CHAPTER 4

19 7 1
                                    


Ilang linggo ang lumipas, paulit ulit lang ang nangyayari. Pasok sa school, away with Caliber, uwi ng bahay. Wala na bang bago? Yun at yun pa rin? Medyo nakakasawa ah.

"Kanino 'yan? Ang baduy. Hindi ka naman mahilig sa chocolates ah, sa flowers okay pa pero hindi sunflower ang favorite mo." Hinawi niya ang isang bouquet ng flowers at yung chocolate na pinatong ko sa lamesa. Lakas ng loob ah! Nakakabwiset, ano na naman ang ikinagagalit mo!

"What's your problem, huh!?" pupulutin ko na sana ang flowers and chocolates kaso inapakan niya. Nakakainis!

"I hate you!" tinulak ko siya at lumabas ng room. Wala na akong pake kung sino ang maglinis non, bahala siya. Nananahimik ako tapos manggugulo siya, aba sumusobra na! Sh*t may naalala ako. Hindi akin iyon!

Paano na? Hindi sa akin ang flowers and bouquet na iyon! Sa nililigawan ni kuya 'yon, anong gagawin ko? Sabi kase niya sa akin daw muna, ibigay ko daw pagkatapos ng lunch. Ano na ang ibibigay ni kuya? Alam kong hindi siya magagalit pero alam kong malulungkot 'yon.

Kuya Zamuel sorry.

Pumunta ako sa CR para makapaghilamos, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kay Kuya ang nangyari. Pumasok ako sa CR at pumunta sa lababo at naghilamos. Lumakad ako papuntang kanan para makakuha ng tissue na ipangpupunas sa mukha ko. Napahinto ako ng may naapakan akong bagay. Pinulot ko iyon at isang flashdrive. Kanino kaya ito? Mamaya titingnan ko ang nakalagay baka may name sa loob at maibalik. May problema pa din ako huhubels.

"Kuya...kase...ano..."

"Ha?" Sagot ni kuya.

Nasa likod ang pareho kong kamay at magkahawak, kinakabahan din ako. Ang likot din ng buong katawan ko, hindi ako mapakali.

"Ano kase kuya, yung...y-yung c-chocolate kinain ko kase nagutom ako k-kanina. Tapos yung f-flowers naihampas ko sa katabi ko kaya n-nasira." Yumuko ako. "I'm sorry kuya"

Kailangan pa na magsinungaling ako para sa kaepalan na ginawa ni Caliber.

"It's fine, absent din naman siya eh" alam kong hindi siya absent, pinapagaan niya lang ang loob ko. Ngumiti siya kaya ngumiti din ako, gusto niya na gumaan ang pakiramdam ko kaya iyon ang gagawin ko. Umalis na siya sa harapan ko kaya bumalik na din ako sa room, tapos na din naman na ako kumain ng lunch.

"Ano ang gagawin mo kapag may kasamang iba ang mahal mo?" tanong ng teacher namin. Nagtaas agad ng kamay ang katabi ko para siya ang sumagot sa tanong.

"Magseselos po ma'am" sagot nya.

"Please elaborate your answer Caliber" si Ma'am.

"Kapag nakita mo na may kasama ng iba ang mahal mo magseselos tayo diba? Kase kapag nagselos, it means may pagmamahal ka—" tumayo ako.

"Ma'am kung mahal mo ang isang tao normal ang magselos pero hindi sa punto na kahit may kausap lang na iba ay pagseselosan na." this is my revenge for you tukmol.

"Pero kase Ma'am nakakaselos naman kase talaga. Paano kapag yung kausap niya ay nakuha ang attention ng babaeng mahal ko, sa attention kase nagsisimula ang lahat. Simpleng pag-uusap pwedeng maging iba ang kalabasan sa dulo"

"Wala naman sinabi si ma'am na nag-usap ah? Ang sinabi may kasamang iba, meaning hindi specific kung sino ang kasama, kung ilan ang kasama at ano ang gender ng kasama." hindi siya nakapagsalita kaya dinagdagan ko ang sinabi ko.

"Mahalaga ang pagtitiwala sa isang relationship, anong magagawa ng pagmamahal kung wala na ang tiwala niya sayo? Hindi lang naman ang pagmamahal ang rason kung bakit nagseselos ang isang tao, pwede ding wala siyang tiwala sa sarili niya or wala siyang tiwala sa pagmamahal ng kapartner niya. Kung mahal ka talaga ng isang tao, hindi ka niya ipagpapalit kahit kanino"

You Are My Amethyst (Completed)Where stories live. Discover now