9 - CYRIZ

806 32 1
                                    

Nasa Mansion si Rei kasama si Grey. Hindi parin siya kumikibo dahil alam ni Rei na mainit ng ulo ni Grey.

Galit ba siya sa akin?

Huminga ng malalim si Rei at bumaling siya kay Grey na madilim parin ang mukha nito. Nasa pool si Grey kaya pinuntahan niya si Grey dahil umiinom ito ng alak.

Bago pa uminom ulit si Grey ay inagaw ni Rei iyon.

"What?" Si Grey.

"I-itigil mo ang pag inom mo. B-baka h-hindi ka makapasok bukas."

"Tsh." Saka nilaro ni Grey ang ice sa baso "Bakit hindi ka nagpaalam sa akin agad nang umalis ka?"

Napalunok si Rei dahil sa mga diniin na salita ni Grey sa kaniya.

Tumingin sa kaniya si Grey "Alam mo bang kanina pa kita hinahanap kanina?"

" ..."

"Hinanap kita Rei, hinanap kita kanina." Sabay tumayo "Kung hindi pa siguro kita nakita ay malamang. Kanina kapa sinasamba ni Kael."

Biglang nainis si Rei sa sinabi ni Grey sa kaniya. Hindi niya nagustuhan ang salitang 'sinasamba'

"Paano kung may nangyare sayo na wala ako? Paano kung nagalaw kana ni Kael? Paano kung hindi kita nakita kanina? Bakit ba sumama ka sa lalakeng iyon!?"

"Hindi ko kasalanan na sumama ako sa kaniya Grey. Kung alam ko lang na babastusin ako ni Kael. Edi sana nakauwi na ako sa condo ko ..." Sigaw ni Rei sa kaniya "Akala ko magkakabalikan kami ni Kael. Kaya ako sumama sa kaniya dahil sinabi niyang pag uusapan namin ang tungkol sa amin dalawa."

"Akala mo magkakabalikan kayo?" Puno ng sarkasmo na tanong ni Grey sa kaniya.

Napaatras si Rei dahil sa papalapit na papalapit si Grey sa kaniya.

"Hindi. Dahil hindi ka mahal ni Kael. Hindi ka niya kailan man minahal ni Kael—"

Malakas na sinampal Rei si Grey. Natigilan sila pareho pero agad din nakarecover si Rei sa ginawa niya ngunit hindi siya nagsisi.

"Alam ko. Alam kong hindi ako minahal ni Kael. Kaya huwag muna sabihin yan sa harapan ko dahil mas lalo ako nasasaktan."

Natigilan si Grey.

"Akala ko ikaw ang unang makaintindi ng nararamdaman ko Grey. Pero hindi ... Tama nga si Semi, maraming namamatay sa akala."

Mas lalong natigilan si Grey.

"Tama si Kael, masama ka. Masama ang ugali mo."

Padabog na tinalikuran siya ni Rei at mabilis na sumakay si Rei sa taxi papunta sa condo niya.

Pagdating niya sa condo niya ay napahagulgol siya sa iyak. Napahawak si Rei sa dibdib niya.

Bakit ba sobrang sikip ng nararamdaman ko? Bakit sobrang sakit? Bakit kailangan maramdaman ko ang sakit na ito ulit?

Mapaupo si Rei sa sofa at mas lalo siya napahagulgol dahil kay Grey.

Akala ko ikaw ang unang lalakeng makaintindi sa akin pero hindi. Sinaktan na ako ni Kael tas sasaktan mo rin ako sa mga binibitawan mong mga salita!

Mga ilang oras umiyak si Rei hanggang sa tumahan siya. Lumabas si Rei at pumunta sa Barb. Gusto niyang maglasing. Gustong gusto niya.

Pagdating ni Rei ay agad siyang nag order ng maiinom niya hanggang sa nakailan baso na siya. Ramdam niya ang pagkahilo niya. Ngunit ang sakit ng nararamdaman niya ay ramdam niya parin.



KITA ni Cyriz si Rei na umiinon ng alak. Alam ni Cyriz na si Kael na naman ang dahilan ng pagkalasing ng kaibigan niya.

Nilapitan ni Cyriz si Rei at kita ni Cyriz na lasing na si Rei.

"Oh hi! Cyrissssh!!"

Tsk. Cyrish. Ang ganda ganda ng name ko tas Cyrish?

"Wooooo! Tara Curissssh! Sayaw tayo!!"

Kinginang Curish yan!

Hinila ni Rei si Cyriz ngunit pinaupo nalang ni Cyriz si Rei at sumenyales sa mga katrabaho niya na kunin ang mga baso at alak sa harapan nila.

"Iuwi na kita."

"M-mamaya na! Shayaw mona taaaayoooo!!!"

"Manager Cyriz,"

Napalingon si Cyriz kay Timothy na asisstant niya. Hindi pinansin ni Cyriz ang mga sinasabi ni Rei dahil sa ingay nito.

"Ikaw na muna bahala dito sa bar. Ihatid ko lang ang babaeng ito."

Tumango si Timothy at tumulong si Timothy na alalayan si Rei hanggang sa maipasok nila si Rei sa kotse ni Cyriz.

Pagkatapos ihatid ni Cyriz si Rei sa condo nito ay pinahiga niya at biglang narinig ni Cyriz ang sinabi ni Rei.

"A-akala ko hindi mo ako kayang saktan Grey ..."

Nagulat si Cyriz na marinig niya ang pangalan ni Grey.

Bakit binanggit mo si Grey? Sinaktan kaba ni Grey?

"Ayoko ng mabuhay ..."

Biglang inilabas ni Cyriz ang phone niya at tinawagan nya si Grey.

"I'm busy Cy." Bungad sa kaniya ni Grey.

"Pumunta ka dito sa condo ni Rei."

Natahimik ang nasa kabilang linya.

"Kapag hindi ka dumating ng limang minuto. Hindi kita papapasukin dito."

Pinatay agad ni Cyriz ang phone niya at nag alarm siya ng limang minuto.

Umupo si Cyriz sa sofa habang hindi mawala sa isip niya ang narinig niya kay Rei.

Mag aanim minuto na nang makarinig siya na may kumatok kaya binuksan ni Cyriz iyon at bumungad sa kaniya si Grey.

"Where's Rei?"

Sinarado ni Grey ang pinto nang makapasok siya.

"Nasa kwarto niya."

"Anong nangyare sa kaniya?"

"Hindi ba't ako ang magtanong niyan sayo?" Saka tinignan ni Cyriz si Grey "Hindi ko alam kung sino na naman ang dahilan ng paglasing niya. Ikaw ba o si Kael."

"Naglasing siya?"

"Oo nga paulit-ulit." Inis na sabi ni Cyriz sa kaniya saka nagpakrus ng dalawang braso si Cyriz "Lasing na lasing si Rei. Tsk. Bakit mo sinaktan si Rei?"

Natigilan si Grey. Biglang naalala ni Grey ang nangyare sa kanilang dalawa sa pagsagutan nila kanina.

"Grey." Banta ni Cyriz sa kaniya

Huminga ng malalim si Grey at kinuwento niya ang nangyare sa kanila.

"Tsk. Tsk. Tsk. Ibang klase talaga ang pag ibig. Kaya nga ayoko na magmahal eh."  Sabi ni Cyriz saka umayos siya ulit "Ayusin mo buhay mo Grey. Alam mong may pinagdadaanan si Rei. Kailangan ni Rei ng may umintindi sa nararamdaman niya. Naiintidihan ko siya ngunit ikaw ang laging nasa tabi ni Rei. Ayusin mo buhay mo kung ayaw mong malaman ni Semi na pinapaiyak mo si Rei."

"Alam ko."

"Pero kailangan malaman ni Semi ang nangyayare kay Rei. Ayaw na ayaw ni Semi na naglilihim tayo sa kaniya."

"Pero si Rei?"

"Tsk. Alam ko pero ako na bahala kay Semi. Ako na magsasabi sa kaniya sa nangyayare kay Rei. Alam ko wala ako sa posisyon ni Rei pero mas lalo ako nag alala sa kay Rei lalo na sa ginawa ni Kael sa kaniya."

Huminga ng malalim si Cyriz saka tumingin siya sa pinto na kung saan ang kwarto ni Rei.

"Gusto kong manapak ng tao at  si Kael yun atsaka sa ginawa niya kay Rei pero si Semi muna ang mauuna bago ako."

"Same vibes talaga kayo ni Semi, noh."

"Tsk."







TO BE CONTINUED
READ AT YOUR OWN RISK.

Barb Series 3: Hold Onto Love (COMPLETD)Where stories live. Discover now