CHAPTER 21

14 6 0
                                    

Akala namin makakauwi na kami kase gabi na pero hindi pa pala. Nasiraan kami at dahil gabi na raw, bukas na lang daw ayusin at bukas na rin bumyahe.

Nagtipa ako ng mensahe para malaman ni Mommy na hindi kami makakauwi ngayon.

Zarielle:

Mommy nasira yung bus and bukas na lang daw kami babalik. Mag-o-overnight kami rito.


Mommy:

Ah oo nga rw sbi ng Kuya mo. Hinhnp ka rw nya, sa kanya ka rw tumbi kpg matutulog.

Inilibot ko ang paningin ko at halos lahat nga ay nag-aayos na ng mahihigaan. Buti na lang at may mga tent na nakalagay sa bus kaya iyon ang nagamit ng iba. Kaunti lang iyon kaya nasa loob ng bus matulog ang iba tapos yung iba naman gusto daw nila sa labas matulog, inilatag na lang nila kung ano ang pedeng ilatag. Buti na lang katabi ng museum ay isang parang park? May mga iba't ibang klase raw ng airplane dito pero yung maliliit lang, pang attraction daw ganon. Dahil gabi na, hindi namin maaninag ng maayos ang mga sasakyang panghimpapawid.

Zarielle: okay mommy, hanapin ko si Kuya. Iloveyou! Goodnight.

Mommy: take care, iloveyoutoo honey, goodnight.

"Zabeth" nakatayo lang din siya sa gilid ko at hindi alam kung saan matutulog.

"Hmm?"

"Wanna sleep beside me? Tabihan mo na rin si Kuya!" great idea self!

"Tara lapitan natin!" nagulat ako kase hinatak niya ako papunta sa kaliwa. All this time alam pala niya kung nasaan si Zamuel! Stalker heh!

But at least hindi na ako mapapagod maghanap.

Lumapit kami kay Zamuel at may nakalatag na, aba kung sinuswerte ka nga naman.

"Kuya!" tumalon ako sa telang nakalatag at huli na ng mapagtanto kong hindi nga pala iyon kama.

"Ano? Ayan kaharutan mo" bumagsak ako, ang sakit sa pwet!

"Makikitulog po" sabi ni Zabeth. Papansin...

"Sure" tanging nasabi ni Kuya.

"Saan mo pala ito nakuha Zamuel?" Aba! Zamuel lang ang tawag!

"Kumot ko 'yan" tumango lang si Zabeth.

Ganon talaga si Zamuel, lagi siyang may dalang kumot kapag bumabyahe kase minsan nilalamig siya sa van, hindi rin siya sanay matulog ng walang kumot kaya kailangan niya ng kumot kapag matutulog siya sa byahe.

Nakagitna ako sa kanilang dalawa kase ayaw raw ni Zabeth na katabi si Kuya, malikot siya matulog baka raw masipa niya or worse mayakap niya, awit.

"Kaninong tyan 'yon?" curious na tanong ni Zabeth. Shems! Alam ni Lord kung gaano ako kagutom na gutom ngayon.

"Not mine" sagot ni Zamuel.

"It's mine" hinawakan ko ang tyan ko at tinapik-tapik iyon. "Kawawa naman ako walang makain. Naubos ko yung pagkain na pinadala ni Mommy. Buti pa kayong dalawa nakakain ng burger kanina"

Bumili sila ng burger kanina tapis hindi ako humingi kaya ngayon gutom ako. Hindi naman madalas kumakain si Zamuel sa gabi, ganon din si Zabeth, diet daw siya.

"Ang arte mo!" singhal ni Zabeth.

"Here, may natira akong sandwich. Pasamalat ka panget!" ayaw niyang ibigay sa akin ang sandwich kase hindi pa raw ako nagsasabi ng thank you.

"Okay! Thank you panget" akmang kukuhanin ko na sa kamay niya ng inilayo pa niya iyon.

"Bakit may panget? Ikaw na lang ang manghihingi may insulto pa" umiling-iling siya na parang disappointed.

You Are My Amethyst (Completed)Where stories live. Discover now