Chapter 1

452 33 1
                                    

Disclaimer: This story is written in Tagalog, English, and Hangul. Don't worry, it has translations right after. Bear with me, I only used an online translator so if there's something wrong, give me a heads up, thanks!

***

Chapter 1


"Should we wait for him?" I asked Chini while we're still sitting just around the lobby area.

"I guess, we should...he's expecting us to be here though."

"E, lumabas na nga siya ng bathroom tapos hindi niya tayo pinansin. Maybe we should meet him next time? Punta muna kaya tayo ngayon sa apartment na tutuluyan ko?"

She shook her head, not convince with my suggestion. "No, I'm going to call him. He must be talking to some people there. Wait ka lang, I'll try to reach him out and 'wag kang mag-aalala. He's not going to abandon us. I know him, he won't do this to us when he's going back to the way he used to. So, please, excuse me."

I let her leave alone so she could nudge him a call. Ewan ko ba, pero kabang-kaba naman ako sa muling pagkikita namin ni Jin-Hyeong—though madalas kong tawag sa kanya noon ay Gunward. Nabanggit lang no'n ni Chini na ang English name raw nito ay Gunward Edmiston if he's not using his Korean name. I think both are fine, nasanay lang din akong tawagin siya sa parehong pangalan pero boss pa rin naman ang tawag ko kapag kaharap ko siya.

I put my attention on my phone as I feel so anxious around here again. Nakasasabik na nakapaninibago. Hindi ako sanay. Mas nasanay akong kaharap ko ang screen ng phone ko at kausap ang sarili at pagbabasa ng comments. But I still know what I've got to do. Iyong sinend sa akin ni Chini na contract na refresh naman ang isip ko from all the duties I have done before. A little while spending my attention on my phone, Chrizzle started video calling me. I set up the earphone and put it on my ears.

"OMG! Nasa Korea ka na ba, ate?"

"Yes! I just arrived almost three hours ago. Buti natawag ka rin!"

"Oh, teka? Anong oras na ba r'yan saka house tour naman diyan!" sabik na utos ni Chrizzle.

"Alas y quatro pa lang naman dito. One hour advance kami rito kaysa riyan sa Pinas. But anyway, to answer your question, hindi pa ako nakapupunta magiging apartment ko dahil dumiretsyo kaagad kami sa agency Jin-Hyeong..."

"At ano namang nangyari? Pa-fansign nga, ate! Ipang-iinggit ko lang sa mga kaklase ko! Please?!" pagmakaawa pa nito.

Napasinghal na lang din naman. "Naku! Bawal na bawal 'yang fansign at ayokong gawin 'yon. Mag-edit ka na lang diyan ng picture niya. At nandito kami sa agency para kitaan siya. Hindi ko alam kung anong ganap pero... I think... hindi magandang araw 'to para sa akin."

"Drama mo, ate. Cheer up lang! Ititigil ko 'tong online selling natin kapag binalak mong umuwi kaagad dito."

"Hoy, gaga ka! 'Wag mo akong pasigawin dito," ani ko at saka hininaan ko ang boses ko. Tiningnan ko pa ang paligid ko at mukhang wala namang pumapansin sa akin. Hindi naman nila naiintindihan ang sinasabi ko kaya fair lang dahil hindi ko rin ma-gets 'yong mga pinagsasabi nila—well, kaunti lang pero hindi ako fluent kagaya ni Chini na half-Korean at half-Filipina. "Iniwan ko na nga sa 'yo 'yang online selling para dagdag income na rin. Saka if may time, ime-meet ko personally 'yong supplier ko rito para mas doblehin pa 'yong stocks natin diyan. Ayusin mo, Chrizzle, a! Gigil mo 'ko."

"Jelay!" Inangat ko ang tingin ko nang tawagin ako ni Chini na kabababa lamang tawag sa phone. "Jin-Hyeong's ready to see us."

"Ah, okay!" mabilis kong tugon. Mabilsi rin naman akong nagpaalam kay Chrizzle na tatawagan ko na lang siya kapag nakauwi na ako sa tutuluyan kong apartment. Agad ko namang nilapitan si Chini. "Saan na tayo ngayon?"

Bitter Holidays in JejuWhere stories live. Discover now