26 - THE SECOND BATTLE

627 21 1
                                    

"T  H  E    S  E  C  O  N  D    B  A  T  T  L  E"

AYAW MANIWALA ni Rei na kakampi sila si Anita pero iba ang sinasabi ng puso niya. Kailangan kumampi din siya pabalik ngunit mas nananaig sa isip niya na wala siyang tiwala sa babaeng ito!

Bukas na ngunit hindi makatulog si Rei. Alam niyang nakakasama sa kalusugan niya lalo na sa batang dala-dala niya.

Siguradong nag alala na sila Grey sa akin lalo nasa anak namin.

Sabi ni Rei sa isip niya habang hinihintay ang pagbalik ni Anita sa kaniya.   Mabilis na tumakbo ang oras hanggang bumukas ang pinto at si Anita ang bumungad sa kaniya.

"May masakit ba sayo? Ayos lang ba ang pakeramdam mo?" Nag alalang tanong nito.

"A-ayos lang ako pero gustong kona umalis dito. S-siguradong nag alala na sila sa akin."

"Exactly." Pag didiin nito "Balita ko sa kanila ay hinahanap kana lalo na sila Cyriz at Semi."

"K-kailan mo ako patatakasin dito?"

"Gumagawa pa ako ng paraan. Don't worry about that, Rei. Trust me, itatakas kita dito."

Biglang naguluhan si Rei "G-gusto ko malaman kung bakit mo ito ginagawa."

Natigilan si Anita "Dahil nalaman kong pinatay ni Mr Boy ang parents ko."

Nagulat si Rei.

"And of course. I'm so fvcking mad. Hindi pwedeng hindi ako makipag higanti sa ginawa niya sa parents ko!" Galit na sabi ni Anita "Mahalaga sila Mommy sa akin pero hindi ko akalain na kayang gawin ni Mr Boy ang pagpatay sa parents ko!"

Natigilan si Rei na tumulo ang mga luha ni Anita.

"K-kaya ako naging Doctor ay para din kila Mommy pero bigla nalang nawala sila Mommy."

Nilapitan ni Rei si Anita "Anita ..."

"Naiinggit ako sa may mga magulang Rei. Ang hirap mag isa lalo nang wala na sila Mommy tapos ... si Ryx ay nawala din sa akin."

Natigilan si Rei.

"P-pero ayos lang. Masaya ako para sa kanilang dalawa ni Semi. Una palang ay alam kona na si Semi ang mahal niya at hindi ako. Naiintidihan ko sila."

Niyakap ni Rei si Anita at niyakap pabalik ni Anita si Rei. Biglang narinig ni Rei na humihikbi si Anita.

"Cheer up, Anita. Maiintindihan ka namin. Tumakas tayo dalawa."

"Ikaw ang una kong patatakasin dahil mag hihiganti pa ako kay Mr Boy."

"Anita ..."

"Hihanda mo ang sarili mo—"

Biglang may narinig sila na nagsalita kaya agad tinulak ni Anita si Rei kasabay ng pagbukas ng pinto.

Napalingon si Anita at nang makita niya si Mr Boy ngunit agad din siya nakarecover.

"Nandito kadin pala." Aniya saka napatingin siya kay Rei na nakaupo sa sahig "Anong ginawa mo sa kaniya?"

Napatingin si Anita kay Rei "K-kung ano ang gusto kong gawin ay ginawa ko."

"Naistorbo ba kita?"

Ngumisi si Anita "Hindi naman Tito. Nabitin lang ako sa ginawa ko."

"Ano bang ginawa mo sa kaniya? Bakit parang wala lang sa kaniya nangyare?"

Biglang kinabahan si Anita ngunit hindi niya ito pinahalata.

"Ang baby ang gusto kong unang mawala bago ang kaniyang ina, Tito. Syempre, ano ba ang nakita mo bago ka pumasok?"

Natigilan si Mr Boy ngunit hindi siya nagpahalata. Napatitig si Anita sa kaniya na mukhang nakaka halata na ito.

"Anyways Tito, may kailangan akong gustong sabihin sa inyo ngunit ... hindi sa harapan ng babaeng ito."

"Kung ganon sa opisina tayo."



"ITATAKAS na kita."

Nabuhay ang tinig ni Rei dahil sa sinabi ni Anita sa kaniya. Dalawang araw na siya narito kaya pagkakataon na niyang tumakas para mailigtas siya ni Anita.

"Papatayin ka mamayang gabi ni Mr Boy. Kailangan kita maitakas ngayon." Bulong nito

Kinabahan si Rei "S-salamat."

Tumango si Anita "Tara na. Papunta na sila Semi dito."

Nagulat si Rei "A-ano?"

"Nagbigay ako ng mensahe na ligtas ka sa akin kapag kasama mo pa ako. Huwag ka mag alala, siguradong hindi ka mapapatay ni Mr Boy."

Tumango nalang si Rei saka inaya ni Anita si Rei lumabas.

Unang lumabas si Anita para tignan kung may bantay. Nang makita nila ang dalawang bantay ay agad sila nag tago.

Mga ilang minuto nandoon ang dalawang lalake kaya lumabas si Anita para lapitan niya ang dalawang lalake.

"Ma'am."

"Doon kayo sa kabila mag bantay."

"Pero ma'am dito po biniling ni boss—"

"Kapag sinabi ko. Sumunod kayo."

Natakot ang dalawa kaya sinunod nila si Anita. Sumenyales si Anita na maglakad na sila dalawa kaya sumunod naman si Rei.

Mabilis na tumakbo ang minuto nang malapit na sila makalabas. Lalabas na sana silang dalawa na bigla nila nakasalubong si Mr Boy.

Nanlaki ang mga mata nila dahil sa gulat.

"Sinasabi kona nga ba. Traydor ka."

Sabi ni Mr Boy kay Anita kaya agad tinago ni Anita sa likod niya si Rei dahil nag alala siya sa pagbubuntis nito.

"Akala ko mapa pagkatiwalaan kita pero hindi. Katulad ka ng ama mong traydor!" Galit na sigaw nito.

Nanlisik ang mga mata ni Anita "Hindi ako tatraydor nito kung hindi mo pinatay ang parents ko!" Pabalik na sigaw ni Anita sa kaniya.

Ngumisi si Mr Boy na iki nainis ni Anita.

"Damputin silang dalawa!"

Bago pa mahawakan ng dalawang lalake si Rei ay mabilis na sinalubungan ni Anita ang dalawang lalake.

Agad natumba ang dalawang lalake dahil sa mga salubong ni Anita sa kanila. Sumugod ang mga lalake kaya agad na sinugod ni Anita para protektahan niya si Rei.

Kailangan makatakas si Rei dito! Dahil kung hindi!

Sabi ni Anita sa sarili niya habang nakikipag laban. Habang nakikipag laban si Anita ay biglang nahampas ang ulo niya kaya napamura si Anita.

"Anita!"

Napahiga si Anita dahil sa panghihilo niya at panghihina niya.

"Huwag kana lumaban pa Anita. Dahil katulad ng ginawa kong pagpatay sa mga magulang mo ay gagawin ko sa'yo yun."

Unting unti nawalan ng malay si Anita kaya napatingin si Mr Boy kay Rei.

"Buntis ka pero napaka tigas ng ulo mo."

"P-please p-pakawalan muna kami ... please ..."

"Papakawalan ko lang kayo kapag bangkay na kayo dalawa."

Binalot ng takot si Rei kaya agad na nilapitan siya ng dalawang lalake. Kinagat ni Rei ang kamay ng lalake ngunit biglang may humampas sa likod niya kaya agad siya napahiga.

Napahawak siya agad sa tiyan niya dahil biglang kumirot yun.

"M-my baby ..."

"Ganyan nga Rei." Si Mr Boy "Unang mamatay ang anak mo bago ikaw. Gusto kong iparamdam sayo kung gaano mawalan ng anak."

"P-please ...m-ma—maawa k-ka s-sa an...ak k-ko ..."

Ngumisi lang si Mr Boy at unting dumilim ang paningin ni Rei hanggang sa mawalan siya ng malay.








TO BE CONTINUED
READ AT YOUR OWN RISK.

Barb Series 3: Hold Onto Love (COMPLETD)Where stories live. Discover now