindi ko ma-imagine na magiging underwear model si BJH, though it's not really impossible, but I don't think he's comfortable enough na gumawa nang gano'ng bagay so Chini's might just be joking around, so I just lend her a hand to finish what she's been doing on the kitchen.

Bitter Holidays in JejuWhere stories live. Discover now