CHAPTER 12

9 6 0
                                    

"BOO!"
"'WAG YAN MASAMA UGALI!"
"OO NGA WALANG AWA"
"NANAKIT NG HAYOP!"

Sigaw ng mga tao matapos akong koronahan bilang Ms. Intrams. Napakasakit, nanalo ako pero parang hindi. Hindi ako masaya iyon ang alam ko. Nakakababa ng sarili. Hindi ko alam kung kanino ako kakapit, hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong. Nakakahiya ang nagyayari ngayon.

"Ano yung sinasabi nila sayo?" sabi ng Ms. Intrams na nagkorona sa akin.

"Pwede po ba akong makahiram ng mic?" binigay nila sa akin iyon at naririnig ko pa rin ang patuloy na sigaw ng mga tao.

"First of all, hindi ko po gusto na s-sumali sa contest na ito. H-Hindi ko rin po magagawa ang isang bagay kung wala akong d-dahilan" pumipiyok ang boses ko. Hindi pa rin sila tumahimik at puro masasakit na salita ang lumalabas sa kanilang bibig kaya naiyak na ako. Lumuha na ako kase hindi ko na kaya.

Kapag pagod ka na, maluluha ka na lang diba? Kase ganyan ako. Pagod na pagod na akong ibaba ang pride ko, pagod na pagod na akong sirain ng iba ang dignidad ko. Pagod na akong manahimik at hindi maipaliwanag ang side ko.

"M-May...may a-allergy po ako sa balahibo ng p-pusa at ng iba pang hayop. Nagulat l-lang naman ako sa g-ginawa ni Kuya kaya ko n-nasaktan ang p-pusa. N-Nagkataon lang din na...na ang nakita n-niyo sa video ay putol. Nagjojogging kami ni K-Kuya that time...na-ospital ako matapos ang n-nangyari dahil nahimatay ako. H-Huwag...'wag niyo naman ako husgahan ng bigla-bigla" ipinasa ko ang mic sa katabi ko, hindi ko alam kung sino iyon pero binigay ko pa rin.

Hindi ko na kinaya ang bigat, ang lungkot, ang awa sa sarili ko. Masyado na akong expose na tao, marami na ang attention na nakuha ko.

Hindi ganitong atensyon ang gusto ko...

Bumaba ako sa stage habang umiiyak. Ibinaba ko ang bouquet na ibinigay sa akin at hinawakan ang aking gown para makapunta sa likod ng building. Tumakbo ako at halos madapa na.Nang nakarating ako roon, narinig ko na may nag-uusap.

"Tss Nag-away si Caliber and Zarielle kase ipinakalat ko na drug addict ang daddy ni Caliber at sinisi niya si Zarielle. Kawawang Zarielle. Nawala pa kase ang flashdrive ko ayan tuloy nadamay pa siya" natulala ako sa mga nalaman ko.

Siya ang may pakana ng lahat ng ito! Napakasama mong babae ka! Hindi niya alam kung gaano ako nasaktan sa ginawa niya, napakasakit no'n. Sobra sobra walang kapantay.

"I-Ikaw ang—" naputol ang sasabihin ko dahil may nagsalita mula sa likod ko.

"Allie, ikaw ang gumawa?!" Tiningnan ko si Caliber na ngayon ay nagagalit na.

"C-Caliber" tumingin siya kay Caliber at sa akin. "H-hindi ah!"

"Huling-huli ka na, nagsisinungaling ka pa" umalis ako roon at iniwan sila.

Hindi ko na kaya bahala na kayo, pati ako nadadamay sa mga kagaguhan niyo. Napakasakit na, parang naninikip yung dibdib ko. Alam niyo yung feeling na hindi ka makahinga kase hindi mo mailabas yung hikbi mo. Yung feeling na pinipigilan mo yung sarili mo na umiyak kaya ang sakit sa lalamunan at sa dibdib. Ang bigat bigat, parang mas malala pa sa hindi makahinga. Malala pa sa mga pisikal na sakit. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag ang sakit basta ang alam ko nasasaktan ako.

Lumapit ako sa malaking puno kung saan ako nagdrawing nung nakaraan.

"Zarielle" sinundan pala ako ni Caliber.

"Bakit?" tanong ko na parang hindi nasaktan sa nangyayari.

"Sorry" sabi niya at yumuko.

"Sige, pinapatawad na kita" pinunasan ko ang mga luha pero patuloy pa rin iyon sa pagpatak. Hindi ko mapigilan, kahit ilang tissue o ilang panyo, walang makakapagpatigil sa sakit.

"P-Pakinggan mo ako, I'm sorry. Akala ko ikaw iyon. Sorry sa ginawa ko, hindi ko a-alam" hinawakan niya ang kamay ko pero inalis ko ang kamay niya.

"Ganon na lang ba kadali iyon para sayo Caliber?...ha?" Malumanay kong sabi, hindi ko kase kayang magsalita habang umiiyak ako. Hindi ko kayang sumigaw. Hindi ko kayang magalit ng sobra sa kanya.

"S-Sorry—"

"Nakakainis ka, s-sabi mo hindi mo ko kayang s-saktan, hindi mo kayang m-magalit sa akin pero nagulat na lang ako...k-kilala na ako ng buong c-campus. Caliber...nasa akin yung flashdrive na sinasabi nung Allie" nasa kamay ko iyon kanina pa, nakasabit sa bracelet na may number 10 na nakalagay.

Kinuha ko ang kamay niya at inilagay ko iyon sa palad niya.

"M-Matagal nang nasa akin iyan. G-Galit ako sa ginawa mo pero h-hindi kita kayang i-ipahiya sa iba. C-Caliber, nasa akin iyan pero h-hindi ko naisipan na ilabas o kahit ipakita sa i-iba"

"N-Nasa sa iyo?" Tanong niya na nagtataka.

"C-Caliber...nasaktan ako. Ang sakit sakit" yayakap sana siya sa akin pero lumayo ako.

"Sorry kase hindi ako naniwala sayo. Patawarin mo ako Zarielle kung naghiganti ako. Kung hindi ko natupad ang sinabi ko sayo. Pinagsisisihan ko, magalit ka sa akin, sigawan mo ako. Saktan mo ako okay lang. Deserve ko iyon Zarielle. Napakagago ko—"

"Ang gago mo talaga"

"Sorry, saktan mo ako kung gusto mo—"

"Alis, u-umalis ka muna. G-Gusto kong mapag-isa. A-Ayoko muna ng ingay...M-Masyadong mabilis ang p-pangyayari, hindi ako m-makasabay, h-hindi makaya ng utak ko. Hindi makaya ng puso ko. Caliber hayaan m-mo muna akong mapag-isa k-kahit...k-kahit ngayon lang. Isipin n-niyo naman yung k-kapakanan ko, y-yung feelings ko...Kase n-nadadamay ako sa m-mga ginagawa niyo. K-Kung talagang sincere k-ka sa sorry mo, a-ayusin mo iyan. P-Pakibalik yung d-dati kong pamumuhay. Please Caliber..."

"Yung i-ikaw lang ang kaaway ko h-hindi lahat. Y-Yung simpleng babae lang ako at h-hindi p-pinapansin ng tao k-kase kung hindi maibabalik iyon, b-baka...baka mabaliw ako...baka hindi ko kayanin at magpakamatay ako—"

"Huwag ka naman magsalita ng ganyan" nakikita ko ang sakit sa mga mata niya. Hindi ko alam kung ano or saan or paanong paraan siya nasasaktan pero ang alam ko mas masakit yung nararamdaman ko.

"K-Kaya nga ibalik mo y-yung dati...Tulungan mo ako...t-tulungan mo akong bumango tutal ikaw naman ang g-gumawa nito. Diba?" Tumango siya at tumalikod. Nilagay niya ang kamay niya sa mata niya, alam kong naiiyak na rin siya.

"Bakit ka tumatalikod? Kase ayaw mong makita ko na umiiyak ka? C-Caliber...pareho tayong n-nasasaktan, alam kong kailangan mo ng space. U-Umalis ka na muna at humanap ng taong sasandalan mo—"

"Ikaw lang ang masasandalan ko" humarap siya sa akin. "I-Ikaw lang Zarielle"

"G-Ganon ba?...ppasensya kka na, sirang-sira rin ako ngayon at...at hindi kita madadamayan. Alam kong k-kaya mo ang sarili mo...ganon din ako. Sa oras na tulad nito...s-sarili lang natin ang kakampi natin kaya iwan mo na ako rito at humanap ka ng bagong s-safe place mo. Sorry kase wasak ako, s-sorry kung wala kang masandalan. T-Tanggapin mo sana kase...k-kase ikaw rin naman ang sumira sa akin"

You Are My Amethyst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon