12 - SECOND KISS

808 31 1
                                    

PAGKATAPOS kumain ni Rei ay tumingin siya kay Grey na nasa sofa. Napansin ni Rei na sobrang lalim ng iniisip ni Grey. Simula nang gisingin siya ni Grey ay napansin niyang parang may iniisip ito.

Malamang may isip yung tao Rei eh! Yawaness!!

"G-grey."

Lumingon si Grey sa kaniya ngunit walang kareaksyon ang mukha ni Grey.

"Y-yung nangyare sa pagsagutan natin. G-gusto ko lang h-humingi ng tawad s-sayo. I'm sorry kung—"

"It's okay." Mabilis na sabi ni Grey at tumayo siya at nilapitan niya si Rei at hinawakan niya ang noo ni Rei "Mainit ka parin. You need to more rest, Rei."

Saka kinuha ni Grey ang mga gamot at inabot niya iyon kay Rei.

"Uminom ka muna."

Tinanggap naman ni Rei yun at sinunod niyang ininom ito.

Aalis na sana si Grey na pigilan siya ni Rei "H-hindi ka po galit sa akin Sir Grey?"

"I told you cut the Sir and po." Saka nilingon niya si Rei "Hindi. And ... I'm sorry too."

Hindi na nakapag salita si Rei dahil tinalikuran na siya ni Grey palabas.

Bakit parang may mali?

Biglang nag ring ang phone ni Rei kaya sinagot niya ang tawag ni Phoebe sa kaniya.

"Gaga! Nabalitaan ko nangyare sayo! Kamusta kana?! Maayos kana ba?! Mataas pa ba lagnat mo?! Uminom kana ba ng gamot?!"

Sunod-sunod na tanong ni Phoebe sa kaniya. Biglang napangiti si Rei.

"Huwag ka mag alala. Ayos lang ako."

"Naku gaga ka! Bakit ba kase bigla ka nalang nagkalagnat?! Ayan tuloy wala na akong makausap dito!"

Mahina natawa si Rei "Magpapagaling agad ako. Promise!"

"Talaga?! Aasahan ko yan ha?! Atsaka nasaan ka?! Pupuntahan kita! Hindi ako mapakali dito na lagi kitang iniisip dahil sa kalagayan mo!"

"Nandito ako sa Mansion ni Grey."

Natahimik ang nasa kabilang linya kaya tinignan ni Rei ang phone niya kung nakapatay na ang tawag pero hindi. Kaya binalik ni Rei ang phone sa tainga niya.

"Phoebe? Nandyan kapa ba?"

"S-seryoso? Nandyan ka sa Mansion ni Sir Grey?"

"Oo."

"Waaaaaahhh!!! Gora bes! Ayoko na pumunta dyan! Mas lalo ako mapakali kung nandyan ka kay Sir! Naku Rei! Landiin mo si Sir! Akitin mo! Angkinin mo—"

"Yawaness Phoebe! Anong pinagsasabe mo?! Dzuh! Magkaibigan lang kami ni Sir!"

"Rei naman! Baka nakakalimutan mo! Sa kaibigan dumadaan ang mga ganyan!"

"Ewan ko sayo! Sige na! Mwah!"

Mabilis na pinatay ni Rei ang tawag ng kaibigan dahil alam ni Rei na nagtratrabaho ito.

Tumayo si Rei at lumabas siya. Natigilan si Rei na makita niya si Grey na may kausap sa phone habang tumatawa.

"Of course I'm okay ... Uh-huh ... I'm okay .... my business ... Nope! ... Yes ..."

Tatalikuran na sana ni Rei si Grey na matigilan siya ulit.

"Yes! I love you more."

Dahan-dahan siyang napatingin kay Grey. Hindi alam ni Rei pero parang nakaramdam siya ng inis at selos sa kalooban niya.

May girlfriend si Grey? Bakit hindi ko ito alam?

Tumayo si Grey at napalingon siya na makita si Rei.

"Rei, bakit bumaba ka? May lagnat kapa."

"A-aakyat na ako."

"Wait!" Agad na lumapit si Grey sa kaniya "May kailangan ka?"

Umiling si Rei habang umiiwas ng tingin.

"I see. Kung may kailangan ka, call me okay? Lalabas muna ako sandali."

Natigilan si Rei "May pupuntahan ka?"

Tumango si Grey "Yeah—"

Natigilan si Grey na biglang nag vibrant ang phone niya. Nakita ni Rei na gumuhit ang ngiti sa mukha ni Grey. Yung ngiti na kakaiba.

"I have to go. Uuwi agad ako, okay? Bye."

Mabilis siya tinalikuran ni Grey at lumabas na kaya hindi napigilan ni Rei mainis.

Pakealam ko kung may girlfriend si Grey na hindi ko alam! Pakealam ko sa kanila!!

Napatingin ulit si Rei sa pinto na kinalabasan ni Grey.

May nalalaman kapang alagaan mo ako pero lalabas kadin naman pala! Paano kaya kapag nalaman ni Semi ito?! Baka ikaw na sunod na makatikim sa mga kamay ni Semi at Cyriz! Yawa!!!


MALALIM NA GABI na pero hindi parin umuuwi si Grey. Hindi rin makatulog si Rei dahil iniisip niya si Grey.

Paano kung yung girlfriend ni Grey ang pupuntahan ni Grey? Paano kung doon na matulog si Grey sa bahay ng girlfriend niya? Tapos may mangyare sa kanila! Tapos umaga nang umuwi si Grey! Tapos hindi pala kay ipakilala na niya sa akin ang girlfriend niya!

"Ahhhh!!! Bakit ba nakakaselos?!?!"

Natahimik si Rei na marealize niya ang sinabi niya.

Ako? Nagseselos?

"Psh! Bakit naman ako magseselos sa babae niya?! Eh mas maganda pa ako doon!"

Parang baliw si Rei dahil sa wala siyang kausap. Biglang may kumatok sa kwarto ni Rei kaya natigilan siya.

"Rei? Gising kapa?"

Nakahinga ng maluwang si Rei dahil si Grey ang kausap niya.

"O-oo!"

Bumukas ang pinto at nakita ni Rei na pagod na pagod ang mukha ni Grey.

Tumayo si Rei at nilapitan niya si Grey. Amoy na amoy ni Rei ang alak galing sa kaniya.

"Naglasing ka?"

"Hindi"

"Sinungaling." Asik ni Rei at inalayan niya si Grey na ilabas para ipahiga ito sa sariling kama ni Grey "Bakit ba naglasing ka ha?! Buti nalang hindi ka na accident dyan sa daan sa kaka drive mo!"

"Aww ... My rei is so sweet."

"Matagal na."

Nang mapahiga na ni Rei si Grey ay napahiyaw si Rei na hilahin siya ni Grey pahiga at nasa ibabaw na niya si Grey. Hindi mapigilan ni Rei na kabahan at magulat dahil ito ang unang beses na ginawa ni Grey sa kaniya.

"G-grey umalis ka nga!"

"May lagnat kapa?"

Sabay niya hinawakan ang noo ni Rei at hindi na gaano mainit ito.

"Grey! Alis!"

Ngumiti si Grey sa kaniya at nanlaki ang mga mata ni Rei na halikan siya ni Grey.

Second kiss...

Nanghihina si Rei. Gusto niyang itulak si Grey pero hindi niya magawa.

"I miss you."

Natigilan si Rei. At mas lalo pa natigilan si Rei na tumulo ang butil na luha ni Grey. Unang beses na makita niyang itong may luha.

"I-i don't know ... Y-you broke my heart Rei ..."

Natigilan si Rei. Ayaw niyang mag assume. Hindi naman siya gaano kamanhid pero iba ang pumapasok sa utak ni Rei sa ibig sabihin ni Grey.

"G-grey ..."

"I like you."




TO BE CONTINUED
READ AT YOUR OWN RISK.

Barb Series 3: Hold Onto Love (COMPLETD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon