3 - APPLY

962 38 1
                                    

"K-kael ..."

"Mahal ko si Xash, Rei. Mahal na mahal."

"P-paano ako? M-mahal din naman kita."

Hindi ko mapigilan mapahagulgol dahil sa sobrang sakit. Nasa kasal ako ni Semi pero bakit kailangan umiyak pa ako?

"Rei. Stop you're feelings for me. Mahal ko si Xash at ayokong masira kami dalawa ng dahil sayo."

"K-kael ... Please ... K-kaya naman kitang patawarin sa panloloko mo sa akin p-please huwag mo naman akong iwan."

"Rei, please—"

"I beg you Kael. Mahal na mahal kita."

"Hindi kita mahal Rei."

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita.

"H-hindi ako n-naniniwala Kael. Alam kong mahal mo ako .."

"Baby? Who's that?"

Bigla ko narinig ang boses ni Xash sa kabilang linya.

"A-ah .. Uhm ... My friend."

Tinakpan ko ang bunganga ko para hindi lumalakas ang hagulgol ko. Ayokong may makarinig.

"S-stop ... Uhm ... Xash."

Kinagat ko ang mga labi ko dahil biglang nag flashback sa akin ang kahayupan nila dalawa nang makita ko sila sa condo ni Kael.

Biglang nawala sa kabilang linya kaya hindi ko napigilan ang sarili kona bumuhos ang mga luha ko.

"Tsk. Katulad ng sinabi ko sayo Rei. Hindi mo siya deserve para sayo."

"Pero..."

"Alam kong nahihirapan ka. Ipagdasal mo nalang na paggising mo ay mawala na ang sakit ng nararamdaman mo ngayon."

Hindi makapag salita si Rei dahil sa advise sa kaniya ni Cyriz.

"Si Kael yun, Kael Vallerianz ngunit hindi lang siya ang lalaki dito Rei. Malay mo nakakasalubong mo rin naman pala ang lalaking para sayo pero hindi si Kael. Maganda ka at gwapo si Kael pero sinayang ka ni Kael. Sinayang ka niya."

Napayuko si Rei at iinom na siya ng alak na bawiin ni Cyriz iyon.

"Huwag kang iinom ng alak ng ikaw lang mag isang uuwi. Kung balak mong maglasing siguraduhin mong may kasama kang umuwi. Atsaka ayoko din na maglasing ka baka may mambastos sayo dito o sa labas na wala ako."

"Salamat Cyriz."

"Don't mention it." Tinignan ni Cyriz sa mata si Rei "Masayahin kang tao pero bakit kinaya mong itago ang sakit ng nararamdaman mo habang kasama sila Semi?"

"D-dahil ayokong isipin nila Semi na nagdra-drama ako."

"Tsk. Tsk. Tsk. Masasabi ko nalang na mag artista ka nalang."

Ngumiti ng kaunti si Rei sa kaniya.

"Well, welcome back." Si Cyriz "May balak ka bang magtrabaho?"

Tumango si Rei "Babalik ako kay Sir Grey."

"I see. Naghahanap yun ng bagong sekretarya. Kapag nalaman niyang babalik ka ay kukunin ka niya agad."

"Parehas talaga kayo ni Semi sa mga sinasabi ninyo."

"Tsk. Naawaan na ako ni Semi." Sabay ngumisi

"Sabagay" saka tumayo si Rei "Buti nalang hindi ako nalasing. Kailangan kona umuwi para makapag apply ako ng maaga bukas kay Sir Grey."

Tumango si Cyriz saka tumayo "Mag iingat ka."

Tumango si Rei "Salamat sa advise mo."

"Tsk. Osige na, baka abutin ka ng umaga."


KINAUMAGAHAN ay nagpunta si Rei sa kompanya ni Grey Martinez. Kailangan niya ng trabaho.

Pinilit ni Rei na mawala sa isip niya si Kael pero hindi parin niya ito maiaalis sa isip niya. Masakit man ngunit kailangan niyang tanggapin na wala na siyang pag asa kay Kael.

"Hoy gaga! Welcome back!"

Salubong sa kaniya ni Phoebe na katrabaho niya noon kasama si Semi.

Ngumiti si Rei sa kaniya "Thank you! Nandyan ba si Sir?"

Tumango si Phoebe "Mainitin ang ulo minsan—Wait! Mag a-apply ka ulit?!"

Tumango si Rei "Oo."

"Asusss! Tamang tama! Pumunta kana sa office ni Sir!"

Tumango si Rei at nagpaalam na siya kay Phoebe. Si Phoebe ang isa sa mga pinaka close niya.

Pagdating ni Rei sa opisina ni Grey ay nag katok mona siya saka narinig niya ang boses ni Grey.

"Pasok."

Dahan-dahan binuksan ni Rei iyon at nakita niya si Grey na nagbabasa sa papel ngunit hindi siya nag angat ng tingin sa kaniya.

"Who are you? What do you want?"

Huminga muna nang malalim si Rei "Good morning Sir. Nandito po ako para mag apply ulit bilang sekretarya."

Natigilan si Grey sa pagbabasa. Napalunok si Rei na biglang nag angat ng tingin sa kaniya si Grey. Walang kareaksyon ang mukha at hindi niya mabasa kung ano ang iniisip niya.

"H-hi!"

"Rei Ytalia?"

Tumango si Rei "A-ako nga po."

Sumandal si Grey at tinignan niya ang kabuuan ni Rei.

"Sexy."






TO BE CONTINUED
READ AT YOUR OWN RISK.

Barb Series 3: Hold Onto Love (COMPLETD)Where stories live. Discover now