CHAPTER 2

23 9 0
                                    


Tinatamad akong bumangon pero dahil may narinig akong kanta ay agad akong napabangon.

'Nunkkochi tteoreojyeoyo

Tto jogeumsshik meoreojyeoyo

Bogo shipda (bogo shipda)~'

"Good morning!" bati ni kuya. Inagaw ko sa kanya ang speaker at dumiretso na sa Bathroom. Ang aga-aga nanggugulo.

Army ako, bias ko si Suga. Maraming nagsasabi sa akin na tigil-tigilan ko ang pakikinig sa kanila pero wala akong pinakinggan at sinunod sa kanila. Gumayak at kumain lang ako ng breakfast at pumasok na sa school.

"BTS na naman" bulong ng katabi ko kaya agad akong napairap.

Wala silang pake kung puro BTS ako, may kanya-kanya tayong idolo na sinusupport.

"Wala kang pake" 'yan na lang ang lagi kong sinasagot sa kanila.

Umalis siya at pumunta sa mga lalaking naglalaro ng online games. Mabuti pa nga.

"Zarielle naiintindihan mo ba 'yan?" Sabi ng kaklase kong napadaan lang sa upuan ko.

"Yep, uso naman ang translation"   kaya nga may google at apps, meron din sa youtube. Nasa bundok ba para hindi malaman ang English translation???

Nakakatatlong songs pa lang ako ay may umepal na naman. Wala pa kaseng teacher kaya magulo pa.

"K-pop k-pop na naman" ano bang problema sa k-pop!?

May kanya kanya tayong taste sa music, pwede naman natin na irespeto yung iba diba? Bakit naman kwekwestyunin pa? Hindi ko sila pianpakelaman sa gusto nila, nirerespeto ko sila pero bakit hindi ganon ang ginagawa nila sa akin?

"Ano yung mga bagay na gusto niyo or mahal niyong gawin?" Tanong ng teacher namin.

"I love playing basketball ma'am" sagot ng katabi ko.

"Why?" our teacher asked.

"Dahil iyon po ang nagpapasaya sa akin at iyon po ang madalas kong gawin"

Pagkatapos niya ay wala nang sumagot kaya naggbigay ng example si Ma'am "For example, reading, watching, listening to K-pop songs—"

"Si Zarielle"
"Zarielle pooo"

Sigaw ng karamihan at tumingin sa akin, syempre kasama ang katabi ko. Ngumiti ako kay ma'am at tumayo.

"Ma'am I'll explain myself po" tumayo ako at inayos ang damit.

"Go on"

"I love listening to BTS and other K-pop songs Ma'am. Yes ibang language iyon pero hindi po hadlang ang language para makipagcommunicate sa iba diba? Siguro para sa inyo walang meaning ang kanta nila kase hindi niyo naiintindihan pero sa akin meron, marami. Kapag masaya ako, makikinig ako sa kanta nila na mas lalong makakapagpasaya sa akin. Kapag naman kinikilig ako, makikinig din ako sa songs nila na makakapagpakilig lalo sa akin. Kapag malungkot ako makikinig lang ako sa kanila at napapanatag na ang loob ko. And sila ang nagiging sandalan ko sa mga oras na wala na akong mapagsabihan" tumahimik sila pati ang teacher ko. Hindi ko alam kung tama ba ang pinagsasasabi ko pero iyon yung nararamdaman ko na kailangan kong sabihin.

Kung walang naglakas ng loob na sundan ang sagot ko eh baka  naubos ang oras dahil sa katahimikan. Hindi ko babawiin ang mga sinabi ko bahala sila kung hindi sila maniniwala pero nagsasabi ako ng totoo. BTS is my comfort zone.

Bumaling ako sa katabi ko na ang tahimik. Hindi ata ako ginugulo pero okay na siguro 'yon.

"Seryoso ka ba sa sinabi mo kanina?" He asked. Akala ko hindi na manggugulo.

You Are My Amethyst (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora