15 - COURT

881 33 0
                                    

"GUSTO ko malinawan Grey."

Sabi ni Rei kay Grey nang matapos sila sa ginawa nila sa opisina ni Grey. Tumingin si Grey kay Rei.

"Hindi mo naman ako nililigawan, diba? Mali parin ito ginagawa natin."

Umiwas ng tingin si Grey.

"Grey .."

"H-hindi ako marunong manligaw Rei."

Nagulat si Rei. Gusto niyang matawa ngunit seryoso si Grey sa sinabi niya.

"Impossible, paano naging kayo ni Krish kung hindi ka marunong."

"Si Krish ang nanligaw sa akin."

Nagulat si Rei "A-ano ..."

"Sinabi kong wala akong alam sa panliligaw kaya siya na ang nag adjust na ligawan ako."

"So you mean ako ang manliligaw sayo ganon?!"

"Wala akong sinabing ganon Rei."

"Yawa! Means nga diba?! Mean! Hindi ko naman sinabi na sinabi mo punyeta!"

"Stop cursing me."

"Letse ka talaga!"

"Fine!" Asik nito "I-i'm started to courting you!"

Nagulat si Rei. Hindi siya makapag salita dahil kay Grey. Hindi makatingin si Grey sa kaniya dahil nahihiya itong tumingin sa mga mata ni Rei.

"Bakit ba kase sayo pa ako nagkagusto kung pwede din naman sa iba."

Natigilan si Rei.

"Hindi ko masisisi ang sarili ko dahil ginusto kong gustuhin kita." Saka tinignan siya ni Grey sa mata "You know how much I like you, sweetheart."

Napalunok si Rei.

"Binabaliw mo ako araw-araw dahil dyan sa kadaldalan mo."



PAGKATAPOS ng trabaho ni Rei ay walang tigil ang bunganga ni Phoebe sa kaniya.

"Sandali! Sabihin mo nga saken! Nasaan ang Kael na yun?! Pasasabugin ko lang ang ulo ng lalakeng yun!"

"Hindi ko alam. Kahit mahal ko man si Kael ayos lang sa akin na hindi niya ako mahalin pabalik."

"Gaga! Marami naman dyan lalake na pwedeng magustuhan mo! Hello?! Haller!" Sabay pinaikot ni Phoebe ang mata niya "Hindi lang si Kael ang lalake sa mundo Rei! Nandyan si Sir!"

Natigilan si Rei.

"Sigurado akong may gusto sayo si Sir! Sa tagal ng pagsasama ninyo! Impossibling hindi siya nagkagusto sayo kahit crush lang!"

Talagang meron!

"M-magkaibigan lang talaga kami ni Sir Grey."

"Really?"

Nanlaki ang mga mata ni Rei na marinig nila pareho ang tinig ni Grey sa likod nila. Napalingon si Rei at palihim na pinandilatan niya ito ng mata.

"G-good evening sir!" Bati ni Phoebe

Ngumiti si Grey sa kaniya at nagulat si Phoebe sa ngiti nayun.

"Likewise." Saka nilingon niya si Rei "Ihatid na kita, sweetheart."

Umawang ang labi ni Phoebe sa narinig niya. Palihim na kumuyom ang mga kamao ni Rei ngunit nang mapansin ni Grey na kinakabahan ito ay ngumisi lang.

"Let's go?"

"Yawa." bulong ni Rei "K-kaya ko pong umuwi m-mag isa Sir."

"Cut the po and sir, damn it!" Inis na sabi ni Grey "Baka nakakalimutan mong nanliligaw pa ako sayo."

Barb Series 3: Hold Onto Love (COMPLETD)Where stories live. Discover now