17 - LIKE

735 33 0
                                    


"Malilintikan talaga saken ang Kael nayan!!"

Galit na sabi ni Yhanna na pagkatapos ikwento ni Rei ang nangyare sa kanila.

"Yhanna, nanahimik na si Kael. Huwag kana magalit—"

"Sa tingin mo pababayaan ko nalang yan! Sinaktan ka ni Kael! Tapos yan Xash pa nayan?! Anong klaseng kaibigan yan!!?"

"Yhanna calm down." Si Raki

"Paano ako kakalma nito na sinaktan ni Kael si Rei?! Sabihin nyo nga! Paano ako kakalma nito?! Potangina!"

"Calm yourself Yhanna." Si Cyriz "Kay Rei nyo pa nalaman ang sitwasyon niya pero kay Kael ay hindi pa."

Natigilan sila pareho.

"Anong ibig mong sabihin Cy?" Si Hearty

"Balang araw malalaman nyo rin ang dahilan ni Kael. Huminahon ka muna Yhanna. Hindi mo pa nalalaman ang sitwasyon ni Kael sa ngayon."

Biglang kinakabahan si Rei. May possible na ikinakaba niya ang sinabi ni Cyriz sa kanila. Napatingin si Rei kay Semi.

"Tama si Cyriz. Ikalma mo ang sarili mo Yhanna at lalo na kayong dalawa. Kami pa lang ang nakakaalam ngunit balang araw malalaman nyo rin."

Natigilan sila. Habang tahimik ang nasa pagitan nila ay narinig nila ang sigaw ni Aeia.

"Mommy! Nandito na po sila Daddy!!"

Nagkatinginan sila Rei at si Semi ang unang tumayo. Wala na nagsalita sa kanila nang lumapit sa kanila sila Ryx.

Hindi lang si Ryx ang kasama niya kundi pati sila Rafa, Lucas , Axel at Ali.

Natigilan si Rei na makita niya si Grey. Nagtama ang mata nila at walang kareaksyon ang mukha ni Grey.

Napalunok si Rei dahil sa palihim na mga matalim na tingin ni Grey sa kaniya. Umiwas agad si Rei ng tingin dahil biglang tumingin si Semi sa kanilang dalawa.

"Natagalan kayo!" Si Raki saka hinalikan niya si Axel "How's your day hon?"

"Ayos lang." Saka nginitian nito ang asawa saka bumaling siya kay Semi "I miss you."

"Tch!" Si Ryx "May asawa ka Axel! Huwag mo naman idamay ang asawa ko! Baka gusto mong maging kabet?!"

Namilog ang mata ni Axel "Seriously?! Hanggang ngayon seloso ka parin?!" Saka mahina natawa si Axel "Baka nakakalimutan mong ako ang nauna sayo kay Semi!"

"At baka nakakalimutan mo rin na ako ang nauna kay Raki bago ikaw!"

"Enough!" Si Semi "Pati pa naman yan pinag aawayan ninyo?! Daig nyo pa ang mga bata! May mga asawa na kayo tangina!"

"Letcheng mga lalakeng to!" Si Raki "Maliit na bagay lang yan!"

"Ewan ko sa inyo!" Si Ali saka lumapit kay Yhanna "Hi baby."

"Hello baby."

Napaiwas si Rei dahil sa halikan ng dalawa saka lumapit si Lucas kay Hearty.

"Hey."

"Huwag mo ako ma-hey dyan!" Inis na sabi ni Hearty

"What?! Iniwan lang kita dito tas ganyan na ang inaasta mo sa akin?!"

"Eh bakit sinisigawan mo ako ha?!?!"

"Sinisigawan mo rin ako!"

"Kingina naman." Si Cyriz na nasa tabi ni Hearty "Kung may balak kayong mag away dito. Umalis kayo sa harapan ko. Kung balak ninyo dalawa mag harutan. Umalis kayo dito. Naiirita ako sa karupukan ninyo dalawa. Tsk!"

Barb Series 3: Hold Onto Love (COMPLETD)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora