CHAPTER 14

13 7 0
                                    


"Pumunta ka na kasee" hinahatak nila ako papunta sa marriage booth.

May nagset ng kasal ko! Ayoko pang makasal noe! Wahhhhhh sino ba kaseng peste ang gumawa non ih.

"Sige na nga! Nakakainis naman, sino ba kase yan?!" Nagmaktol ang lumakad papunta sa marriage booth ng nakabusangot ang mukha.

Nasa booth na ako at may ikakasal pa, hindi ko alam kung pang-ilan ako sa ikakasal bahala na. Nanonood muna ako sa mga kinakasal ngayon, sumunod na sa akin si Zabeth.

"I do—"

"ITIGIL ANG KASAL!". sigaw ng isang babae, grabe nakakaloka. Ano 'to simbahan? Bakit may pa ganon pa? May ideyang pumasok sa aking isipan.

"Zabeth" tawag ko at siniko siya.

"Ano?" Nakikinig pa rin siya sa sinasabi nung babae.

"Gumanyan ka rin ah kapag ikakasal na ako" ayokong makasal noe.

"Ayoko ko nga nakakahiya tsaka—basta" nginitian niya ako at pinanood na ulit ang kinakasal.

Nahinto naman, grabe may paganon? Sana all may third wheel.

"Next na! Asan na daw si ano ulit name?" Tiningnan nila ang papel dahil nakalimutan pa ang pangalan. "Oh si ano...si Zarielle. Bilisan niyo may susunod pa marami"

"Ito po!" Sigaw ni Zabeth at tinulak ako papunta sa harap. Bwct na babae reh. "Dxaii ito ang belo oh"

Nilapitan nila ako at sinuotan ng kung ano-ano, nilagay ang belo sa ulo ko at ang flowers sa kamay ko. May nilagay pa sila sa buhok ko ata at itinaas iyon.

Naghintay ako sa harap, sino ba kase ang papakasalan ko? Napaka-arte, ako dapat ang hihintayin diba hindi siya?

"Ayieeeeeeee" sigaw nila ng dumating na si Caliber, napairap na lang ako. Anong trip ng lalaking ito? Tss so ito ang paraan ng pagsosorry niya?

"Ang bagal mo!" sigaw ko sa kanya.

"Awts hon nakaka-touch naman, hinintay mo talaga ako? Akala mo hindi na ako dadating sa kasal natin no?" inirapan ko siya, kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop niya iyon.

May sinasabi ang ang kunwaring pari sa harap pero di ako nakikinig, bahala sila diyan. Nakakaasar grabe!

"Ikaw babae, tinatanggap mo ba si Caliber bilang asawa?" nagulat ako ng bigla akong sikuhin ni Caliber.

"P-Po? Hindi po" nagulat sila tsaka yung katabi ko, si Zabeth naman nagagalit ang tingin sa akin. "Charrrr! I do father!"

"Psh" sumibangot ang katabi ko, aba siya pa umaarte. Basta natapos ang ceremony. Dalawang oras daw ang bisa no'n, sabi isa lang tapos naginh dalawa pero buti na lang dalawang oras lang.

"Woi! Anong ginagawa mo?!" hinatak kase niya ako sa jail booth pagkatapos ng kasal.

"Pahingi nga ng posas" gagi talaga, inabot nung isang lalaki kay Caliber ang posas. "Salamat pre"

"Woi ano ba!?" Inilagay niya sa kaliwa kong kamay ang isang bilog at sa kanyang kanan naman ang isa.

"Dyan ka masaya?" Inirapan ko siya.

"Bakit ba ang sungit-sungit mo ngayon?" Tanong niya. Hindi ko siya sinagot bahala siya dyan.

"Tara nagugutom ako" lunch time na kase at hindi pa kami kumakain. Hindi ako tumango sa kanya kahit na nagugutom na ako. Buti na lang hinatak pa rin niya ako kahit na hindi ako um-oo.

Kumakalam na talaga ang tyan ko kanina pa.

"Iwan mo na lang ako dito tapos ikaw na ang umorder sa atin" sabi ko at uupo na sana kaso nahatak ko ang kamay niya. Nakaposas nga pala-,-

You Are My Amethyst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon