20 - SWEETHEART

701 27 0
                                    

NAKALIPAS ng ilang linggo nang pagsasama nila Rei at Grey. Halos mag iisang buwan narin ang relasyon nila.

Next week na ang first monthsarry namin!!

Nakangiti si Rei habang nagtratrabaho. Hindi naman kayang ideny ni Rei sa sarili na halos gabi-gabi na may nangyayare sa kanilang dalawa.

"Sweetheart I miss you."

Sabi ni Grey kay Rei nang makapasok si Rei sa opisina nito. Niyakap ni Rei si Grey at niyakap pabalik ni Grey si Rei ng sobrang higpit na yakap.

"Namiss din kita sobra!"

"Damn..." Saka hinarap ni Grey ito "Gusto mo ba kumain tayo sa labas?"

Umiling si Rei "Sa Mansion mo. Doon na muna ako pwede?"

"Yes of course sweetheart! Kahit doon kana tumira!"

Nagulat si Rei "Naah! Loyal ako sa condo ko!" Nang aasar na sabi ni Rei "Atsaka lagi nalang tayo kumakain sa labas. Baka kung sino pa ang makakita sa atin tas sobrang sweet mo pa sa akin! Siguradong makahalata ang makakita!"

"I don't care. Bahala na kung sweet ako sayo. Mas magiging sweet pa ako sayo!"

"Ayiiiee! Ang puso ko Grey! Mukhang aatakihin ako nito ngayon!"

Biro ni Rei at sabay sila natawa. Hinalikan ni Grey si Rei at tinugon naman ni Rei.

Agad na humiwalay ang dalawa na may kumatok ka umupo ulit si Grey at naupo ng maayos si Rei.

"Come in." Sabi ni Grey

Bumukas iyon at nagulat silang dalawa na makita ang parating.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Grey sa kanila

"Bakit? Bawal ba kaming pumunta dito?" Puno ng sarkasmo na tanong nito

"Bakit nakakagulat naman ang pagpunta ninyo dito?" Si Rei "Akala ko ba Semi may trabaho ka? Ikaw din Cyriz dapat nandoon ka sa Bar mo."

"Kailangan pa pala namin ipaalam sa inyo na pupunta kami?" Sarcastic na tanong ni Semi "Tss! Sinamaan ko lang si Cyriz. Ano bang masama doon?"

"Wala akong sinabing masama! Yawa ka talaga!"

"Tss!"

Lumapit si Cyriz kay Grey at umupo saka inabot ang envelope sa kaniya.

"Pinapamigay ni Rafa. Yung balak ninyong patayuan ng maayos ang building na nasa Mall of Oxford"

"Thanks." Sabay tinanggap ni Grey ang envelope. "Bakit ikaw ang napag utusan ni Rafa? Himala."

"Tsk."

"Anyways, ako na magsasabi kani Rafa sa iba pa namin balak."

Tumango lang si Cyriz. Biglang lumapit si Semi kay Grey at tinignan ang kabuuan nito.

"Bakit may lipstick sa lips mo? May kahalikan kaba?"

Nanigas sa kinatatayuan si Rei ngunit hindi siya nagpahalata. Natigilan si Grey sa narinig niya ngunit hindi niya nagawang lingunin si Rei sa sinabi nito.

.... huwag mong hayaan na may magustuhan si Rei na iba.

.... huwag mong hayaan na may magustuhan si Rei na iba.

.... huwag mong hayaan na may magustuhan si Rei na iba.

Paulit-ulit nag chempo sa utak ni Grey ang sinabi na naman noon ni Semi sa kaniya.

Barb Series 3: Hold Onto Love (COMPLETD)Where stories live. Discover now