Chapter 16

168 25 1
                                    

Chapter 16

I've received my first pay yesterday and I immediately send half of it back home. As much as I deserved it, mas deserve nila 'yon at kakailanganin nila kumpara sa akin na halos wala akong ginagastos ngayon. I've only received half of my whole salary incurred last month dahil hindi naman buong December ay nagtrabaho ako dahil mga kalagitnaan na rin ng buwan ako pumasok. Fifty thousand isn't bad at all. Naitabi ko na rin naman sa bangko ang dapat kong itabi.

Nakatutuwa lang din na makatanggap ng milyon sa una kong sahod. Though of course, the conversion will differ the amount pero ang sarap pala sa pakiramdam na pitong digit ang makikita ko sa bank account ko.

BJH told me that it's normal and I'll be getting more in the next few months or even years. Aside from the money I'll be getting in this work, mas sabik ako sa mga experience na pwede kong makuha rito. If BJH told me that I'll be able to get a huge amount of money every month, I hope it won't end. But I know things will change in the future, pero 'wag naman muna sana dumating sa puntong kailangan kong umuwi agad katulad no'ng unang taon ko rito sa Korea.

The online selling back home has been going so well. Lalo na't nagdaan ang Christmas at New Year ay maraming bumili sa aming shop. Iyon nga lang ay si Chrizzle lang ang humarap sa trabahong iyon. Good thing for her, naka-school holiday rin kaya nasasagot niya agad ang queries at buyers. If we continued this kind of set-up, iyong kinikita namin sa online selling would suffice for the daily needs and that's the only thing I want na makakain ng tatlong beses ang pamilya ko sa isang araw.

Nakahilata lamang ako sa kama, bored at scroll lamang nang scroll sa mga social media feed ko. May dumaan naman sa feed ko na pamilyar na brand kaya napataas ang pag-scroll ko at tiningnan ko pa ito nang maigi at saka nagplay video.

Dali-dali akong bumangon sa kinahihigaan ko at lumabas ng kwarto para hanapin si BJH. I headed downstairs where I found him with his nephew. Nag-uusap silang dalawa so I come in their direction and bothered them. Umupo ako sa pagitan nilang dalawa. Pagtataka naman ang bumakas sa mukha nila. I just showed the screen of my phone to him and then his phone rings so he immediately excused himself to answer the call.

"Let's watch this first." Hinarap ko si Seo-Jun.

Napakunot noo naman ito. "What are we going to watch?"

"This!" Then I slanted my phone and played the video and we both watched it.

Tutok na tutok naman kaming dalawa ni Seo-Jun sa video. Tuwang-tuwa naman ako nang makita ko si Cashel sa video and he's so fine and sexy as hell. Napansin iyon ni Seo-Jun pero mabuti na lang ay nailipat kaagad kay BJH ang video at nagulat naman ito nang makita niya ang kanyang tito. He's so surprised. Bakas na bakas sa mukha niya pero agad naman itong natawa dahil nga underwear lang din ang suot nito.

"When did this happen?" he asked.

"Oh, that was... a few weeks ago before we went here. I'm actually surprised that they've released the campaign video now and it's actually good."

"Yeah, hella good. Those ladies are fine."

Natawa ako sa sinabi niya. Saglit lang din naman ay bumalik si BJH at pansin ko namang hindi maganda ang timpla ng mukha nito. Ayoko namang bungaran ng tanong kasi baka sa akin maipasama iyong inis niya.

"Dangxineun dangsin sogote joha boynda!" Natatawang sabi ni Seo-Jun kay BJH. (You look great in your underwear!)

Napakunot na lamang ang noo nito. "Mwragu?" (What are you saying?)

"Oh, Jin-Hyeong, the Calvin Klein campaign video has been out. It looks so great. I mean, you did so well." Ngumiti ako, but he still doesn't seem to look fine. Ano naman kayang pumapasok sa isip nito ngayon? Hindi ko alam kung tatanungin ko pa o hindi. If he's not going to tell it to me, para kasing masyadong personal kung sa akin pa mismo manggagaling iyon. I have the slightest idea about it, but I'm not sure if it really is.

Bitter Holidays in JejuWhere stories live. Discover now