CHAPTER 25

14 6 0
                                    


Christmas na ngayon pero wala naman kaming balak na umalis ng bahay at may mga bisita daw si Mommy. Mga batang mamamasko sa amin. Nanonood ako ng kung ano-anong movies dito sa sala. Wala si Kuya eh, umalis 'di ko alam kung saan nagpunta. Si Daddy nasa office kahit Christmas kaya sila Yaya and Mommy lang ang kasama ko ngayon. Naubos na ang kinakain kong popcorn kaya naisipan kong kumuha ng candy sa halaman na katabi ko. May mga candy kaseng sinabit si Mommy doon, mahilig din siyang maglagay ng halaman sa loob ng bahay kaya nilagyan niya ng mga candy. Bawal talaga kuhanin yung candy na iyon sabi ni Mommy pero nakakatamad tumayo kaya kinain ko. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang kalat at medyo marami na rin ang nakain ko kaya pinalitan ko ng bato ang loob.

"Hello po! Namamasko po!" sigaw ng mga bata sa labas ng bahay. Agad naman silang pinagbuksan ng kasambahay.

"Pumasok daw kayo sabi ni Ma'am" sabi nito sa kanila. Ibinalik ko na lang ang paningin ko sa TV at hindi sila pinansin.

Naramdaman kong may lumapit sa tabi ko pero nagfocus lang ako sa pinapanood.

"Hala! Bakit bato po ang laman?" nanlaki ang mata ko ng mapagtanto na kinuha nila yung candy na nasa halaman. Shems, naubos ko ata ang candy doon.

"Yung akin rin"
"Pati yung isa ko bato din ang nakalagay"
"Akala ko candy"

Nagmaang-maangan ako at kunwaring walang naririnig.

"Ay nako mga bata sumunod na lang kayo sa akin at bibigyan ko kayo ng candy" sabi ni Mommy. Nagtataka na siya panigurado kung bakit bato ang laman no'n.

Naging abala na si Mommy at baka nakalimutan na ang batong ipinalit ko. Maghapon lang akong nanood at nagreply sa mga bumati ng merry christmas matapos noon ay natulog na ako.

***

"Merry Christmas and Happy New Year" bati nila Miraki sa akin pagdating ko sa bahay nila.

Sa bahay kase nila namin napagpasyahan na mag-practice. Malaki ang bahay nila pero parang walang katao-tao, tahimik. Ako pa lang ang dumadating at si Caliber. Sabay kaming pumunta kase sinundo niya ako pero pinauna na niya akong pumunta rito kase inayos pa niya yung pagpark ng kotse niya.

"Sino kasama mo?" umupo ako sa couch, may nakalagay na pagkain sa mini table.

"Ah sila Mommy nasa Japan, nagbakasyon sila doon. Hindi na ako sumama kase baka matagalan sila sa pagbalik. Yung lolo ko kase nagkasakit" tumango na lang ako.

Napatingin kaming dalawa ni Miraki sa pintuan ng biglang bumukas ito at tumambad ang maiingay naming kaklase.

"Oh sabay-sabay ata kayo?" tanong ni Miraki kay Mhill, Diver, Wrey at Caliber na pumasok.

"Wow may pameryenda si Miraki!" agad na lumapit si Diver sa lamesa at kumuha ng isang sandwich.

"Patay gutom ka talaga!" inilayo ni Miraki ang plato kay Diver.

Pinagitnaan naman ako ni Wrey at ni Caliber. Si Mhill naman ay katabi ni Wrey.

"Gusto mo?" kumuha si Caliber ng dalawang sandwich at ibinigay sa akin ang isa.

Matapos namin kumain at maghintay sa iba pa naming kagrupo ay pinabasa na sa amin ang script dahil baka nakalimutan na raw namin. Binasa lang namij saglit at nagsimula na sa pag-arte. Medyo nahirapan kami kase ayaw magseryoso ni Diver kaya nag-aaway silang dalawa ni Miraki. Ship ko talaga yung dalawa na 'to.

"May damit ka na ba Zarielle" tanong ni Mhill. Siya kase ang Naka-assign sa mga damit at kailangan. Stage manager ata siya.

"Yep, provided by me" pagmamayabang ni Caliber.

"May wings na rin ako, yung ginamit ko nung grade 8. Tanda niyo?" angel din ganap ko no'n eh.

"Ahh yun ba gagamitin mo? Buti buhay pa no" tumango-tango naman ako.

Nag-usap-usap pa kami sa mga kailangan at ibang mga pagkakamali kapag umaarte ganon. Medyo madilim na nung umuwi kami kase marami kaming pinag-usapan at ang dami nilang suggestions.

"Oy thank you!" sabi ko kay Caliber bago bumaba ng kotse niya.

"Always. So see you on monday I guess" papalapit na ang pasukan, babye bakasyon.

"Yeah see you!"

***

"Tumalon ka na!" utos sa akin ni Zamuel kaya sinamaan ko siya ng tingin. Narinig na namin ang malakas na tunog ng kampana. Hudyat na alas dose na.

"Bwisit ka talagang panget ka" tumingin kami sa taas at nakita ang makukulay na fireworks.

Sinindihan na rin nila Daddy yung paputok na binili nila, fountain ba tawag don? Bata ewan. Takot ako sa ganon kaya hindi na ako lumapit sa kanila at nanood na lang ng fireworks. Nagugulat din ako kada putok na naririnig. Nag-umpisa na ring magising ang mga bata, nag-ingay na rin yung mga motor.

"Mommy ako na maghahagis ng barya" taon-taon ng naghahagis ng barya sa loob ng bahay sila Mommy at naghahagis din siya ng barya sa mga batang nasa labas. Nagvolunteer akong magpa agaw ng barya at candies sa kanila.

Ang sasakit sa tenga ng torotot nila. Ganyan din ba ako nung bata ako? Jusme nakakarindi pala.

"One...two...three" nagkagulo sila sa harap ko at nag-agawan. Halos magkadaganan na sila pero hindi nila natinag para lang sa barya.

"Mommy diba may mga regalo ka pa dyan? Palaro kaya ako?" parang masaya maglaro ngayon eh.

"Ahh oo ilalabas ko lang ha. Umpisahan mo na" hinati ko sila sa dalawang grupo. Ten sila kaya tiglima ang bawat sides.

Nakalimutan ko yung tawag sa laro pero kaya ko naman iexplain "Mamimili kayo ng isang bubulungan ko at isang bubulong sa akin. Kapag nasabi ko na ang dapat sabihin sa binulongan ko, ipapasa nila iyon. Dapat naka-straight line kayo ah tapos kapag naihatid na sa dulo yung sinabi ko, tatakbo papunta sa akin at ibubulong ang nakarating sa kanya. Naintindihan ba?"

"Opooo" sabay-sabay nila sabi. Nagpunta na sa harap ko ang dalawang bata.

"Ang ipapasa niyo ay, tapiko takupe." sabi ko sa dalawa at humarap sa iba pang mga bata. "Kailangan niyong ulitin ng five times ah kapag bubulong na sa akin"

"Ready na kayong dalawa?" tumango ang isa.

"Anoo po ulit ang sasabihin?" napakamot sita sa batok.

"Ta..pi..ko..ta..ku..pe" nagpraktis silang dalawa sa harap ko gamit ang mahinang boses.

"Okay, one...two...three go!" tumakbo silang dalawa at ipinasa na ang sinabi ko.

Mas nauuna ang nasa right side kaya nag-ingay ang mga nasa left side.

"Bilis!"
"Hala! Mananalo na sila"
"Pasa niyo na bilis"

Natatawa ako habang pinagmamasdan sila. Nagulat ako ng may lumapit sa akin at nagsimulang mag-recite.

"Tapiko takupe, tapiko takupe, tapiko takupe, tapiko...tapiko takupe. Tapiko tak..takipo" natawa ako ng malakas dahil nagkamali siya. Nakalapit naman na ang kalaban.

"Oh ikaw muna, namali siya. Lakasan mo na ang boses para masaya" hindi pedeng ako lang ang matatawa.

"Tapiko takupe! Tapiko takupe!! Tapiko takupe! Tapiko...TAKUPE? TAPIKO TAP*KE" nagtawanan ang lahat dahil sa narinig. Napatakip naman ang bata sa bibig niya dahil napagtanto niya ang kanyang sinabi.

"Walang nanalo pero punta kayo kay Mommy may prize kayo"

You Are My Amethyst (Completed)Where stories live. Discover now