27 - THE LAST BATTLE

640 21 5
                                    

"T  H  E    L  A  S  T    B  A  T  T  L  E"

PAGMULAT ni Rei ay agad siya bumangon ngunit natigilan siya na nakatali siya. Napatingin siya sa side na makita niya si Anita na walang malay habang nakatali.

"Anita."

Hindi parin gumigising ito sa nakailan beses na tawag ni Rei sa kaniya.

"Anita gising."

Napamulat ng mata si Anita at nanlaki ang mga mata niya dahil nakatali ito. Agad siya bumangon

"Leche! Leche!" Napatingin si Anita sa kaniya "Ayos kalang?"

Tumango si Rei "Paano tayo tatakas nito?"

Napatitig si Anita sa kaniya ngunit hindi siya nagsalita. Biglang bumukas ang pinto at nakita nila ang apat na bata. Hinila nila sila Anita at Rei.

"Tayo!"

Sumunod naman sila Rei kahit ayaw naman nila sumunod.

"Kailangan nyo na mamaalam sa mundong ito. Dahil bibitayin namin ang mga leeg ninyo."

Binalot ng takot si Rei. Tumingin siya kay Anita ngunit tumango lang si Anita na para bang sinasabi nito na 'huwag mo silang pansisin'

Pagdating nila Rei sa labas ng lumang building na ito ay nandoon si Mr Boy na may hawak na baril habang maraming bantay.

Tanging laman ng isip ni Rei ay ang kaligtasan nila ni Anita lalo na ang anak nito.

Grey ...

Tinulak nila si Rei ngunit agad na umalalay sa kaniya si Anita.

"Isang tulak pa sa kaniya. Hindi ako mag dalawang isip na labanan kayo ulit." May banta sa mga tinig ni Anita.

"Ang tapang-tapang mo naman Anita." Biglang sabi ni Mr Boy na ikinalingon nila "Ganyan ba ang nakuha mong katapangan sa ama mo?"

"Huwag mong idamay ang Daddy ko dito matanda ka!" Galit na sigaw ni Anita sa kaniya .

"Bakit hindi?" Sarcastic nito tanong "Ang ama mo ang dahilan kung bakit bumagsak ang company ko."

"Wala akong pakealam sa mga sinasabi mo! Magsalita ka dyan na magsalita! Pakealam ko sayo?! Ha?!"

"Sumasagot sagot kana!"

"Bakit hindi ba? Pasalamat ka sinasagot ko yan mga kadadahan mo! Fuck you!"

Biglang nanlisik ang mga mata ni Mr Boy. Nagulat man si Rei sa mga inasta ni Anita ngunit biglang lumapit ang dalawang lalake kaya hindi nagdalawang isip si Anita na lumaban habang nakatali ang mga kamay niya

Hindi maiwasan ni Rei na humanga sa kaniya dahil napaka tapang ni Anita. Magkatulad tulad sila nila Semi at Cyriz.

Nanlaki ang mga mata ni Rei nang biglang hinampas ang likod niya.

"Anita!"

Agad tumakbo si Rei para lapitan si Anita

"Anita!"

Napapikit si Anita dahil sa panghihina ngunit mas pinili niyang labanan ang panghihina niya dahil nag alala siya sa kaligtasan ni Rei pati narin sa pagbubuntis nito.

Inis na tinignan ni Rei si Mr Boy. Natatakot man si Rei ngunit nakailan sakit na siya sa ginawa nila kay Anita.

"W-wala nabang matino yang utak mo Mr Boy?! Yan ba ang itinuro ng mga magulang mo?!"

Biglang nakita ni Rei ang galit na mga tingin ni Mr Boy sa kaniya.

"Huwag mong idamay ang mga magulang ko dito! Dahil wala kang alam!"

Barb Series 3: Hold Onto Love (COMPLETD)Where stories live. Discover now