CHAPTER 17

13 6 0
                                    


"I can't call you mine because plagiarism is a crime"

"Awwwww ba't naman ganon? Ang lungkot naman ng story. Broken ka ba dzai?" ang daldal talaga si Zabeth. Well, wala ng bago do'n.

"Oo nga eh masakit naman talaga. Sabi sa kwento, kailangan natin magbigay ng credits sa lahat ng mga bagay na hindi atin tapos si Ivan hindi para kay Sasha"

Kumakain kami ngayon ng siomai, recess namin. One shot story lang yung nabasa ko at hindi ako pinatulog ng kwento na yun kagabi kaya hindi pwedeng ako lang ang malulungkot sa kwento kaya kinwento ko kay Zabeth, oh diba pareho na kaming namomoblema!

"Awit talaga!" sinubo niya yung isang buong siomai at agad din naman niyang niluwa.

"Kadiri ka naman Elizabeth!"

"Eh paano magagawa ko? Ang init kaya! Napaso dila ko." nagkibit balikat na lamang ako, oo nga naman. Masakit sa dila yon.

"Friday ngayon, pede ako mag-overnight sa inyo" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Aba! Parang may pinahihiwatig ang loka.

"So?..."

"Pwede ako! Nagpaalam na rin ako kay Daddy." tiningnan ko siya at nakangiti siya tapos yung mukha niya parang please-pumayag-ka-na look.

"May mali, alam ko. Zabeth bakit? Ano? I mean ikaw pa ang nagsusuggest" may sikreto ang babae na 'to. Bakit gusto niyang matulog sa amin?

"Ano...a-ano kase...hindi ba pwedeng gusto lang kitang katabi matulog?"

"Asus! Sabihin mo may crush ka kay Zamuel!" nanlaki ang mata niya, aha! Tama nga ang hinala ko.

"Hoy! H-Hindi ah—"

"Tinatanggi mo pa!" pinaulit-ulit kong itinaas baba ang aking kilay at inaasar siya.

Sa lahat ba naman ng magiging crush ng kaibigan ko si Zamuel pa. Pwe! Kadiri naman, ang panget ng taste ni Zabeth.

"Zabeth, panget si Zamuel, tamad din yon, masama ang ugali—"

"Huwag mo ngang siraan yung tao" nakasibangot na siya ngayon pfft.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat, "Zabeth, ayoko maging kayo ni Zamuel. Ayaw ko na ikaw ang girlfriend ni kuya, oo gwapo yung panget na yon—"

"Ha?"

"Wala wala, basta mabait si Zamuel pero ayaw ko talaga siya para sayo. Masasaktan ka lang at ayaw kong masaktan ka"

"How sweet of you pero paano magagawa ko? Crush ko na ih pero trust me Zarielle, hanggang crush lang."

"Ewan ko sayo, tara na mauubos ma oras natin"

"Cal! Saan punta mo?!" napatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng boses ni Zabeth. Parang sa tapat ko ng tenga sumigaw eh.

"Practice! Malapit na cluster meet"

"Ay oo nga no! Parang kahapon intrams lang ta's ngayon cluster na, ang bilis ng panahon." tumango lang si Zabeth sa sinabi ko.

Bumalik na kami sa room at hinintay na matapos ang klase. Balak namin ni Zabeth na manood ng practice para naman kunwari support kami.

"Cleaners pala tayo!" officer ako at cleaners kami kapag friday.

"Ikaw lang hindi ako belong" humalakhak siya. "Sige hintayin kita sa labas"

Tamang usog lang ako ng upuan, walis-walis ng konti, erase ng blackboard and magsarado ng bintana. Basta may nagawa ako, okay na yon kaysa tumakas diba?

"Halika na?" tanong ko kay Zabeth.

"Oy sa inyo ako matutulog ah"

Please don't do that look—ugh! Wala na, nag-pout na siya.

You Are My Amethyst (Completed)Where stories live. Discover now