Chapter 21

176 27 4
                                    

Chapter 21

"Park Seung-Gi is dating Han Chini Sung—Jin-Hyeong's longtime manager!" Hagikgik pa ni Chini habang iniimagine niya one time gano'n na lamang ang lumabas na headline sa blogsites at entertainment news. "Pa'no na lang kaya kung 'yon ang lumabas na issue bukas 'no? Okay na 'yon kaysa naman sa scandal."

Ang seryoso pa ng pagtango-tango ko sa kanya at halos bumigay ako sa pagtawa dahil sa huling salitang binitawan niya. "Putik, Chini! 'Di ko inexpect 'yon, a!"

"Well, you're welcome!" Halakhak din nito. "Ngayon pa lang naiiisip ko na kung anong sasabihin ni Jin-Heyong. But whatever, he would understand it naman. Alam na naman niya 'yon matagal na."

"Oooh!" I swooned. Hindi makapaniwala sa nalalaman ko ngayon.

"Okay, aaminin na nga ako," singhal nito at saka umayos ng pagkauupo. "Remember 'yong time for the underwear campaign shoot and you're the only one on the set? I was meeting him kasi." Tinuro ni Chini si PSG na nakatayo sa gilid ng bintana habang may kausap ito sa phone. "We're already dating that time pero secret pa lang... secret pa rin naman kaming dalawa ngayon though he's my boyfriend na and we keep it that way."

"Oh... I see. Now it makes sense kung bakit namumula 'yong labi ni PSG no'ng araw na 'yon... and 'yong chikinini, Chini?"

"Shhh ka lang do'n," banas niyang tugon. "Tagal rin kayang nawala no'n."

"True! Sabi mo pa nga dahil meron ka no'ng araw na 'yon at nagkapasa ka lang... which really got me confused? Nagkapasa sa leeg talaga?"

"Oo, bwisit, Jelay. Ipaalala mo pa sa akin 'yon. Sa vacant staff room na nga lang namin 'yon ginawa since hindi kami nagkita ng ilang araw. Anyway, masyadong marami ka nang nalalaman. Wala ka na rin atang bumalik sa bahay niyo ro'n, ano?"

"Hindi naman ata niya ako hinahanap."

"Akala ko ba gusto mo rin siya makausap? Now is the time."

"Samahan mo ako."

Agad siyang umiling at humalukipkip. "Jelay, bukas na lang tayo magkita ulit! Nandito na ako sa hotel namin, o! We'll be having our dinner mamaya sa buffet and then alam mo na right after!" She squeaked. I guess she's already imagining what would happen tonight. Nadadamay na rin ang utak ko at agad na pumasok sa isip ko 'yon. Laswa naman!

"Gusto ko pa mag-stay rito, e. Pinapaalis mo na agad ako."

"Ay, bahala ka riyan! But let me check in on him. Baka gising na siya. Hindi naman 'yon gano'n kahaba matulog sa hapon." She grabbed her phone and was about to give him a call nang bigla itong napasinghap at naiwang uwang ang kanyang bibig. She covered her mouth with her hand and her eyes glued on the screen of her phone. Napatigin din sa amin si PSG kasi akala kung ano na nangyari sa jowa niya.

"Ibwa, mwer?" PSG asked. (Hey, what happened?)

"i!" She showed us her phone screen and it's from Jin-Hyeong instragram profile. The photo he posted was with the vendor who helped us hide from the paparazzi. "Gnen simsier jigeum jasin witchrl dupnida." Hindi ko sigurado kung nag-aalala si Chini base sa reaksyon niya o masaya siya dahil patuloy na dumarami ang nakakikita ng post ni BJH. Medyo confused ako. (This! He even puts his location now.)

"I know that photo," aniko. Tumingin ang mag-jowa sa akin. "I was the one who takes that photo. That old lady—the vendor who owned the store in the Sunrise Peak wants to have a picture with Jin-Hyeong, but she has no phone so he insisted to use his phone."

"Oh, I see and I guess that's alright. Walang problema ro'n... but he puts his location and now everyone knows where he is." Napahilamos ang palad sa mukha niya. She looks disappointed because BJH just gave our location away publicly.

Bitter Holidays in Jejuजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें