CHAPTER 18

18 6 0
                                    


"BUS 13! PASOK NA BILIS, ANG MAIIWAN BAHALA NA KAYONG PUMUNTA SA D.U" sabi ng konduktor na kanina pa inis na inis sa mga late na estudyante.

Cluster meet na kase ngayon, one week gaganapin ang contest. Akala namin sa school namin gaganapin tapos hindi pala. Dahil medyo malayo yung Dark University sa amin at marami kaming mga students, kailangan talagang mag-bus. Yung iba nagsari-sariling sasakyan. Inaaya rin ako ni Caliber na sa kanila na lang ako sumabay, sa van nila. Kasama naman daw don si Kuya pero alam kong puro boys ang kasama nila kaya hindi na ako sumama. Boring don, wala akong kadaldalan, napagkasunduan din naman namin ni Zabeth na pareho kaming sumakay sa bus.

"SINABING ALAS SAIS NG UMAGA PUMASOK, ABA'Y! SIX THIRTY NA!" naiinis na ako kay Manong, kanina pa sigaw nang sigaw kala mo naman naririnig siya ng mga late eh on the way pa lang ang mga 'yon.

"Zarielle" mahinang tawag ni Zabeth sa akin.

"Bakit?"

"Nagdala ka ba ng extrang damit?" napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Bakit naman niya ako tatanungin ng ganon?

"Hindi, why?"

"Feel ko kase may mangyayari mamaya, I mean baka biglang umulan or mabasa tayo" ang weird niya, kung ano-ano ang pinagsasabi.

"Saan mo naman nakuha ang mga iyan aber?"

"Nevermind" nilagay niya sa tenga niya ang earphones at pinikit ang mata.

Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na lang sa bintana. Ilang minuto pa ay umusad na ang bus at tinahak ang daan papuntang D.U. Mas malaki ang school namin pero dahil lagi na lang daw sa amin ginaganap ang cluster, pinagbigyan naman nila ang ibang school at ang D.U nga ang napili. Okay lang naman sa amin iyon dahil bawas gawain nga naman. Dati kase nung sa amin ginanap ang cluster, may opening pa tapos kailangan naka-ayos ang buong school. Tapos yung mga cheerleaders kailangan din nilang magpractice para mang-aliw ng audience and para rin i-cheer ang mga players namin.

Ayoko naman talagang sumama sa mga ganitong event, napipilit lang talaga akong sumama dahil gusto kong pinapanood yung mga crush ako, awit mga crush talaga, madami yon wag kang ano.

Halos 30 minutes din ang naging byahe namin. Pumasok ang bus namin sa isang kulay navy blue na gate. Nakita ko rin ang iba isa pang bus ng school namin, mas nauna silang umalis kase mas unang nakumpleto sila. Kaya inis na inis si Manong kase naunahan na raw siya.

"Zabeth, nandito na tayo" natauhan naman siya bigla ng kalabitin ko siya at agad na tinanggal ang nasa tenga niya.

"Ang bilis ata?"

"Anong mabilis don? Bored na bored nga ako eh, akala ko makakadaldalan kita habang nasa byahe kaso tinulugan mo'ko" inirapan ko pa siya pero pabiro lang naman yon.

"Tampo ka na nyan? Baba na nga tayo" hinatak niya ako patayo at bumaba na nga kami sa bus.

Nagkahiwa-hiwalay kaagad ang mga estudyante. Sa school namin, lahat dapat kami ay naka kulay grey, may mga color coding kase bawat school para kapag may nanggulo, alam agad kung saan galing.

"Saan tayo unang pupunta?" tanong niya habang tumitingin sa kanan at ililipat naman sa kaliwa.

"Sa Cafeteria muna, hindi ako nakakain ng maayos sa bahay kaninang umaga e. Nagmamadali kase si Kuyang umalis, hindi naman siya player."

"Tara, nagugutom na rin ako." pumunta kami sa Cafeteria nila at medyo malaki at maganda naman. Kumpleto ang mga pagkain.

Kumain muna kami ni Zabeth bago napagpasyahang mag-ikot-ikot. Malaki naman ang school na ito kaya malilibang ka talaga sa mga makikita mo. Ganon naman talaga ata, kapag may bago kang nakita, mamamangha yung mga mata natin diba?

You Are My Amethyst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon