10

318 33 5
                                    

Litrato namin iyon ni Pau habang kumakain. Sa unang picture ay ako lang ang laman habang nakaside-view. Sa pangalawa at pangatlo ay litrato na namin ni Pau habang magkausap.



From: Ken

Be careful next time man. Release a statement asap.



Tinignan kong muli yung article. Madaming negatibong komento ang nandoon, karamihan puro fans namin ni Ken. Kaya siguro kinontact niya ako agad.



'Boyfriend? Akala ko ba sila ni Ken?'

'Akala ko si Ken ang boyfriend niya?'

'Maybe he cheated?'



'Wooo, who's the lucky guy?'

'Stell looks happy, so be happy for him.'

'Parang familiar yung guy!'



The comments parallels each. Kapag may negative one may susunod na positive. Kalat narin yung pictures all over twitter and facebook. Ayoko na munang makakita ng mga komento kaya binaba ko rin yung cellphone ko.



Kinaumagahan, nagising ako dahil sa sikat ng araw. Nilibot ko muna yung paningin ko dahil parang may kakaiba. Paano ako napunta sa kwarto ko? E, sa sofa ako huling pumunta kagabi?



Bumangon ako para makapaghilamos na. Kahit naguguluhan ay lumabas parin ako ng kwarto. Nakarinig ako ng talsik ng mantika kaya imbis na sa banyo ay sa kusina ako pumunta.



"Pau?" Kahit nasisinigan ang mata ko ng araw ay namukhaan ko parin siya.



He turned his gaze to me. He doesn't looked surprised, more on expected.



"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?"



"I saw the article. Dumating ako dito kaninang madaling araw, nakilala naman ako ng guard sa carpark kaya pinapasok ako. I was bothered," binalik niya rin agad ang tingin sa niluluto niya.



Hindi ako nagsalita, sa emosyon at boses palang ng pagkakasabi niya noon ay halatang kabado na siya. Dumiretso nalang ako sa banyo at naghilamos. Pagkalabas ko ay nakahain na ang pagkain sa mesa.



"Tatayo ka lang ba diyan? Hindi mo ako sasamahan?" Napabalik agad ako sa wisyo at umupo na. Tahimik lang kami, ayoko namang pagusapan yung bagay na yun over breakfast.



Inako ko narin na ako ang maghuhugas. Nakakahiya naman at siya na nga ang nagluto at naghain, siya pa ang maghuhugas. Siya naman ay umupo roon sa sofa at nanonood ng tv. Pagkatapos kong maghugas ay tinabihan ko siya.



I was playing with his hands when he said something that made me stop.



"About the pictures... Hindi ka ba natatakot na makitang kasama ako? Lalo na't trainee palang ako, wala pa talaga ako doon sa kahelera mo."



"Hindi ko naman iniisip na artista ako tuwing kasama kita. Everytime I'm with you I feel free, Pau."



"Pero, hindi ba maaapektuhan nun yung career mo?"



"Maybe or maybe not. But as soon as possible I will settle all things and give enough statement. Just, trust me. Nagsisimula palang tayo, masasanayan karin. And by time, we will be free," I held up his chin and caressed his cheeks.



I assured him na walang career ang masisira. Ayokong maguilty siya.



"Anong oras ka uuwi?" Tanong ko para hindi na siya mangamba dahil sa nangyari.



Above the OceansWo Geschichten leben. Entdecke jetzt