Chapter 23

168 24 1
                                    

Chapter 23

"Naiinis na ako." Singhal ni Chini sabay pag-ikot ng mata. "Masyado nang papansin 'tong dalawang magjowa na 'to. Pwede bang ipatapon 'to sa Pacific Ocean? Kairita."

Natawa ako kasi agad niyang sinuksok sa purse niya ang phone niya sa asar nang mabasa ang post nina Dong-yoon at Mi-sun. They were just making a scene. Puro kiss and hug sa bawat social media nila. Pinagbawalan nga ni Chini si BJH na gumamit ng phone at mag-focus na lang sa bakasyon. He intends to do that. Feeling ko wala na rin siyang pakialam sa dalawang 'yon since sakit lang sila ng ulo.

"Gusto ko pa sana mag-stay, but I have work waiting for me there. May mga kailagan akong i-meet in person. So, ikaw nang bahala kay Jin-hyeong, a? Tiwala naman ako sa 'yo. And since you guys left without saying a word before, lalagyan ko na rin ng tracker 'yang phone mo pagbalik."

"Ay, grabe siya!" usal ko.

Napaismid naman ito at umiling. "Kasama na 'yon sa trabaho mo. Bawal ka na mawala sa paningin ko."

"Okay... ikaw bahala. Basta wala pa rin akong kasalanan kung bakit kami nandito ni Jin-hyeong."

"Let's get past over that. Babalik na rin kayo next week so I'm already looking forward to that. Anyway, bago ko pa makalimutan, Seung-Gi will stay at our house from now on."

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa binalita niya. "Ah, so... open na talaga ang relationship niyo? Hindi niyo na gagawing secret?"

She sighed, rolling her eyes. "Asa pang magiging secret 'yon sa mundo natin ngayon. But we kept it laylow for a few years and I think it's already enough. Wala namang mawawala, e. And if they want to make an issue about us, go for it. Hindi namin sila pipigilan. Just like what Dong-yoon and Mi-sun's doing, it's all for publicity."

I nodded. "True... even if it doesn't make sense anymore, basta maging usapan lang."

"But, you know, I did that once to BJH and it fairly worked I must say, so kung ginagawa nila 'yong to gain new audience para pag-usapan ang upcoming show nila, bahala na sila sa buhay nila. Hindi ko lang talaga maiwasang mairita since kanina pa dumadaan sa feed ko 'tong mga post tungkol sa kanila."

PSG came to our spot, scratching his head. "Urinen miocsie ternayahapnikka?" tanong pa nito. (What time should we leave?)

Sinilip ni Chini ang time sa screen ng kanyang phone. "Zamsi hu. Jelay ege mioc gazi alimeul namgiodugi manhamiondoepnida." (A moment later. I just need to leave Jelay some reminders.)

"Joha. Baggeser mannayo." (Okay. I'll meet you outside.)

Tumango si Chini sa jowa niya at saka tumungo si PSG palabas ng bahay. Dumaan pa kasi talaga sila rito sa bahay nila Jin-hyeong before they go to the airport and back to Seoul. Chini's a little stressed out dahil ang daming gustong ma-interview si BJH. Actually, some of them are not interested in his post anymore kung hindi ay general things about what he does and what he's going to do. Is he going to release a single, debut as a single performer, make new TV shows, and other stuff they've been wanting to ask.

"Alam mo na, ha? If there's something going on—good or bad, ipaalam mo na kaagad sa akin. You don't have to get his permission. I just want to know, alright?"

"Kahit personal?" Kunot-noo kong tanong.

She shrugged off. "Ikaw bahala. Baste tell me something if there's an immediate action needed to do. Iyon lang... and pray for me. Nagpatawag ng meeting si boss kanina at paglapag na paglapag namin sa Seoul mamaya, diretsyo kami sa office niya."

"Para saan naman 'yong meeting? Nasabi mo na ba kay Jin-hyeong?"

Mabilis siyang umiling. "No. Not yet and don't you ever tell him about it."

Bitter Holidays in JejuWhere stories live. Discover now