01

640 29 3
                                    

"And....Cut!" Direk, Josiah shouted while our second AC ticks the clapperboard together.



"Galing, Stell! Ang laki na talaga improvement mo sa acting, next time collaboration song naman," Ken said, giving me a fist bump.



"Pahinga muna ako pal after nitong series, siguro kahit 1-2 weeks tapos sige pagusapan natin yan," sagot ko. Binesuhan ko rin siya bago ako pumasok sa vanity van namin.



Pagdating ko sa condo ko, kaagad akong naligo at nagbihis. Natagalan pa ako sa pagpili ng damit kasi napaglumaan na yung iba. Napapaisip tuloy akong mamili ng damit, kaya tinawagan ko si Ate Elle para matanong kung kailan free time ko.



[Hello sir, gabi na po ah. Ano pong matutulong ko?]



"Wala naman ate, tatanong ko lang kung kailan yung free time ko? Kailan ko kasing mamili ng damit," sagot ko agad, nakakahiya mukhang inaantok na kasi yung boses ni Ate. 11pm ng gabi ako tumawag.



[Bukas sir, tapos guesting lang sa event ni Sir. Josh sa sunday.]



"Sige Ate Elle. Sorry po sa abala, goodnight!" I murmured, I'm about to end the call  Yey, makakapagpahinga at makakalabas narin ako ng payapa bukas.



[Wait lang sir, hindi ko na po ba kayo sasamahan bukas?]



"Kaya ko na ate, rest day niyo ni Kuya Emong kaya magpahinga nalang kayo. Goodnight ate."



Pagkababa ko ng tawag, agad kong ginawa yung skin routine ko bago ako matulog. Muntik pa akong malate ng gising, buti nalang nakapag-alarm ako kagabi. Magtatanghali narin kaya nagluto muna ako ng tanghalian ko.



Nagluto ako ng carbonara, tsaka gumawa narin ako ng iced tea. Kakasimula ko lang kumain nang biglang magvibrate yung phone ko.



1 message from kensnsn



kensnsn: pal, diba aalis ka ngayon?



My brows furrowed.



stellvstr: oo, bakit?



kensnsn: puntahan mo ko sa uptown mall, hindi ako marunong magbayad ng tubig naputulan ako kanina



stellvstr: ano? seryoso?



kensnsn: oo nga



stellvstr: okay, sige. papunta na



Tinapos ko na agad yung pagkain ko bago ako maligo. I just wear my tie-dyed polo with three buttons down and a pair of maong pants. I also wear my white cap and a mask, gusto ko muna lumabas na tahimik lang walang media.



Agad akong pumunta doon, buti nalang at hindi ganoon karami yung tao, hindi crowded tsaka wala masyadong media. Dumiretso ako sa Bills Payment kung saan ko siyang nakita na nakatambay.



"Sorry napatagal. Traffic."



"Ayos lang, sorry sa abala. Eto yung mga bill ko, tatlo yan," sagot niya saka inabot sa'kin yung bills. Buti at walang pila kaya na-assist ako agad. 



I asked Ken for the cash to complete the payment. Actually, his bills aren't that expensive, it was even cheaper than mine.
It's quiet confusing why he doesn't know how to pay, I almost thought he was from the dark ages.



"May pupuntahan ka pa ba? I can go with you, i have no schedule today," he asked, still leaning on the wall.



"I'm planning to watch a movie pagkatapos kong mamili ng damit sa Department Store, ayos lang ba yun sa'yo?" 



"Sure, samahan na kita," sagot niya tsaka sumunod na sa likod ko. Nag-suggest pa siya ng iba pang clothing brands kaso mas pinili ko yung sa brands sa loob ng Department Store. May discounts kase doon minsan, mas prefer ko yung hindi ganoon kamahal.



Bumili narin ako ng dalawang hawk bag para sa mga kapatid ko. Regalo ko para sa kanila, malapit narin kasi ang christmas season. Plano ko rin na kapag naggraduate na yung isa sa kanila ng elementary, dadalhin ko na sila dito sa Manila.



Magbabayad na sana ako nang marecognize ako at si Ken nung isang cashier lady. "Mr. Stell Ajero? Mr. Ken Suson?"



Tumango nalang ako tsaka ngumuti, kahit hindi nila makikita yun dahil nakamask parin ako. Nagtanong yung isa pang cashier lady kung pwedeng makipagselfie. Inaya ko rin si Ken na may tinitignan sa isang shelf.



Pagkatapos noon, inassist na nila yung mga pinamili ko. Mas inayos pa nila yung packaging. Nag-thank you narin ako bago kami lumabas ng DepStore. Dumiretso narin kami agad sa 4th floor kung nasaan yung Cinema. Hindi siya nagsasalita simula kanina, pero ang daldal niya kapag nasa set. 



"Stell anong gusto mo? Regular order o combo nalang?" Tanong niya nang makarating kami sa Food Stall. Tinignan ko kung saan kami mapapamura kaya combo nalang sinabi ko. Inabot niya sa'kin yung softdrink na para sa'kin saka isang footlong, dala niya naman yung isang pack ng popcorn tsaka yung softdrink at footlong niya.



Pinili namin yung movie na new released para exciting. The movie is a little bit thrilling but it was exciting to watch. Kalagitnaan na ng movie nung maramdaman ko na kailangan ko mag-banyo. 



I remove my mask after I enter the bathroom, I found a cute whole body mirror inside so I decided to take a mirror shot first. Binaba ko muna saglit yung cap ko sa may sink sa labas ng cubicle before peeing.



Pagkatapos noon tsaka ako bumalik sa pwesto namin ni Ken kanina. Kumakain lang siya roon ng payapa habang nakafocus sa panonood. Patapos narin yung movie kaya naupo na ako.



The movie last for almost three hours, nakakapagod kaya nag-aya na akong umuwi. We separated ways nung pauwi na, papunta pa raw kasi siyang pasig. 



Pagdating ko sa bahay, I posted my mirror shot a while ago inside the bathroom on instagram. Nireview ko yung photo ko then I realized na naiwan ko yung cap ko. Gusto ko magwala! Regalo ni papa yun sa'kin nung birthday ko last year, tapos mawawala ko lang.



I messaged Ken, baka nahulog ko lang sa tabi niya. Wala naman daw, so baka nga talaga naiwan ko sa cubicle nung nag-cr ako. I keep on scrolling down on my feed when a unknown person sent me a text. I stalked him first before opening his message.




j.pablo

10 posts - 10,266 followers - 23 following

pau

Berries Official, Head Admin.




So he's one of the head admins of my official fan groups, berries? Hindi ko pa siya nakakausap ni isang beses, ni hindi nga siya pamilyar sa'kin. Ngayon ko lang nalaman na isa siya sa mga head doon. I stalked him more then I saw his pictures. Halos lahat ng shots nakagitara o kaya nasa studio. I think he's into music also.



Bumalik yung atensyon ko sa message niya kanina. Nagsent siya ng isang picture, bago isend yung tanong niya.




j.pablo: Hi, Stell. Goodevening. I just want to ask if you own this cap? I saw your recent post so I doubt if its yours.




Napapaisip pa tuloy ako kung english rin ba ang isasagot ko sa kanya. Mukhang mataray.




stellvstr: uptown mall, cinema comfort room near the big mirror, front of the last cubicle?



j.pablo: Yes.



stellvstr: that's mine, naiwan ko kanina.



j.pablo: I can give it right away, location. 



stellvstr: admin of berries official right? just gave it to me tomorrow, i think you know about our performance in UP Sunken, I would be there.



j.pablo: Okay. Have a nice night, Stell.



***


havenlyjah

Above the OceansWhere stories live. Discover now