11 - MY LOVE

791 34 3
                                    

"S-semi ..."

"Hindi ko gusto ang ginawa mo Rei. Ayaw na ayaw kong tinatago mo ang sakit ng nararamdaman mo."

Hindi napigilan ni Rei na tumulo ang mga luha niya.

"Nahalata kita sa kasal ko noon pero binaliwala ko iyon Rei. Sabi mo namimiss mo sila Tita pero ano? Dahil kay Kael umiyak ka ng mga panahon na iyon."

"Semi ..."

"Nagsinungaling ka sa akin Rei."

"I-i'm sorry ..."

"Kung hindi pa siguro sinabi ni Cyriz ang tungkol dito ay kailan ko pa malalaman ang mangyayare sayo? Hanggang sa tumanda ako? Ganon? Tapos ikaw dinadamdam mo yung sakit ng nararamdaman mo."

Rei is silent.

"Kaibigan kita Rei. Naiintidihan kita, naiintidihan ko ang nararamdaman mo pero nasasaktan ako sa nangyayare sayo. Hindi ako sanay na ganito ka Rei, lagi kang nakangiti sa harapan ko."

"Semi ..."

"Ayokong maulit ang pag lilihim mo sa akin—amin. Ipangako mo sa akin Rei."

Tumango si Rei "P-pangako."

Tumayo si Semi "Payakap nga."

Napangiti si Rei saka mabilis niya niyakap si Semi.

"H-hindi ka galit sa akin?"

"Tss. Bakit naman ako magagalit sayo?" Saka hinarap niya si Rei "Sa tatlong lalake na iyon, doon ako galit." Saka huminga siya ng malalim at tinignan niya ng maayos si Rei "Kanina ko pang napapansin na namumutla ka."

Saka hinawakan ni Semi ang noo ni Rei at napamura si Semi.

"Bakit ba pinapabayaan mo ang sarili mo ha?!"

"Nagising nalang ako na masama na ang pakeramdam ko."

"Tss! Uminom ka naba ng gamot?"

Tumango si Rei at magsasalita na sana si Semi na marinig nila ang tinig ni Grey.

"Sa Mansion ko muna si Rei."

Nagulat si Rei at natigilan si Semi.

"Ako muna mag aalaga sa kaniya."

"Bigyan mo ako ng reason kung bakit gusto mong alagaan si Rei?"

Ilang segundo nagsalita si Grey "Gusto kong bumawi sa kaniya. Araw-araw siyang napapagod sa trabaho niya kaya wala naman masama kung bumawi ako sa kaniya."




PAGDATING nila Rei at Grey sa Mansion ay biglang naalala ni Rei ang pagsasagutan nila.

Pumunta silang dalawa sa kwarto at binuksan ni Grey iyon.

"Rest, Rei. Matulog ka muna, gisingin nalang kita kapag nakapag luto na ako."

Tumango si Rei kahit naiilang "A-ahm ... Paano ang trabaho mo?"

"Huwag mo ng isipin yun. Ang mahalaga makapag pahinga ka para mabilis kang gumaling." Saka huminga ng malalim si Grey "H-hindi ko alam kung paano mag alaga ng may sakit." Sabay napaiwas ng tingin.

"Kaya ko naman alagaan ang sarili ko—"

Mabilis na umiling si Grey "Lagot ako kela Cyriz at Semi kaya pumasok kana. Magluluto lang ako." Sabay niya tinalikuran si Rei.

Fuck Grey! Calm your heart!! Inis na sabi ni Grey sa isip.

Napahiga si Rei at ramdam niya ang bigat ng katawan niya at parang napagod siya.

Bakit parang may nag iba?! Lagi ko naman dinaldalan si Grey!! At sinisigawan pero bakit nagkaganito ako?! Di kaya dahil sa may sakit ako?! Hindi naman! Kahit may sakit ako ay hindi ako naging ganito kay Grey! Psh! May kakaiba talaga!!!

Nakalipas ng ilang oras ay pumasok si Grey sa kwarto ni Rei saka inilapag ni Grey ang dala niyang pagkain.

Nilapitan niya si Rei at gigisingin na sana niya si Rei na makita niya itong mahimbing na natutulog.

Napaupo si Grey sa tabi niya at tinitigan niya ang kabuuan ng mukha ni Rei. Napahawak agad si Grey sa puso niya dahil sa sobrang bilis ng pagtibok niya!

Fuck Grey!! Wala naman ibig sabihin nito diba?! Wala kang nararamdaman kay Rei! Wala! Rei is your friend! Kaibigan mo siya! Kaibigan!!

Biglang nakita ni Grey ang phone ni Rei na umilaw ito. Tinignan niya at nakita niyang may mensahe si Rei galing kay Kael.

Ayaw pakealaman ni Grey ang phone ni Rei kaya hindi na niya napigilan ang sarili niya na damputin ang phone ni Rei sa lamesa.

Parang may tumusok na karayom sa puso ni Grey dahil sa nabasa niya at sa larawan.

Ang saya natin noon. I want you to comeback , my love. I miss you so much. Pinagsisihan kong niloko kita pero may reason ako. Balang araw malalaman mo ang reason ko at kapag nalaman mo iyon ay alam kong maintindihan mo ako. Please wait for me my love. Please.

Ang larawan ay nakaakbay si Kael kay Rei habang hinalikan ni Rei sa pisngi si Kael. Kita ni Grey ang saya sa mga mata ni Rei at ganon din si Kael.

Pero biglang natigilan si Grey dahil sa mensahe ni Kael. Puno ng kaguluhan ang nasa utak niya.

Anong ibig sabihin ni Kael sa mensaheng ito? Mahal niya pa si Rei? Pero nagawa niyang lokohin si Rei?

Naputol ang mga tanong sa isip ni Grey na mag ring ang phone ni Rei. Nakita niya itong si Semi ang tumatawag kaya agad na tumayo si Grey at lumayo kay Rei saka sinagot ni Grey.

"Rei. Kung nabasa mo ang mensahe ni Kael please. I beg you. Delete mo yan. Tangina—"

"It's Grey."

Natigilan ang nasa kabilang linya saka mga ilang segundo nagsalita.

"Grey?"

"Yeah its me. I'm sorry, kung pinakealaman ko phone ni Rei. Rei is sleeping kaya ako nalang sumagot. Ahm? Gigisingin ko nalang siya—"

"No! No!" Mabilis na sabi ni Semi sa kabilang linya "Huwag mong gisingin si Rei."

Biglang naguluhan si Grey "Why?"

"Please huwag mo siyang gisingin. By the way, nakita mo yung message?"

"Y-yeah."

"Then delete it." Agad na sabi ni Semi "Hindi pwedeng malaman muna ni Rei na mahal pa siya ni Kael."

Natigilan si Grey at napatingin siya dahan-dahan kay Rei na mahimbing na natutulog.

"Nalaman kona ang reason ni Kael kung bakit niya nagawa kay Rei yun kaya naiintidihan ko si Kael. Parehas ko silang dalawa naiintindihan."

Grey is silent.

"Can I favor?"

"Y-yeah."

"Protect my bestfriend, Grey." Pakiusap ni Semi "At huwag mong hayaan na may magustuhan si Rei na iba. Gusto ni Kael na walang pwedeng mapusuan si Rei at nalaman niyang nagpapanggap kayo dalawa ni Rei na magkasintahan at bantayan mo si Rei para sa akin—amin. Walang pwedeng magkagusto sa kaniya at kung meron man, gumawa ka ng paraan para hindi na niya—nila makita si Rei. Alam ko maganda si Rei at maraming nagkakagusto sa kaniya."

Natahimik si Grey. Hindi niya alam ang isasagot kay Semi. Hindi alam ni Grey kung bakit nakaramdam siya ng lungkot sa kalooban niya habang naririnig niya iyon kay Semi.

Mas lalo pa natahimik si Grey sa narinig niya ulit kay Semi.

"Si Kael lang dapat para sa kaniya."


TO BE CONTINUED
READ AT YOUR OWN RISK.

Barb Series 3: Hold Onto Love (COMPLETD)Onde histórias criam vida. Descubra agora