CHAPTER 26

14 6 0
                                    


Grabe ang bilis ng bakasyon parang 5 minutes lang lahat ng nangyari. Sa Wednesday kami magpeperform, jusme cleaners din kami sa araw na 'yon! Nakakapagod yung araw na iyon panigurado. Pinaalala rin ng mga teachers na malapit na daw ang JS prom. Hindi naman ako makakasama don ih kaya sabi ko humanap na lang ng ibang partner si Caliber pero ayaw daw niya. Pinilit ko lang kase syemre magandang experience rin iyon para sa kanya.

"Hoy Elizabeth Perez 'wag ka dito nag-uusap kami" kabilang grupo kase si Zabeth tapos tumatabi sa akin. Hindi naman labanan iyon pero graded kase kaya kailangan namin magseryoso.

"Hindi ako spy! Tsaka tapos na kami mag-usap-usap no!" tumayo siya at nagflip hair, lakas talaga ng amats ng babae na 'to.

"So ayon nga kailangan maayos na yung mga costume niyo at kabisado na ang script. Ikaw Diver! Subukan mong magpatawa habang nagpeperform malilintikan ka sakin" lagi kaseng nagpapatawa si Diver kapag nagpre-present kami sa harapan. Seryoso pa naman ang teacher namin sa subject na ito, baka mamaya kapag hindi namin sineryoso bumagsak kami.

"Oo nga! Paulit-ulit. Pang isang daang beses mo na ata sinabi sa akin iyan" nakapabilog yung upuan namin, pinagamit kase ni Ma'am yung time niya para mag-usap-usap kung ano pa ang kailangan pag-usapan.

"Pwes! Gagawin kong isang libo" aso't pusa siguro sila nung past life nila.

"Osige away na lang ang gawin niyo ha, ubusin niyo ang oras" sabat ni Caliber, syempre katabi ko. Hindi nagpalit ng seating arrangement buong taon eh.

"Parang hindi kayo nag-aaway dati ni Zarielle. Eh halos maglabas na kayo ng scandal ng isa't isa para masira ang reputasyon eh" natigil kaming dalawa ni Caliber dahil sa narinig.

"Wait—ba't ganyan itsura niyo? M-May scandal kayo?" nanlaki ang mata ni Mhill at tinakpan ang bibig.

"Wala!" sabay naming sabi ni Caliber. Well, ako wala talaga pero silang dalawa ni Allie may sex video.

"Ahh akala ko naman. Pero bakit ganyan itsura niyo?" tanong ni Diver.

"Tama na nga 'yan, magplano na tayo." sabat ni Wrey, hulog ka ng langit! Nagpatuloy na kami sa pag-uusap.

***

"Ma'am si Diver po hindi naglilinis" sumbong ni Miraki kay Ms. Villanueva habang nakatayo sa harap.

Kakapasok lang ni Ma'am para silipin kung naglilinis ba talaga ang mga cleaners at magbilin.

"Ma'am 'wag kayo maniwala sa kanya. May hawak mo akong walis" tinaas niya ang tambo at ipinakita kay Ma'am, "Siya po ang hindi naglilinis, mas kapanipaniwala po ako kase may hawak ako eh siya nakatayo lang"

Galing talaga magpalusot ni Diver. Hindi naman talaga siya naglilinis pero may hawak siya tambo incase na biglang dumating si Ma'am. Si Miraki naman kanina pa siya naglilinis at binalik lang ang dustpan kaya wala na siyang hawak ngayon.

"Ma'am! Kakatapos ko lang po magtapon ng nasa dustpan" pagpapaliwanag niya kay Ma'am.

Tumawa lang si Ma'am at umalis na rin agad, nagbilin lang siya na isarado daw ang pinto kapag tapos na kami. Pagkalabas na pagkalabas ni Ma'am ay hinabol ni Miraki si Diver. Nung una tumakbo si Diver pero huminto ay siya naman ang humabol kay Miraki, tumakbo si Miraki kase may dala-dalang tambo si Diver.

"Ayieeeee"
"Ganyan din dati sila lolo at lola eh"

"Anong ayiee kadiri kaya!" sigaw ni Diver.

"Dyan kayo magaling pero kanina nung nagpeperform tayo hindi niyo nilakasan ang boses niyo. Hindi tuloy tayo ang may pinakamataas na score!" group 1 ang may pinakamataas na score, ang galing kase nila. Ang dami nilang props tas ang gaganda pa!

Hindi na lang namin pinansin ang dalawa at nagpatuloy sa paglilinis. Medyo madumi dahil kanina ay may kung ano-anong props ang ginamit at may mga punit-punit na papel. May pa confetti pa ang iba kaya nahirapan kami maglinis. Buti na lang at medyo madami kami kaya napabilis ang paglilinis.

"Ang mahuli siya ang magla-lock ng classroom" matapos sabihin ni Miraki iyon ay nagtakbuhan sila sa labas.

Tatakbo rin sana ako kaso naramdaman ko ang pagsakit ng likod ko kaya naglakad na lang ako.

"Tara na, takbo na tayo bilis!" hinatak ako sa kamay ni Caliber pero umaray ako kaya napatingin siya.

"Okay ka lang? Saan ang masakit? Anong nangyari?" ang daming tanong.

"Okay lang, ayoko lang tumakbo" palusot ko kahit nararamdaman ko yung sakit na gumuguhit sa likod ko.

"Ako na lang magsasaea ng room" kaming dalawa na kase ang nahuli. Kabibilis tumakbo ng mga kasama namin.

Matapos niyang i-lock ang pinto ay dumiretso na kami sa kotse niya. Hatid sundo na niya ako ngayon, kasabay kase ni Kuya si Zabeth lagi! Magiging third wheel ako do'n.

Naging tahimik ang buong byahe, alam niyo na ayoko talagang nagsasalita kapag may nararamdaman ako. Nagpatugtog na lang si Caliber para may ingay kahit konti. Nang makarating kami sa bahay tinanong niya kung ayos lang daw ba ako.

"Ayos na ayos medyo napagod lang. Ingat sa pagmamaneho" kumaway ako sa kanya at isinarado ang pinto ng kotse niya.

Inamtay ko munang mawala sa paningin ko ang kotse niya bago pumasok sa loob.

Umakyat agad ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Ginawa ko muna ang mga assignments ko at nahiga na sa kama. Gigisingin naman ako ni Mommy kapag kakain na ng dinner.

Akala ko hindi ako makakatulog ng maayos pero napahimbing pala ang tulog ko. Nagising lang ako ng sinasampal-sampal na ako ni Kuya...epal.

"Kain na daw" sabi niya. Tinry kong tumayo pero naramdaman ko ang sobrang sakit. Bakit parang grabe naman ang sakit ngayon?

"Ayoko...wala akong gana" pagsisinungaling ko. Shems, hindi ako makatayo napakasakit kase talaga.

"Tara na kase" kinuha niya ang dalawang kamay ko patayo at hinatak ng mabilisan. Tumulo ang luha ko dahil sa ginawa niya, "Hala anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"

Hindi ko na napigilan kaya sinabi ko na ang totoo, "Yung likod ko Kuya sumasakit"

Tinawag niya si Mommy at Daddy pumunta naman agad sila. Sinabi ko yung nangyari buong araw at kung kelan nagsimula ang sakit. Sinubuan na lang ako ni Kuya kase hindi ako makapunta sa dining.

"Anak, magpapacheck up tayo sa linggo. Naiintindihan mo ba?"

"Pe—"

"Huwag ka ng magsalita. Magpapa-check up tayp sa ayaw at sa gusto mo" sabi ni Mommy. Tumango na lang ako.

Inayos ni Mommy ang kumot ko at hinalikan ang noo ko.

"Matulog ka na ha, goodnight"

You Are My Amethyst (Completed)Where stories live. Discover now