CHAPTER 1

43 9 1
                                    


"Kuya!" nakakainis naman si Kuya eh! "Wait lang oy!"

Hindi siya tumitigil sa pagmamaneho ng kotse, bwiset. Napakapikon kase, inasar ko lang siya na hindi siya sinasagot ng nililigawan niya kase ang panget ng haircut niya, bao amp! Tapos napakatorpe pa, eh sa bahay nga napakayabang niya eh.

"ZAMUEL TAYPE GUARDIAN" hininto niya ang kotse pagkatapos kong isigaw ang pangalan niya. Oh diba! Hininto niya, very good talaga si Mommy eh.

Bumaba siya sa black niyang kotse at binuksan ang front seat "Pasok"

Pumasok agad ako, baka magbago isip ng lalaki na ito. "Anong problema mo?"

"You're so slow, sa susunod iiwan na talaga kita" diretso lang ang tingin niya sa daanan. Dinahilan pa ang pagiging mabagal ko, alam ko naman na pikon siya kaya niya ako iniwan kanina. Aba! Nung inasar ko, agad na lumabas ng bahay dala ang bag pati ang susi tapos bukas na ang gate tsaka pinaandar, ako naman syempre si Tanga hinabol siya.

"Ang panget mo!" Umirap ako at pinag-ekis ang braso sa dibdib. Napaka panget nakakaasiwa. Bad trip aga-aga.

"Mag seatbelt ka." he said coldly. Arte mo Zamuel! "Panget ka din, tanga!"

Epal talaga yung lalaki na'to eh, hindi ko alam kung paano ko siya natagalan na kasama sa sinapupunan, siguro sinisipa ako ni Zamuel noong nasa tiyan pa lang kami. Sinapak ko ang braso niya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Nagmamaneho ako huwag kang mangulit!" umirap siya at humarap ulit sa kalsada.

Hinampas hampas ko ulit siya. "ZARIELLE TAYNE GUARDIAN!"

Huminto ako sa pahampas at ngumuso, napaka-epal talaga. "Ang sakit ng hampas mo, anong trip mo ha?"

"Gumaganti lang naman ako" baka nabugbog ako sa  tiyan ni Mommy kaya ako nagka-scoliosis.

"Ewan ko sayo," nanahimik na ako at hindi na nangulit.

Ilang minuto pa at nandito na kami sa school, tinanggal ko ang seatbelt at lumabas na ng kotse.

"Kuya mauna na ako sa building namin ah." sabi ko bago bumaba ng kotse. Junior high pa lang ako, grade 10 tapos siya is Senior high na. Sa ibang building siya.

Kakambal ko si Zamuel, pero hindi kami pareho ng birthday, December 31 siya tapos January 1 ako. 11:59 pm siya inilabas at ako ay 12:03 am. Kaya yung iba hindi naniniwala na kambal kami kase Senior high siya ako Junior, nagstop kase ako.

Napagdesisyunan ko na huminto kase si Kuya na lang lagi ang nagtatanggol sa akin, alam kong nahihirapan siya pero hindi lang niya pinapahalata. Nakakatuwa na may nagtatanggol sayo pero mahirap makita na pati siya ay inaasar ng mga kaklase namin. Binubully kase ako noong grade 7, ang tawag nila sakin ay, tabingi, hindi pantay ang balikat, baluktot tsaka iba pa. Nung nagkaroon naman ng brace ang katawan ko inaasar pa rin ako; babaeng bakal ang tawag nila sa akin. Nalungkot at nagalit ako pero wala naman nang mababago pero nag-stop pa rin ako sa pag-aaral. Hindi ko pinagsisihan ang desisyon ko na iyon dahil nung pumasok ako, mas maintindihin ang mga tao. Walang umaaway sa akin. Konting away meron pero yung nanghuhusga na about sa sakit ko, wala naman, nagsosorry naman yung iba minsan. Hindi rin nila pinapakita na kinakaawaan nila ako pero may isa lang talaga na bwiset.

"Sige" lumakad na ako papunta sa building namin pero may nakita akong lalaki na naninigarilyo sa likod ng building, nahagip lang ng paningin ko iyong bag niya. Tsk, kilala ko kung sino iyon. Walang iba kun'di si Caliber na crush ko na sakristan. Naturingan na saktristan pero sakit sa ulo 'yan.

Pumasok na ako sa room at binati ako ng iba kong mga kaklase. Ilang minuto pa ay nagtakip na ako ng panyo sa bibig at ilong dahil nakita ko na paparating ang banal na g*go.

You Are My Amethyst (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora