8 - KAEL

818 39 3
                                    

"Ano?! Hinalikan ka ni Sir?!"

"Shhhh! Hinaan mo boses mo yawa!"

Umayos si Phoebe ng upo at tinignan niya ng maayos si Rei pagkatapos ikwento ni Rei ang nangyare sa kanila ni Grey.

"Grabe! Alam ko naman na close kayo halos magkaiba—ay mali! Siguradong may something si sir sayo."

"Yawaness! Walang something yun. Talagang inaasar ko lang si Grey kanina."

"Kahit na. Teka! Bakit hindi mo tanungin si Sir kung may feelings ba siya sayo?"

"Gaga kaba? Magkaibigan nga kami ni Sir."

"Sige! Balang araw malulunok mo yan sinabi mo! Psh! Babye na! May pupuntahan pa kami ng boyfriend ko hehe! Usap tayo ulit!"

Tumango si Rei "Ingat ka."

"Ikaw din!"

Lumabas na si Rei at papasok na sana siya sa kotse niya na may humawak sa siko niya kaya agad siya napalingon.

"K-kael ..."

"Mag usap tayo."

"Tungkol saan?"

Tinignan siya ni Kael sa mata "Tungkol sa atin."

Sumama si Rei kay Kael sa parking lot saka umayos si Kael ng pagtayo.

"Kael, bilisan muna. Kailangan ko pa umuwi."

"R-rei ... Bakit hindi mo sinabi sa akin na may boyfriend ka?"

Natigilan si Rei na si Grey ang tinutukoy nito.

"Masama ang ugali ni Grey Martinez , Rei. Hiwalayan mo si Grey dahil masamang tao siya." Tinignan siya ni Kael sa mata "Akala ko ba ako lang ang mahal mo?"

Biglang naguguluhan si Rei sa mga sinabi niya. Saka natigilan si Rei na bigla niyang naamoy ang alak kay Kael.

"Lasing ka?"

Umiling si Kael "H-hindi." Saka lumapit si Kael sa kaniya "Mahal mo ako diba?'

"Mahal?"

"Rei—"

"Kung sinisiraan mo si Grey. Kung masamang tao si Grey. Edi sana, hindi ganito ang trato niya sa akin."

"Rei, listen—"

"Hindi kita maintindihan Kael. Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na akala mo ay mahal kita?!"

Kahit totoo naman na mahal kita!

"Ganyan kana ba binaliw ni Xash?"

"Rei—"

"Kung ito din naman ang pag uusapan natin. Dapat nalang na umalis nalang ako! Kesa ang mabaliw ako dyan sa sinasabi mo! Yawanes!!"

Tatalikod na sana si Rei na hilahin siya ni Kael at nanlaki ang mga mata ni Rei na halikan siya ni Kael.

Malakas na tinulak ni Rei si Kael. Iba ang mga halik na yun sa kaniya.

"A-ano ba! K-kael! Bitawan mo ako! Lasing ka!"

Tinutulak tulak parin ni Rei si Kael na halikan siya ni Kael sa leeg. Bago pa halikan ni Kael ang mga mayayaman dibdib ni Rei na may lumipad na suntok sa mukha ni Kael.

"Fuck you!"

Nagulat si Rei na malakas na sinuntok ni Grey si Kael. Biglang umawat si Rei.

"G-grey tama na! Grey! Tama naaaa!"

"Gago ka! Huwag na huwag mong bastusin si Rei!!"

Pinahid ni Kael ang dugo sa mga labi niya. May pasa narin si Kael.

Susuntikin pa sana ni Grey si Kael na umawat ulit si Rei.

"P-please Grey! Tama na!!"

Sobrang nagtatagis ang baga ni Grey dahil sa galit. Matalim na matalim na tinignan ni Grey si Kael.

"Gago ka! Sa oras na gawin mo ulit ang ginawa mo sa girlfriend ko! I'm going to kill you! Damn it!"

Grey ... Binalot ng takot at kaba si Rei dahil sa banta ni Grey kay Kael.

"Huwag kang umasta na kaya mo akong patayin Martinez." Nanghahamon na boses ni Kael

"Baka nakakalimutan mo Vallerianz. Isa akong Martinez at alam mo ang ugali ko."

"Masama kang tao Martinez."

"Yes I am. Kaya subukan mo ulit na bastusin si Rei kung ayaw mong makita ang galit ko." Tinignan siya sa mata ni Grey "Huwag mong pag initin lalo ang ulo ko dahil hindi mo ako makikilala sa oras na ginalit mo ako."

Hinawakan ni Grey ang kamay ni Rei at hinila papunta sa kotse ni Grey.

Fuck you Kael! Hindi muna makukuha pa si Rei sa akin. She's mine!





TO BE CONTINUED
READ AT YOUR OWN RISK.

Barb Series 3: Hold Onto Love (COMPLETD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon