24

317 31 8
                                    

"Hindi kita maintindihan, Ford. Wala akong inaagaw sa'yo! Lahat ng mayroon ako simula noon, hanggang ngayon pinaghirapan ko yun. Hindi ko inagaw yung spotlight sayo, kase alam ko na may sarili ako. Now tell me, saan kita inagawan?" My voice broke.



"Sa lahat! I never get the validation and support I needed the most! Lagi-lagi ikaw bukambibig ng pamilya ko. Everytime na uuwi ako sa bahay, walang oras na icocompare nila ako sayo. Na kesyo, mas magaling ka, na kailangan kong tularan ka!" 



Those words hit me hard. Wala akong intensyon na mangyari yun.



"Then, why you didn't tell me?! Maayos pa tayo noong nangyari lahat ng 'to! Hindi ko akalain na kaya mong sirain ako... Umangat ka ba nung nagawa mo yun? Hindi diba?"



"Kasi ayun lang yung paraan na alam ko. I'm sorry..." Hawak niya ang braso ko habajg nakaluhod sa harap ko. "Sadyang natatakot lang ako, Stell... natatakot ako na kapag nadisappoint ko pa sila Mom at Dad, papabalikin nila akong America.. Stell, I'm sorry.. handa akong lumuhod sa harap mo ngayon! Please, huwag mo lang akong sampahan ng kaso.." he pleaded. 



Kita ko ang lungkot at sinseridad sa sinabi niya. Alam ko na nasaktan niya ako ng sobra at naapektuhan pa noon ang mga kasamahan ko sa staffs. Pero hindi ko siya kayang husgahan, lalo na't hindi ko alam lahat ng pinagdaanan niya. Everything that he go through, just to make his parents proud. 



"Tumayo ka na.." Inalalayan ko siya sa pagkakatayo. "I wouldn't file the case anymore, but promise me one thing, Ford." 



He looked at me with his teary eyes. "Ano yun?" 



"Gave yourself a chance. If showbiz wasn't the best for you, Alam kong may career ka pa na paparating na mas makakabuti para sayo. It also might be better if we cut our connections here. Let's live our own lives, peacefully. Pinapatawad na kita," tinapik ko ang braso niya bago naglakad palabas ng kanyang opisina.



Inayos ko ang polo ko bago ako nagmaneho paalis. Pagkauwi ko sa condo, agad kong binuksan ang phone ko. I have 4 unread messages from Pau and 5 missed calls. Tinatanong niya kung saan ako nagpunta. 



To: Pau 

Nasa condo na ako. You don't need to worry. 



From: Pau 

Okay... See you, then. 



Hindi na ako nagreply pa at nagpahinga na. I still have 7 hours to rest before my next shoot. Nagising lang ako nang may biglang may nagdoor-bell. It was a grab food. Wala naman akong inorder ngayon kaya nagtaka ako. 

Above the OceansWhere stories live. Discover now